39

Online Journal

Erie,

Medyo nagaalala ako, Erie hahaha sana okay lang siya 'no? Sa tuwing iniisip ko kung anong puwede kong gawin para hindi sayang yung dalawang linggo kong bakasyon naiisip ko pa rin yung kalagayan ni Magnus. Hindi na ako pumunta sa unit niya para ibigay yung cookies tsaka crinkles kasi baka ayaw niya. Hindi na rin kasi ang rereply simula noong tinawagan ko siya.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Hindi ko na kaya. Kinatok ko na siya sa unit niya. Nagulat pa ako ng pagbuksan niya ako ng pintuan. Doon ko lang nakita yung buong itsura ng mukha niya. Parang ngayon lang ako nakakita sa malapitan ng taong may asul na mata.

Tama nga ang hinala ko. May lahi nga siya. Magulo yung buhok niyang wolf cut ang hairstyle. May balbas pala siya, Erie? Doon ko lang din talaga napansin, parang noong nakita ko siya nung isang gabi hindi ko nahalata. Parang kakagising niya lang din kanina noong kinatok ko na siya. Nakaputing tshirt at pajama na itim. Tapos yung mga mata niya parang ang sharp tingnan.

Sa pagkakatanda ko parang hunter eyes 'yon, pero bakit parang ang lungkot? Ang lungkot ng mga mata niya.

Sana okay na talaga siya.

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top