36

Online Journal

Erie,

Hindi na siya nag reply, Erie. na creepy-han nga talaga satin huhuhuh nakakahiya! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang hindi kakayanin ng konsensya ko na makita siyang tumalon doon para tapusin ang sarili niya.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Tatlong araw ng lumipas, Erie. kumusta na kaya siya? Yung boses niya kasi nung gabing 'yon parang may dala dala na mabigat na problema, eh. Parehas ba kami? Parehas ba kami ng pinagdadaanan ngayon? Nagawa niyang makipag usap sa akin. Ako nag insist na rin hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya.

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top