33
TW: Suicide attempt.
I saved him
Valerie's
"Vacation leave..." naguguluhan kong tanong sa sarili ko ng mabasa ang message ni Ms. Caroline sa akin.
Tahimik ang buong unit. Malinis na rin. Ito ang gusto ko... malinis at maaliwalas. Ang totoo n'yan ay sinusubukan kong libangin ang sarili ko sa ibang bagay. Sa tuwing nararamdaman ko na napupuno na ang utak ko sa mga mabibigat na nararamdaman nag lilinis ako ng buong unit.
General cleaning.
Wala na akong pakielam kung sobrang mapapagod ako. Mas gusto ko 'yon, para diretso ako makakatulog. Sa tuwing nag lilinis ako napupunta sa ibang bagay ang utak ko. Kailangan ko lang na madistract. Pero alam kong hindi naman din pang-habang buhay 'tong nakaalalay ang distraction sa isipan ko.
Nakahiga ako sa malambot na sofa habang nakatitig pa rin sa cellphone ko. Hapon na ngayon... ay, mag gagabi na pala. Kitang kita ko ang kalangitan sa balkonahe ng unit ko na nagkukulay kahel na, unti-unti ng bumababa ang araw.
Tumatagos pa 'yon sa sala kaya ang buong unit ay kulay kahel na rin. Golden hour? Tipid akong ngumiti at pinatay ang phone bago ipatong sa center table. Natulala na lang ako sa puting kisame na para bang nandoon ang kasagutan sa lahat ng tanong sa isipan ko.
"Anong gagawin ko ngayon?" sambit ko habang nakatingin pa rin sa itaas. "Sobrang haba ng dalawang linggo..."
***
Umabot ng hating gabi wala akong ibang ginawa kundi ang manahimik at matulala sa sala. Wala akong ganang kumain kaya naisipan ko na lang ngayong gabi ay tumambay sa balkonahe ng unit ko at manigarilyo. Nakabukas din ang beer in can sa gilid ko.
Madilim na. Halos walang ilaw ang makikita sa buong unit ko dahil gusto ko no'n. Parang pinagkaitan ng meralco sa unit. Mahina akong natawa at napailing na lang. Nakaupo ako sa lapag ng balkonahe, pinaglalaruan ang piercing sa labi ko habang tulala sa kabilang balkonahe. 'Yon kasi ang una kong nakikita, ang puwesto ko kasi ngayon ay nasa gilid ako.
Dinala ko sa labi ang sigarilyo, ilang minuto ko pang pinatagal sa bibig 'yon bago binug-sino 'to?
Kumunot ang noo ko ng makita ang isang malaking bulto ng tao na pumunta sa balkonaheng tinitigan ko kanina na ngayon ay may tao na. Alam kong hindi ako no'n makikita dahil madilim sa puwesto ko.
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Hindi ko gaano makita ang mukha niya, nakaside view ito at parang ang lalim ng iniisip. Hindi ko man siya makita ng maayos parang nararamdaman ko na may kakaiba sa kan'ya.
Dahil naka side view siya, kitang kita ko ang magandang hulma ng ilong nito. Matangos siya. Hindi normal ang tangos ng ilong nito para sa isang pilipino. Kitang kita ko kung gaano ka define ang panga nito-huh.
"Anong gagawin niya..." mahina kong sambit.
Hindi ko namalayan na naibagsak ko na pala ang nakaipit na stick ng sigarilyo sa daliri ko nang makita kung paano niya inakyat ang railings at sinubukang tumalon. Napalunok ako at parang binuhusan ako nang malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos at nagulat sa ginawa niya.
"Aray," daing ko.
Bumaba ang tingin ko sa gilid, ang baga ng sigarilyo ay tumama sa hinliliit ko. Napahaplos ako roon at kasabay no'n ang pag sanggi ko sa phone ko na nakapuwesto lang sa gilid ko. Parang may kung anong tumulak sa akin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinadtad ko na siya ng text para pigilan siya.
Naglikha ng tunog 'yon at doon ko na rin nalaman na ang cellphone niya ay nasa loob ng sweat pants na suot niya. Umiilaw kasi ang phone nito sa bulsa niya.
Message
Magnus (1006)
Today
Nakikita kita.
Stop what you're trying to do.
Magnus.
Don't do that.
Im really concern here.
I'm from unit 1005.
Magnus.
Hey.
Wala pa rin. Hindi niya pinapansin kahit na naririnig at nakikita ko ang pag ilaw ng phone niya sa suot niyang sweat pants. Hindi na ako nakatiis.
Tinawagan ko na siya.
"Fuck it..." dinig kong reklamo nito bago umakyat ulit sa railings para makapasok sa balkonahe nito at sagutin ang tawag ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top