31
Online Journal
Erie,
Nakalimutan ko na nag file pala ako ng sick leave. Tapos ngayon lang nila na approved. Ngayong hindi na ako papasok bukas wala naman akong alam kung anong puwede kong gawin sa 2 weeks kong walang trabaho.
Dito na lang ba ako sa unit magpapalipas ng araw?
Xoxo,
Valerie.
***
Online Journal
Erie,
Erie... brain fog daw hahahah totoo pala 'yon? Nabasa ko sa internet, depression can affect memories. Pati yung atensyon ng isang tao at kung paano mag isip. Baka gano'n nangyayari sa akin? Medyo malabo na sa memorya ko na nagpasa ako ng sick leave. Sa sobrang dami kong iniisip nawala na siya sa utak ko.
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top