28

Online Journal

Erie,

Sahod na naman, Erie:) sakto day off ko, bukas. Makakatambay ako mamayang gabi sa balcony habang naninigarilyo hahahaha

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Sana naman. Bago pa bumalik o pagbalik ni Jace rito bigyan nako ng sign na dapat hiwalayan ko na siya, Erie. alam mo 'yon. Yung bibigyan ako ng rason para iwan ko na talaga siya at palayasin dito sa unit ko. Magtitiis muna ako. Kaya ko naman, eh. Tagal na nga. Ngayon pa ba ako mag mamadali.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Hihintayin ko muna na maubos ng todo ang sarili ko. Ubos na ako, Erie. Ubos na ubos na ako sa kan'ya pero papasimutin ko muna. Pipigain ko nang pipigain ko sarili ko para kapag nandoon na ako sa dulo wala na akong mararamdaman na kahit ano pa sa kan'ya.

Siguro... siguro nasanay ako sa kan'ya. Na kahit gano'n yung trato niya sa akin parang nakikita ko noon na magkasama kami. Mabait naman siya, eh. Mabait si Jace, Erie. nabago lang siya noong nag hiwalay na kami ng company sa pinagtatrabahuan namin. Kabaliktaran ng ugali ni Jace noon ang nangyari ngayon.

Hindi siya gan'yan. Hindi talaga.

Siya yung tipong boyfriend noon na kahit last money niya gagastusin niya pa rin 'yon para sa akin. Bago kami umabot sa point ng buhay na ganito. Naka nakatira na sa unit, kitang kita namin kung paano kami nag grow sa relasyon namin.

Pero siguro gano'n na talaga. Na hanggang dito na lang kami... na hindi na puwedeng tumagal pa.

Basta hihintayin ko ang araw na 'yon. At sisiguraduhin kong handa na ako no'n.

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top