23
Online Journal
Erie,
Ang dami kong gustong sabihin pero ang daming gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko hahaha break time ko ngayon. Kumain ako ng tocino na niluto ko kanina bago ako umalis. Ang galing hindi ba? Gabi shift ko pero kinakain ko pang breakfast.
Xoxo,
Valerie
***
Online Journal
Erie,
Confirmed nga, Erie. May babae nga talaga siya, naghahanap lang ako ng tyempo para hiwalayan siya. Sana dumating na ang araw na 'yon.
Pagkauwi na pagkauwi niya pa lang kasi nakita ko yung pulang marka sa leeg niya. Hindi naman ako bobo at tanga para hindi malaman kung anong klaseng pulang marka ang nasa leeg niya hahahaha hindi ako inosente.
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top