19
Online Journal
Erie,
Erie, I'm so sorry. Sorry talaga, Erie. Sorry. Patawarin mo 'ko. Pangako ko sa sarili ko hindi ko na sasaktan sarili ko. Ilang beses ko ng pinangako sa sarili ko na hindi ko na uulitin 'yon pero nagawa ko na naman. Pati buhok ko umikli na ulit. Hindi na pantay ang buhok ko.
Pangako ko sa sarili na kapag naisipan kong sugatan sarili ko, yung buhok ko na lang pupuntiryahin ko. Pero parehas ko silang ginawa. Pasensya kana, Erie. Sorry. Patawarin mo 'ko.
Nanginginig ang kamay ko. Nanginginig siya. Tapos na ang nangyari pero hanggang ngayon nararamdaman at nakikita ko pa rin kung paano nanginginig yung kamay ko... kung paano nandoon yung kati sa palad ko na saktan ang sarili ko.
Bakit gano'n. Bakit ang hirap. Bakit ang hirap pigilan. Bakit sa tuwing nagagawa kong saktan ang sarili ko... kapag nandoon na... kapag bumalot na sa isang parte ng katawan ko kung saan ko sinaktan ang sarili ko lahat ng mabibigat na bagay na umiikot sa isipan ko pansamantalang nawawala.
Kapag ba nilaliman ko... kapag ba diniinan ko... kapag ba... kapag ba tinuluyan ko, habang buhay na bang mawawala ang magulong tumatakbo sa isipan ko?
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top