140

Good luck Kiss?

Valerie's

Dumating na rin ang araw na pinakahihintay namin, at itong si Magnus sa tabi ko grabe ang kaba. Ramdam na ramdam ko 'yon at kitang kita sa reaksyon ng mukha niya. Nasa Mapúa kami ngayon at dito gaganapin ang CE board exam.

Maaga pa lang ay nag asikaso na kaming dalawa, at nakapag review pa si Magnus ng isang beses bago kami tuluyang makaalis. Nag drive thru muna kami saglit para bumili ng makakain ulit at kape niya bago makadiretso sa Mapúa.

"Huwag ka masyadong kabahan," nakangiti kong sambit.

Nasa labas lang muna kami at hindi muna pinilit na pumasok hangga't kinakabahan pa siya. Madaling araw pa lang ay nandito na kami dahil maaga ang start ng exam. May mga pumapasok na sa loob pero itong kasama ko parang hindi na yata nakakilos sa kinatatayuan niya.

Muli ko siyang hinarap at tiningnan ang mukha niya. Naka brush up ang wolf cut nitong buhok, ako ang nag lagay ng gel at nag ayos ng buhok niya. Isang plain white longsleeve shirt na may kwelyo ang suot niya sa pangloob at pinatungan niya lang 'yon ng light brown sweater na may apat na butones na nakabukas sa bandang leeg. Pinartneran niya lang ang pang itaas nito ng maong na pantalon at puting sapatos.

Nakatupi ang sleeves ng dalawang patong na suot ito at inayos niya lang para atlis may style pa rin kahit papaano. Nakahalukipkip siya habang napapansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa brown envelope. Doon nakalagay lahat ng mga ipapasa niya.

"I'll go inside," mahina niyang bulong.

Bumaba ang tingin niya sa akin, seryoso pa rin ang asul niyang mga mata. Ningitian niya ako pero alam kong kinakabahan pa rin siya. Nangunguna pa rin ang kaba at takot niya ngayong araw.

Tumango ako. "Maghihintay lang ako sa malapit na coffee shop dito. Kapag may nahanap ako itetext ko agad sa 'yo." Nilapitan ko pa siya lalo at tinapik ang balikat. "You can do it, Magnus. Makakapasa ka, naniniwala ako. Alam mo naman na ang pinagusapan natin hindi ba? Susubukan natin kahit ilang beses pa 'yan hanggang sa makuha natin 'yon."

"Yes. I will. Thank you. Thank you for cheering me up," malambing niyang sagot. Malambot ko siyang ningitian at inayos ang salamin nitong muntik nang mahulog.

"See you later, Engr. Magnus," masaya kong sabi.

Habang nakafocus ang paningin ko sa kan'ya habang ang kamay ko naman ay hindi mapakali kakababa ng dulo ng suot kong dress. Hindi ako sanay ng ganito pero sinusubukan kong ibahin ang pananamit ko. Atsaka cute lang din dahil parehas kami ng kulay no'n sa suot ni Magnus.

Medyo nakakailang lang din dahil sa mga peklat ko sa hita. Isang plain light brown dress ang suot ko at pinatungan ko lang ng white cardigan. Mukhang napansin ni Magnus ang ginagawa ko kaya bumaba ang tingin niya roon.

Tipid niya akong ningitian at naramdaman ang kamay sa aking baywang para ilapit sa kan'ya. "You're beautiful..." malambing niyang bulong sa akin. Napangiti na lang ako sa kan'ya. Bolero. "See you later, okay? I promise... I'll do my best."

"Alam ko naman na gagawin mo 'yon. May tiwala ako sa 'yo." Tinapik ko na ang braso niya at nginuso ang nakabukas na gate para makapasok na siya roon. "Pasok ka na doon. Alam ko may gagawin pa kayo sa loob, eh."

"Okay."

Pinanood ko na muna siyang mag lakad papasok doon pero natigilan ako ng may makalimutan. Malakas kong tinawag ang pangalan niya na parang lahat na rin yata ng tao ay napatingin sa akin.

"Magnus!"

Tumigil siya sa pag lalakad. Tumakbo na ako papunta sa kan'ya at saktong pagkaharapan niya sa akin ay hinila ko ang kan'yang kuwelyo para mapayuko at doon ang lapat ang labi naming dalawa. Alam kong hindi niya inaasahan na gagawin ko 'yon dahil ramdam ko ang paninigas ng buong katawan niya. Ilang segundong magkadikit ang labi namin bago ko maramdaman ang pagtugon niya at siya na rin ang humiwalay.

"Valerie..." hindi niya makapaniwalang usal.

"It's a goodluck kiss. Gamitin mo nang maayos 'yan, ah? Bye!" nakangisi kong sambit at tumakbo na palayo para makapag focus na siya sa board exam nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top