14
Note: a little heads up lang, this chapter is more focused on Valerie's monologue than her dialogue. Thank you!
His Number
Valerie's
Tahimik akong nag huhugas ng kamay sa lababo ng restroom na pinasukan ko sa isang mall na malapit sa condo. Nag withdraw lang ako ng sapat na pera sa bank ko para may pang bayad sa bills at iba pa. Nakapag grocery na rin ako... kaunti lang. Yung sakto lang sa akin dahil hindi ko alam kung kailan babalik si Jace.
Pakiramdam ko parang nililipad ang utak ko sa malayo habang abala pa rin sa pag huhugas ng kamay. Hindi pa ako mababalik sa reyalidad kung walang tumapik sa braso ko. Sa gulat ay malakas akong napasinghap at lumingon sa gilid.
"Miss, nag sasayang ka lang ng tubig. Tapos ka namang maghugas, eh. Wala ng sabon 'yan kamay mo," reklamo ng ginang sa akin. Nang matingnan niya ang itsura ko ay hindi nakatakas sa paningin ko ang panlalaki ng kan'yang mga mata. "Jusmiyo, ano na ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon. Pati muhka sinisira."
Hindi na ako sumagot at gumilid na lang. Lumipat ako sa ibang puwesto at pinag mamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Maputi ang balat. Makinis ang mukha. May itim na piercing sa kanang kilay at sa ibaba ng kaliwang labi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuhan ko ngayong araw.
Nakasuot ako ng itim na baggy pants at pinartneran ko lang ng oversized dark blue shirt na may malaking printed na rockstar hand gesture na kulay puti. Habang ang gray kong body bag ay nakasabit sa katawan ko. Ang tanging makulay na bagay lang sa akin ay ang dalawa kong malaking bangels sa magkabilaang pulsuhan.
Ang tagal kong nakatingin sa palamuti ng palapulsuhan ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsilip ng mga iilang peklat na naroon. Peklat ng kasaysayan kung ilang beses ko ng sinubukang tapusin ang sarili ko sa mga nagdaang araw noong matagal na panahon.
Ang peklat na nandoon ang makakapagsabi kung ilang beses na akong nagising sa mga panahon na handa na akong sumama sa mga mapanlinlang na bumubulong sa isipan ko.
Ang peklat na nandoon ang proweba kung ilang beses kong sinubukang sinukuan ang kung anong meron sa sarili ko.
Napapitlag ako nang maramdamang may humawak sa suot kong pantalon. Nang makita kung sino 'yon ay isang bata lang pala. Tipid ko siyang ningitian at umusog ng kaunti para makapag hugas ng kamay. Nang umangat ang tingin ko sa harapan ng salamin ay muli ko na namang nakita ang mukha ko.
Maliit at bilugang mukha. Kulay pulang medyo papunta na sa peach ang kulay dahil nag fafade na. At ang shaggy haircut na ako lang din naman ang gumawa dahil sa isang malalim na dahilan. Ilang taon ng ganito ang buhok ko dahil palagi na 'yong nababawasan.
Hindi na rin ako nagtagal sa restroom. Lumabas na agad ako at bumalik sa unit. Malapit lang naman ang mall sa amin kaya walking distance lang 'yon sa condo kaya hindi na ako nag abala pang mag book ng masasakyan.
Nang makarating sa 10th floor at nasa harap na ako ng unit ko ay bumaba ang tingin ko sa isang itim na plastic. Mukhang ito yung nakabalot sa parcel. Kumunot ang noo ko, binaba ko ang dala kong tote bag na pinaglalagyan ng mga grocery at lumapit doon para kunin.
Tinapon pa ng may ari nitong unit 'tong basura? O baka nahulog lang nung tinapon lahat ng basura sa bahay? E'di may butas ang malaking plastic?
09XXXXXXXXX
10th floor. Unit 1006.
Magnus Dela Cuesta
Dahan-dahan akong napatingin sa nakasaradong pinto ng unit 1006. Hindi pa discreet ang number niya, hindi niya ba alam na malaki ang chance na kapag loko loko ang nakapulot no'n puwedeng magpadala 'yon ng kung ano ano at sa kan'ya maipapangalan?
Napakurap na lang ako sa lalim ng iniisip ko. Teka nga, bakit ko ba 'to iniisip? Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa unit ko. Pumasok na ako sa loob at pinatong sa counter ng kitchen island ang mga pinamili para ilagay 'yon sa loob ng refrigerator.
***
Hatinggabi na at nandito ako ngayon sa balkonahe ng unit ko. Nakadungaw sa barandilya at naninigarilyo. May nakapatong din na beer in can sa ibabaw ng lamesa at paminsan minsan ay umiinom ako roon.
"Bakit hindi mo pa kasi binibitawan? Dapat tinapon mo na," bulong ko sa sarili habang nakahawak pa rin doon sa pinambalot sa parcel. Nakatingin lang ako sa waybill. Nakatitig sa pangalan ng may ari ng unit 1006.
"Magnus Dela Cuesta..." mahina kong bulong.
Parang pamilyar ang apelyido niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top