138

iMessage
Valerie

Today

Huwag mong ipressure sarili mo ng sobra.
Kapag pagod kana magpahinga kana muna.
Ingat ka papuntang review center!
Kaya mo yan, future engr!

Puwede bang magpahinga d'yan?

Ha?
Saan?

Sa'yo.

***

iMessage
Tita

Today

Alam mo ikaw na bata ka.
Tigilan mo muna ang kalalandi kay Valerie at namumula na siya dito.

What?
What are you talking about?

Sinungaling ka na nga nag maang maangan ka pa!
Mag aral kana muna d'yan at hayaan mo 'tong isang makapagtrabaho ng maayos.

Tita! Stop being so nosy about us.
Ang kulit mo.

Hahahahaha.

***

iMessage
Valerie

Today

Hi, I just got home from the review center.
Nakainom ka na ba nung pangalawang gamot?

Hello.
Uminom lang ako ng tubig saglit at rereplyan kita.
Nandito pa rin ako sa resto ng tita mo.
May nag dining ng dalawang pamilya kaya inaasikaso namin.

Alright.
I'm on my way there.
Tulungan ko kayo.

***

Online Journal

Erie,

Mabuti na lang talaga napunta sa ibang bagay ang atensyon ko nung nabasa ko reply ni Magnus. Bakit siya gano'n!?! Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ngayon ko lang siya nakita na busy sa dining area. Nakakabilib lang din ang galing galing niya rin mag assist at mag asikaso ng guest. Ilang oras din ang OT ko no'n bago kami matapos lahat at mag closing. Mabuti nga at day off ko kinabukasan. Makakapagpahinga pa talaga ako ng maayos.

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top