136
Online Journal
Erie,
Ilang buwan na ako dito sa new work ko:) so far so good. Nag wowork ako sa restaurant ng tita ni Magnus. Pinapasok niya ako doon nung nabanggit ko sa kan'ya na gusto kong mag work na pero hindi na call center agent.
Gusto ko maiba naman hahaha. Kaya ayon, nakakapanibago kasi yung una kong work puro upo lang pero ngayong 8 hrs duty puro lakad at kilos doon. Okay lang naman, sanay na rin naman na ako kasi nag wawalking kaming dalawa ni Magnus tuwing umaga.
Dining staff una kong ginawa doon pero nailipat ako ng tita ni Magnus bilang hostess. Taga handle ng reservation at iba pa. Pero tumutulong din ako sa mga pag seset up ng table kapag wala masyadong customer.
Masaya pala yung ganito, kasi marami rin akong nakakainteract na customer. Atsaka nandoon din yung tita ni Magnus. Tumutulong din siya sa amin kapag peak hours, at araw araw naming naiiraos 'yon. Hahahaha.
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top