124

Online Journal

Erie,

May gusto siya sa akin? Teka. tekaaa! Magkasing kulay na ng mukha ko yung buhok ko, Erie! Nauutal ako. Hindi ko alam anong sasabihin ko.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Grabe. Ramdam na ramdam ko pa rin yung tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Parang nawawalan ako ng kakayahan na magsalita nung narinig ko mga sinabi niya.

"Gusto ko na unahin mo muna ang sarili mo. Na maging maayos ka at maging masaya. Alam kong ang wrong timing nang pag amin ko pero kasi nahuli mo na ako dahil sa post ko sa IG kaya magsisinungaling pa ba ako?"

"You don't need to answer it. Don't pressure yourself, priority muna natin ngayon yung sarili natin... lalo na ikaw. Hanggang sa maging okay kana. Hanggang sa magaan na ang lahat."

"Hindi naging dahilan kung bakit kita ginusto dahil niligtas mo 'ko noong panahong akala ko wala akong malalapitan, matatakbuhan, at makakapitan. I feel like... the reason why I felt that I like you is that when I know you very deeply."

"Valerie... hindi ka mahirap mahalin. Siguro yung mga taong sa tingin nila na nahihirapan sila kung paano ka mahalin sila 'yong walang pag tatyaga sa sarili kung paano ka pag e-effortan. You're so grateful for everything, kahit sa mga maliliit man na bagay. 'Yon ang napansin ko sa 'yo. Sobrang mong na-a-appreciate yung mga nararanasan mo at natatanggap mo."

Ang dami niya pang sinabi at ang naging reaksyon ko na lang ay matulala habang nakatingala sa kan'ya. Sobrang seryoso niya... sobrang seryoso ng mga asul niyang mata habang nakatitig sa akin. Feeling ko para akong matutumba o babagsak sa sahig kung hindi ako napakapit sa kan'ya.

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top