12

Online Journal

Erie,

'Gusto mo bang mamatay ng ganyan, ha?' imbis na masaktan ako bakit natawa ako? Hahahaha kung alam mo lang, Jace. Kung alam mo lang na ilang beses kong hinihiling sa itaas na huwag na akong magising para matapos na lang tong kaguluhan sa isipan ko.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Valerie... to be strong, brave, or healthy. Ako lang yata ang taong gan'yan ang pangalan pero ang hina hina ko.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Hindi ko pala naikwento sa 'yo. Nung isang araw umiyak ako hahaha sana hindi na lang ako nagising, Erie. ang saya ko sa panaginip ko. Ang aliwalas ng itsura ko roon at parang walang mabigat na problema. Ilang beses kong sinubukan na matulog para bumalik ulit ako sa panaginip na 'yon pero wala. Walang nangyari.

Umiyak ulit ako. Kailan ko ba mararanasan yung payapang pag iisip?

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top