117

Online Journal

Erie,

Ang ganda ng napuntahan namin, Erie. Tago siya na place, pero dahil kilala na ng ibang mga tao, nadadayo pa rin. 'At last, and found' yung name ng kainan. Closed area yung sa baba at sa taas ang ganda... al fresco at maraming mga fairy lights.

Mabuti at nakapag reserve ng table si Magnus para sa aming dalawa. Alam niya raw kasi na maraming tao dahil weekends din kaya mabuti na lang at ginawa niya 'yon. Nasa bandang railings kami, para raw makapag tingin tingin ako sa mga view.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Inorder niya yung best seller sa tapsi na menu. Tapos nagpaluto rin kami ng seafoods! Lalo na yung pusit na maraming sibuyas tsaka kamatis sa loob. Grabe ang sarap! Sulit ang gabi hahahaha nakakaenjoy siya kasama. Ang dami rin naming mga pinag usapan tungkol sa ibang bagay, kaya hindi na rin namin napansin ang oras. Nakalabas na lang kami sa kainan kung kailan closing na sila.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Pumayag na ako... pumayag na ako sa sinasabi niya na mag pa assess ako at magpatulong na sa therapist.

Sana maging maayos 'to. Sana maging okay na.

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top