114
Online Journal
Erie,
Alam niya na naman:) ang bilis niya naman na pumunta dito parang kaka message niya lang sa akin. Dito na siya tumambay sa unit hanggang mag gabi. Bumili na lang siya ng kaunting meryenda kasi kakain pa kami sa sinasabi niya. Tapos nakatulog ulit kami. Nagising na lang ako na aalis na raw kami kasi mag gagala pa raw.
Xoxo,
Valerie.
***
Online Journal
Erie,
Hindi ko rin pala nabanggit, Erie... nang makapasok siya 'tsaka nakita ako. Una niyang tiningnan yung pulsahan ko 'tsaka yung hita ko. Akala niya siguro sinaktan ko na naman sarili ko. Wala naman siyang sinabi tungkol doon pero alam kong 'yon ang naglalaro sa isipan niya. Kaya siguro tumambay na lang siya sa unit ko hanggang makatulog kaming dalawa.
Xoxo,
Valerie.
***
Online Journal
Erie,
Habang pinapanood ko si Magnus na asikasuhin ako kanina parang nakikita ko na yung sarili ko na nahuhulog na yata ako sa kan'ya?
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top