110
Online Journal
Erie,
May sinuggest si Magnus sa akin, Erie. Gusto niya na mag pa assess din ako sa kakilala ng therapist niya para sa ikakabuti ko... kung handa raw ako. Hindi naman siya namilit. Sinabi niya lang naman.
Kaso wala akong masagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Xoxo,
Valerie.
***
Online Journal
Erie,
Ang galing niya mag bake. Ginawan niya ako ng matcha criossant hahaha tapos nag timpla naman ako ng iced spanish latte para sa kan'ya. Naguilty nga ako nung isang araw kasi parang sa kalagitnaan ng gabi 'yon... sa pagkakatanda ko madaling araw na. Bigla akong nag crave ng mango cheesecake kaya tinawagan ko siya no'n para samahan ako.
Buti pumayag siya. Ang dami rin nangyari... masaya. Pakiramdam ko parang kaming dalawa lang yung gising sa tahimik na mundo. Kung ano ano rin mga nakakatawang pinag usapan namin hanggang sa maantok kami.
Kaso ayon lang din. Sa daming nangyari hindi ko alam paano kami umabot sa point na magkatabi na kami sa kama na natutulog ng mahimbing.
Xoxo,
Valerie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top