108

Online Journal

Erie,

Ang cute. Same kami ng iphone ni Magnus:) silver pro max nga lang sa kan'ya habang pro lang akin. Sobrang laki na kasi sa kamay ko nung pro max, medyo mahirap bitbitin? Ang cute talaga!

Masaya ako ngayon, Erie. tapos hindi ko alam na nilibre niya pala ako ng iwatch. Nakakahiya. Hindi ko alam anong puwedeng pambawi sa kan'ya. Mag bake kaya ulit ako tapos bigay ko lang sa kan'ya? Strawberry cheesecake naman.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Buwan na rin ang nakalipas simula nung nag resign ako:) ang daming nag bago sa buhay ko simula no'n. Nagpatulong ako kay Magnus na ayusin yung kuwarto ko. Iibahin ko ng puwesto at bumili rin ako ng bagong kama, unan, at comforter. Tinulungan niya rin ako na baguhin yung layout sa kuwarto para mag mukhang bago.

Medyo gumagaan na? Medyo okay na ako? Hindi ko pa rin alam. May mga times na nakakaramdam ako ng gano'n pero ang galing ni Magnus na mas nauunahan niya pa ang sarili ko na malaman na dadating ulit ako sa gano'ng bagay.

Parang kabisado niya na ako sa gano'ng bagay. Alam na alam niya na kung paano ako alagaan.

Nakakaproud lang din sa kan'ya dahil muhkang okay na rin siya. Pakiramdam ko malaya na siya dahil nababanggit niya rin naman 'yon. Masaya ako para sa kan'ya.

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top