103

Online Journal

Erie,

Napapansin ko. Bihira na lang kitang mabuksan, Erie. Sorry. Huwag ka sanang mag tampo, ha? Hindi ko na mabilang kung ilang araw na akong hindi nakakasulat dito. Hindi pa rin ako okay. Alam ko sa sarili 'yon. Natatakot lang ako na lumala.

Dumating na naman ako punto ng buhay ko na saktan sarili ko pero si Magnus pumapasok sa isipan ko sa tuwing gagawin 'yon. Kaya tinatawagan ko na lang siya bago pa magawa 'yon.

Alam kong hindi pa talaga ako okay.

Paano kung distracted lang ako? Paano kung umabot sa point na kapag pati si Magnus nawala... nawala sa akin e'di mahihirapan ulit ako? Babalik ba ulit ako katulad ng dati?

Yung mga mabibigat na nararamdaman ko noon bago ko pa siya makilala? Paano kung masyado akong nagiging dependent sa kan'ya?

Alam kong mali 'yon.

Xoxo,
Valerie.

***

Online Journal

Erie,

Magpapahinga na muna ako. Aayusin ko muna sarili ko, bago ulit ako maghanap ng trabaho. Kaya ko naman siguro 'yon.

Unahin ko muna sarili ko bago ang iba. Ilang taon ko na rin ginagawang second option ang sarili ko. Sa ngayon ako muna.

Xoxo,
Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top