Glowing Embers


𝓐𝓻𝓮𝓮

I'M not the most patient person that everyone thinks of me. In fact, I have plenty of short-fused moments. Mabilis akong mainis at mainip sa mahahabang detalye at proseso na sa tingin ko ay hindi naman kailangan. Minsan, may mga tao o pangyayari na sadyang nakakainis at mahirap maintindihan.

Tulad nalang nitong nangyayari.

“Aree, si Egan wala pa...” nag-aalalang sabi sa'kin ni Alya. Si Egan, isa sa mga ka-team namin. At mahigpit na ibinilin sa'min na dapat magkakasama kami hanggang sa matapos itong camping. “Hindi tayo papayagang makauwi hangga't hindi tayo kumpleto. Anong gagawin natin?”

“What?! Paanong wala?” pigil ang inis na tanong ko. “Hindi ba't magkasama lang kayo kanina?”


“Oo nga, pero hindi ko naman alam na umalis siya.”

Pinaningkitan ko siya ng mata. “So, you don't know where is he now?” Umiling si Alya. “Nasaan na 'yun ngayon?”

She shrugged. “Aba, malay ko!”

Napapikit ako sa inis. Bakit naman kasi ngayon pa niya naisipang mag-explore, kung kailan pauwi na. Tapos, hindi man lang marunong magpaalam.

“Sinubukan niyo na ba siyang tawagan?” tanong ko ulit.

Umiling muli si Alya at itinaas ang cellphone na hawak niya. “Iniwan niya.” 

Ugh, that guy! Why does he have to be this so difficult?!

“Kailangan natin siyang mahanap bago pa makarating kay Sir ang nangyari.” Hinila ko si Alya at lumapit kami sa mga kasamahan naming kanina pa naiinip.

“Makakauwi na ba tayo, Aree?” agad na tanong nila.


Nagkatinginan kami ni Alya at tinanguan niya ako para sabihing ako na ang magsalita at magsabi sa mga kagrupo namin.

“As you can see, ang grupo nalang natin ang nandito,” panimula ko, “at bilang team tayo kailangan ko ng kooperasyon nyong lahat para makauwi na tayo.”

Mukhang hindi sila natuwa sa sinabi ko sa paraan ng pagtingin nila sa'kin. “Kailangan pa ba natin siyang hintayin, Aree?”

Tumango ako. “Yes. Team tayong dumating dito kaya dapat team din tayong aalis,” paliwanag ko. “At mas mapapaaga ang pag-uwi natin kung magtutulungan tayo. Maghahati tayo ng grupo. Ang kalahati sa'tin, magsstay dito para hintayin siya, ang iba naman maghahanap sakanya.”

Akala ko okay na kasi lahat naman sumang-ayon sa suggestion ko. Pero ang problema, walang gustong bumalik sa camp site para maghanap.

“Oh come on, akala ko ba gusto niyo nang makauwi?” naiinis na tanong ko sakanila. “Magtitinginan nalang ba tayo dito at maghihintay?”

Wala pa ring sumagot sakanila kaya ako na ang unang nagpresinta. Hopeful and determined, I said to them, “I'll find him.” Kahit hindi ako sigurado kung paano at kung saan ko siya mahahanap.

Bahala na nga.

Tumingin ako sa mga kasama ko pero wala talaga silang balak na samahan ako. Naiinis ako sa nangyayari pero wala naman akong choice. Kailangan kong gawin ito dahil kung hindi, baka pare-parehas kaming hindi makakauwi.

I badly wanted to go home, kaya kailangang mahanap ko siya.

Sinimulan ko nang maglakad pabalik ng campsite baka abutan pa ako ng dilim sa daan. Pero sa kamala-malasan, nadapa pa ako.

“Ouchie!” Ang sakit ng tuhod ko tapos ang dumi-dumi ko na! “Arghhh!” I cried in frustration.

I never thought, I'd do something like this. I mean, masyadong strict sila Mama at Papa. Kung hindi lang siguro required ng school na gumawa kami ng community service para maka-graduate, siguro hindi nila ako papayagan. Lagi naman nila akong hindi pinapayagan kasi nga babae lang ako.

But no. Pinagpagan ko ang dumi sa pantalon ko at tumayo. Nagsimula ulit akong maglakad. I want to prove them wrong. Hindi ako babae lang, babae ako.

Dahil masakit ang paa ko, natagalan ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa campsite, magdidilim na. Pero balewala lahat ng pagod ko nang makita ang hitsura ng lugar.

Unti-unting tumulo ang luha ko nang makita ko siyang naghihintay sa tabi ng bonfire. “You planned this, huh?” naluluhang tanong ko sakanya.

Nilapitan niya ako at kinuha ang kamay ko. “Ilang marshmallow ang mauubos mo?” tanong niya sabay abot sa'kin ng mga marshmallow na hawak niya.

“Sa'kin na 'to, lahat?” tanong ko. Tumango siya kaya tuwang-tuwa ako.

Pinagkakain ko lahat hanggang sa kinuha niya ang radyo at nagpatugtog. Tapos naglahad siya muli ng kamay sa'kin? “Can I have this dance with you?”

Natawa ako. “Sumayaw din kayo kagabi?”

He shrugged. Tinanggap ko ang kamay niya at nagsimula kaming sumayaw sa paligid ng bonfire sa tugtog na, Girls like You ng Maroon 5.

“Masaya ka ba?” tanong niya sa'kin.

Tumango ako at tumingin sa kulay brown niyang mga mata. “Yes, very... this is too much. Pakiramdam ko birthday ko kahit hindi naman,” natatawa at naluluhang sabi ko sakanya. “Thank you, Egan.”

“No, thank you, Aree.” We smiled at each other. His smile gives warmth like glowing embers that burn in our hearts. “Thank you for being you.”

———
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top