D2

TINY'S POINT OF VIEW

Tatlong taon. Tatlong taon ako nalugmok sa lungkot. Nilamon ako ng pighati at iyak.

Dahil lamang sa kanya...

Okay na ako, eh. Okay na okay na ako pero bumalik ka pa ulit? Bakit? Kung kailan okay na ako, saka ka babalik.

Sobrang sakit iyong naramdaman ko... Iyong iyak sa tuwing gabi na naiisip kita. Lahat ng iyon dinanas ko sayo.

Iyong inggit na nararamdaman ko kapag kasama ko sila Erika, sobrang sakit. Bakit sila? Bakit sila pinaglaban sila. Pinili sila. Bakit ako? Ni-minsan ba hindi mo ko pinili? Ni minsan ba hindi ka nagtangka na ipaglaban ako?

Sobrang sakit, eh. Sobra.

Pinunasan ko ang aking luha. At, tinitigan ang aking sarili sa salamin.

"Hindi na ikaw iyong Tiny na nakilala nila. Hindi na ikaw iyon, Tiny. Wala na iyong Tiny na mahina at iyakin. Wala na. Malakas ka na. Kaya mo na siyang harapin at titigan sa mata, Tiny. Wala ka na nararamdaman sa kanya."

Huminga ako ng malalim.

"Nabura ka na sa isipan ko, Duke. Wala ka na sa isipan at puso ko. Wala na..." Pinunasan ko ang aking luha na tumulo.

"Hindi na kita mahal. Wala na kong pake sayo... Wala na. Pero, bakit ito na naman ang puso ko... Ito na naman siya..."

Paano nga ba kami humantong sa ganito? Paano nga ba?

×××

PS: Throwback thursday. Lol. Ang mga susunod na chapters ay throwback kung paano naging silang dalawa. Bow.

Humuhugot pa ako kay Stell. Last na siya, eh. Dapat maganda plot HAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top