𝙳𝚎𝚊𝚛 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙻𝚘𝚟𝚎
Dear you,
Four... five years? Hindi ako sigurado kung gaano na ba katagal simula nung una akong sumulat sayo. Hindi ko rin alam kung ano na naman ang pumasok sa isip ko at sumusulat ako sayo ngayon. Lagi kong sinasabi na, titigil na ako, huli na 'to, but I always end up doing the same thing over again.
It's... crazy.
Siguro kung mababasa mo ito ngayon, magtataka ka kung sino akong sumusulat sayo at bakit ako sumusulat sayo. To be honest, wala naman talaga akong dahilan kung bakit ko 'to ginagawa e. Basta... gusto ko lang. Ito lang kasi yung paraan na alam ko para makausap ka kahit sa sulat lang. Naisusulat ko 'yung mga bagay na gusto kong sabihin sayo, na alam kung hindi ko kayang gawin ng harapan. 'Yun nga lang, hanggang ngayon, wala pa rin akong lakas ng loob para ibigay ang mga sulat na 'to.
Letter 01
Dear You,
Love at first sight. Totoo kaya?
Some people are credulous enough to believe it. Sabi nila, pagdating sa love, walang imposible. Naniniwala naman ako sa kasabihang 'yun pero para sabihing love at first sight? Parang ayokong paniwalaan.
Crush at first sight, perhaps?
Tama, crush lang. Hindi naman siguro masamang magka-crush sayo diba?
Letter 02
Dear You,
Let me explain that crush thingy. Kasi baka kung anong isipin mo sa'kin eh. (If ever na mabasa mo 'to.)
Okay, ganito 'yun... maalala mo 'yung event kahapon sa sports complex? I was there, but not as an athlete 'kay? Bilang member ng school paper namin, kinailangan kong pumunta at makipag-participate sa mga kasama ko para may 'ambag' naman ako kahit papano. Ginawa nga akong taga-picture e!
It was tiring and no-fun at all! Nakakainis, nakakapagod, nakakahilong gawain, as in! Pero siguro nga, it happened for a reason. And if there's one thing that was good about it was... I saw you.
Normal lang naman siguro ang magka-crush diba? Hindi naman siguro masama na humanga ako sayo diba?
Happy crush, that's what they called it. A phase that will eventually fade away overtime. Sabi nila, I was young and naive back then, I didn't know what love is. Hindi ko pa daw alam kung paano magmahal. Ayokong sabihin na mali sila at ako 'yung tama, but I beg to disagree.
It was more than just a happy crush. For me, it was love — my first love.
Okay, point taken. Gwapo ka, cute, maputi, matangkad at may magandang ngiti. Sa madaling salita... pang-boyfriend material ang aura at datingan mo. Nakakahiya mang aminin pero oo, talagang natulala ako sayo nang makita kita. Naramdaman ko at totoo pala 'yung sinasabi nilang, butterflies in your stomach!
Cliché. Corny 'man na pakinggan at sabihin pero, there's something about you that I can't explain.
You were more than just a good-looking teenage guy in a varsity uniform.
Simula 'nun, hindi ka na maalis sa isipan ko. Ah, cringe! Pero totoo. Lagi kitang naiisip at hindi ko alam kung bakit!
Crush lang kita. Iyon ang sinasabi ko sa sarili ko at naniniwala akong mawawala din. Sabi nga sa nabasa ko, ang crush daw sa isang tao, nagla-last lang ng three months.
Maybe for you, I'm nobody.
Iniisip mo siguro na isa lang din ako sa kanila⎯ isa sa sa mga babaeng humahanga sa isang katulad mo. I was just the girl who fell in love with someone who doesn't even know her existence.
Sabi ko sa sarili ko kung crush nga kita, siguradong panandalian lang. Naniniwala ako na ang kapag crush, crush lang at mawawala nalang. Nabasa ko kasi na ang crush nagla-last lang ng three months. Kapag lumagpas ng three months 'yong crush mo sa isang tao, meaning daw nun nag-level up 'yong feelings mo sa taong 'yon. From crush to like saka lang ma-d-develop sa love.
And guess what? Three months later, crush pa rin kita!
Alam mo ba hindi na ulit ako nagka-crush sa iba? Hindi na nga ako kinikilig kay Tae-kyung eh, kainis! Ultimate crush ko 'yon pero bakit nawala bigla? Sa t'wing napapanood ko siya, ikaw 'yong naiisip ko. Kainis talaga. Ganon agad ang epekto mo sa'kin kahit hindi pa man kita nakikilala. Tapos feeling ko pa hindi nalang kita crush. Feeling ko, gusto na kita.
One time, a friend asked me kung in love daw ba ako. Tinanong ko naman siya kung paano niya nasabi? Sabi niya, halata daw sa mukha ko. Tinanong ko ulit siya kung ano bang itsura ko. Tapos sabi niya, mukhang timang daw. Para daw akong baliw na napapangiti mag-isa.
Tinanong niya ulit ako kung kanino ako in love. Sino ka daw. Natawa lang ako nun kasi, sino ka nga ba? Eh, hindi naman kita kilala. I didn't even know your name! Saka paano mo ba malalaman kung in-love ka na? May signs and symptoms ba? Kasi kung oo, grabe naman. Maiinlove na nga lang ako, sa isang stranger pa! Kaya naman, simula nung araw na 'yon, sinimulan ko na rin na hindi ka isipin. Magmo-move on na ako sayo. Na-realize ko kasi na panahon para magising ako sa realidad na walang patutunguhan ang nararamdaman ko para sayo.
So, I tried to move-on.
Then... June 10 came.
Does it ring a bell? May naaalala ka ba sa araw na 'yan? For sure, wala. Ano naman ang pakialam mo sa date na 'yan, diba? Maaring para sayo ordinaryong araw lang 'yan pero para sa'kin, hindi. Napaka-memorable ng araw na 'yan para sa'kin kasi bukod sa unang araw ko sa University as a college student, muli tayong pinagtagpo ng mapaglarong tadhana.
Muli tayong nagkita. Or should I say, muli kitang nakita. And that day, I realized that I failed. Hindi ako nagtagumpay sa pagmo-move on ko sayo. Akala ko naka-move on na ako pero akala ko lang pala.
Naaalala ko palagi ang araw na 'yon na para 'bang kahapon lang na nangyari. Bumabalik 'yong hiya ko kasi para akong tanga na nakatulala sayo 'nun. Nagulat kasi talaga ako na makita ka tapos nilapitan mo pa ako. Sa dami ng taong ando'n, bakit ako pa?!
Gusto kong matuwa pero sa t'wing naiisip ko 'yon, naiinis ako sa sarili ko. Para akong tanga. Mukha akong tanga nakatitig sayo habang kinakausap mo ako. May tinatanong ka nun sa'kin at dahil nga, nawala ako sa sarili ko nang makita ka, hindi kita pinansin.Nakakahiya! Tapos nung akala ko na nakaligtas na ako sayo, hindi pa pala dahil nung nahanap ko na 'yong first class ko, andon ka rin! Pareho pa pala tayo ng course at schedule! At hindi lang 'yon dahil nung sa isang subject natin na may seating arrangements eh, ikaw pa talaga ang katabi ko!
You don't have any idea kung gaano ako kinabahan nun. Hindi ako mapakali na kung pwede lang umuwi na ako, gagawin ko makalayo lang sayo. Kaso wala akong nagawa kundi ang magpanggap na hindi kita kilala kasi hindi naman talaga at magpanggap na okay kahit hindi.
Lumipas ang mga araw na nasanay na rin ako na lagi kitang nakikita. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na hindi nagugulat sa twing nakikita ka kasi nga, classmate tayo. Weird naman kung iiwasan nalang kita lagi. Kaya kahit na sobrang awkward sa pakiramdam na makatabi ka isang oras kada araw, kinaya ko. Kinaya kong hindi ka tignan at pansinin kahit na gustong-gusto ko. Kinaya kong magpanggap na hindi apektado kahit na madalas mong ipinaparamdam sa'kin na ayaw mo sa'kin. Ayaw mo akong katabi, ayaw mo sa presensya ko.
Simula nang araw na 'yon, muli kitang iniwasan. Nagpanggap akong hindi kita nakikita. Ginawa ko ang lahat para maiwasan kita katulad ng ginagawa mo. Pero sadyang may pagkakataon na hindi mo inaasahan at maiiwasan.
Nasa cafeteria kami nun ng mga kaibigan ko naglu-lunch kami nang bigla kayong dumating ng mga teammates mo at naki-share ng table sa'min. Pinilit kong h'wag ipahalata ang pagkagulat ko kahit na gulat na gulat ako sa nangyari. Lalo pa't, sa tapat ko pa ikaw naupo! Na-conscious tuloy ako at hindi makakain ng maayos kahit hindi mo naman ako tinatapunan ng tingin mo.
Bliss! Temporary bliss ang naramdaman ko noon. Kahit pilit kong i-deny sa sarili ko, alam kong masaya ako na andon ka, na ang lapit-lapit mo. Ang lapit-lapit ko sayo pero hindi ko maiwasan ang hindi malungkot dahil para akong invisible na hindi mo nakikita. Kaharap mo nga ako, pero bakit hindi mo 'ko pinapansin? Bakit 'yong mga kaibigan ko, kinakausap mo naman sila. Binibiro mo pa nga sila eh. Nakikitawa ka sa kanila na para bang close na close ka sa kanila kahit nun lang naman tayo nagsamasama. Bakit sa'kin, hindi mo magawa?
Alam kong dapat wala na akong pakialam.Hindi na dapat ako apektado. Pero bakit ganon nalang ang epekto sa'kin? Bakit masakit sa pakiramdam? Bakit ako nasasaktan?
Akala ko kaya kong tiisin 'yung sakit basta makasama kita sandali pero hindi ko kinaya. Kaya mas pinili ko nalang na umalis ng hindi nagpapaalam at lumayo. Napansin mo kaya ako, kahit sandali lang? Kahit katiting na sulyap lang? O sadyang wala kang pakialam?
Siguro nga hindi. Kasi kahit nakikita mo man ako o hindi, wala lang para sayo. Do'n ko narealize na kahit anong lapit ko na sayo, ang layo-layo mo pa rin pala.
Magmula nang araw na 'yon, hindi na ulit tayo nagkita. Madalas kitang hindi nakikita maski sa klase. Sabi nila, busy ka raw sa pagpa-practice ng kanta kasama ng banda niyo. Wala na akong pakialam, pero I can't help but to admire you.
Ang galing mo palang kumanta. Tapos 'yong boses mo, ang sarap sa tenga. Bagay na bagay sayo 'yong kantang kinanta mo. You owned the song. No doubt in your talent and for being the most popular guy in school. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ang daming nagkakagusto at nagkakandarapa sayo.
Napapaisip lang ako kung para kanino 'yong kanta mo. Sinong laman ng isip mo nung kumakanta ka? Sinong kaya 'yong sinabi mong inspirasyon mo at ang taong special sayo? Ang swerte naman niya. Kahit hindi mo siya pinangalanan, alam kong sa paraan ng pagkanta mo palang, alam kong gusto mo talaga siya. Ramdam na ramdam ko 'yong pagkagusto mo sakanya tulad ng pagkagusto ko sayo. Naisip ko nga, sana ako nalang siya. Kaso, 'wag nalang pala. Ayoko nang umasa dahil aasa na naman ako sa wala.
Alam mo, gusto kitang lapitan no'n. Gusto kitang i-congratulate at sabihin sayo na ang galing mo. Gusto ko sanang ibigay 'yong regalo ko sayo pero hindi ko kinaya. Nahiya ako eh. Kaya nga ang ginawa ko nalang eh ilagay sa ibabaw ng upuan mo 'yong regalo ko.
'Yong maliit na spongebob stuff toy.
Nasayo pa ba 'yon? Kung oo, thank you.Ingatan mo ha? Pinakaba mo ako that time eh. Nung nahuli mo akong nasa tapat ng upuan mo. Naalala ko pa nung tinatanong mo 'ko. Sariwang-sariwa pa sa alaala ko ang eksenang 'yon. Kung paano mo nilapitan at kung gaano tayo kalapit sa isa't-isa. At 'yong hindi ko malilimutan, 'yong boses mo at kung paano mo binanggit ang pangalan ko habang nakatingin ka sa mga mata ko.
I don't know how to react that time. Natulala nalang ako sayo dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko, o kung paano ka kakausapin. Gusto ko ngang takbuhan ka nun kaso para naman akong nabato sa kinatatayuan ko habang nakatingin sayo. Hindi kasi talaga ako makapaniwala sa nangyaring 'yon. Kaya imbes na magsalita ako at sabihin kong sa'kin galing 'yon, hindi ko ginawa. Pero kung sasabihin ko bang oo, ano kaya ang magiging reaksyon mo? Matutuwa ka kaya? Gusto kong malaman. But, I didn't have the courage to say anything to you. Natakot akomg malaman ang magiging reaksyon. Natatakot ako na baka malaman mo ang nararamdaman ko sayo kaya umiling ako.
That was the first encounter we had, and the last. Dahil hindi na nasundan pa ang eksena nating dalawa.
It was our second year in college, nung nalaman kung may nililigawan ka. Madami ang nalungkot, at oo, isa ako sa kanila. Ngunit pinilit ko nalang na baliwalain dahil alam ko namang wala akong magagawa. Kahit na sabihin ko sa sarili kong naka-move on na ako, ang sakit pa rin pala na malaman na ang taong gusto mo, may gustong iba. Ang hirap lang kasi alam mong wala kang magagawa. Wala akong magagawa. Minsan naisip ko, paano kaya kung umamin na ako sayo? Posible bang magustuhan mo rin ako?
Will we ever have our chance?Maybe.
Siguro kung naglakas lang ako ng loob para gawin 'yon, malalaman ko ang sagot. Pero dahil hindi ko ginawa, kailanman hindi ko na masasagot ang mga tanong ko. Alam mo bang maraming beses akong umiyak dahil do'n? Feeling ko nun, broken-hearted na naman ako kahit wala namang break-up na nangyari. Pero ganon talaga siguro. Kapag nagmahal ka, masasaktan ka. Sabi nga nila diba, kakambal ng nagmamahal ang masaktan. Kahit anong klaseng love pa 'yan, one-sided, o ano, masasaktan at masasaktan ka. Nako naman talaga! Kung alam ko lang sana kung paano mag-undo ng love, ginawa ko na para hindi ka na mahalin. But still, I have no regrets from loving you.
Minsan kasi, 'yong mga masasakit na experience natin, doon tayo natututo. I learned na minsan sa buhay hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo. Hindi lahat ng gusto natin nangyayari. Hindi dahil gusto mo dapat gusto ka rin. Gustuhin mo man na magustuhan ka at mahalin ng taong gusto mo, hindi mo pwedeng ipilit. We can't force it. Masakit man, kailangan nating tanggapin. Dahil ang love, hindi pinipilit. Hindi naghihintay ng kapalit.
I already accepted it. Yet, to be honest, I'm not totally healed. Totoo nga siguro ang saying na, first love never dies. But, I'm on the process of moving on na. I know that time will come for me to be okay. In God's time, I know He will heal me completely.
Magagawa ko rin na ngitian ka at tignan ka ng diretso sa mga mata mo in the near future na wala na akong nararamdaman para sayo. Pero sa ngayon, let me just love you. Hayaan mo lang akong mahalin ka hangga't ikaw pa ang laman nitong puso ko. Dahil... wala ka namang magagawa. Ako nga e walang nagawa sa nararamdaman ko, ikaw pa kaya? Hahaha.
But, thank you really. Thank you for being part of me, of my life. Thank you for reminding me that love is not just a feeling but an action. Love is a choice we chose. I chose to love you secretly. It's really hard, but just like what I've said, I have no regrets. Hindi ko pinagsisihan na ikaw 'yong pinili ng puso ko na mahalin. Hindi ko pinagsisihan na minsan nagmahal ako.
Maybe, I was meant for somebody else out there for me. Na-traffic lang siguro siya kaya wala pa. Hindi ko alam kung kailan siya darating. Ang magagawa ko lang siguro sa ngayon ay ang maghintay. Sabi nga nila, be patient in waiting. Alam kong darating din ang taong para sa'kin sa tamang panahon. In God's time. I believe that God has plan for me and for you too. We just have to believe in love and trust Him with all our heart.
I'm wishing you happiness. ‘Till we meet again... my first love.
A❤
...
Thank you for reading, loves! 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top