๐–ด๐—…๐–บ๐—‡! ๐–ด๐—…๐–บ๐—‡!

โœ๏ธŽ๐–ด๐—…๐–บ๐—‡! ๐–ด๐—…๐–บ๐—‡!โœ๏ธŽ

Ulan, Ulan!
Ako'y iyong pakinggan,
pwede mo bang samahan,
ang binibining may dinadalang kalungkutan?

kalungkutan ay iyong pawiin,
luha sa mga mata ay tanggalin,
ng sa gayon ay muling mamutawi,
ang ngiti sa mga labi.

Ulan, Ulan!
Pwede ka bang magparamdam?
gusto kang masilayan na bumabagsak mula sa kalangitan,
ilalabas ang mga kamay mula sa bintana,
dadamhin ka at hahayaang mabasa.

Ulan, Ulan!
kay ganda mong pagmasdan,
sa tuwing nandyan ka'y para akong dinadamayan,
sa sakit at lungkot na nararamdaman.

Sana ang lungkot ay mawala,
kasabay ng pagkabasa,
aagos ang tubig sa kalsada,
kasama ang sakit na nadarama.

Ulan, Ulan!
Pakiusap ko lamang sayo,
sana kapag malungkot ako,
nandito ka lagi sa tabi ko,
na handang makinig sa mga drama ko.

Sana sa tuwing ikaw ay kailangan,
at gusto kang masilayan,
sana ay huwang akong pagdamutan,
na ikaw ay maramdaman.

๐š˜๐š›๐š’๐š‘๐š’๐š—๐šŠ๐š• ๐š—๐šŠ ๐š•๐š’๐š”๐š‘๐šŠ ๐š—๐š’ : ๐š‘๐šŽ๐šข๐š’๐š๐šœ๐š–๐šŽ๐š“๐šŽ๐šœ๐š’๐š”๐šŠ

Bแบกn ฤ‘ang ฤ‘แปc truyแป‡n trรชn: AzTruyen.Top