๐ณ๐๐ ๐บ ๐ฏ๐บ๐๐บ ๐ช๐บ๐ ๐ข๐๐๐๐ ๐๐. 4
๐ง๐๐น๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐๐๐ต
Gusto kong malaman mo,
ikaw ang tinitibok ng puso ko.
Sayo'y walang makakatalo,
sa katangiang taglay mo.
Sana'y iyong mapansin,
aking pagtingin.
Gusto kong sayo'y maglambing,
Ngunit hindi ka sa akin.
Pero kahit ganun pa man,
hindi iyon naging hadlang.
Upang aking nararamdaman,
limutin na lamang.
Sana'y iyong sabihin,
kung ako'y gusto mo rin.
Kung hindi naman papalarin,
pipilitin natin.
Ayoko sa iba,
Ikaw lang ang gusto ko sinta.
Ikaw ang nagbibigay sakin ng saya,
Kaya bakit papakawalan pa kita.
Sa t'wing nandyan ka,
Ako'y natutuwa.
Puso ko'y nagwawala,
Kaba'y mas lumalala.
Pasensyahan mo na mahal ko,
kung ako'y baliw sayo.
Pero sana'y magustuhan mo,
Tulang ginawa ko para lang sayo.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ : ๐๐๐ข๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: AzTruyen.Top