๐ณ๐๐ ๐บ ๐ฏ๐บ๐๐บ ๐ช๐บ๐ ๐ข๐๐๐๐ ๐๐. 3
๐ง๐๐น๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐๐๐ต
Hi crush magandang araw sayo,
sa bawat umaga sana maganda ang gising mo,
dahil kung ako ang tatanungin mo,
ikaw lang ang nagpapaganda ng umaga ko.
Crush kumain ka sa tamang oras ah
sa gabi, tanghali at umaga,
pagpupuyat mo ay iwasan na,
dahil ayokong magkasakit ka.
Pasensya ka na
kung minsan wala ako sa mood na kausapin ka,
ikaw kase para kang tanga,
nagseselos na nga ako di mo pa ba nahahalata?
Sabagay hindi mo naman kase alam
ayoko rin naman sayo'y ipaalam,
natatakot na ako'y pagtawanan,
kaya damdamin ko'y itatago na lang.
Pero minsan gusto ko ng aminin
na sayo ako'y may pagtingin,
pero nauuna ang takot at alanganin,
kaya hanggang ngayon lihim pa din.
Natatakot akong aminin sayo
dahil alam kong may iba kang gusto,
sya kase ang laging bukang bibig mo,
kaya nananahimik na lang ako.
Hindi ko alam kung gusto mo nga ba sya o ano
basta pakiramdam ko may something kayo,
guni-guni ko nga lang ba ito,
o baka may katotohanan sa mga iniisip ko?
Hindi ako pwedeng masaktan
dahil wala naman akong karapatan,
hindi ka naman sakin una pa lang,
kaya damdamin ay ititigil na lamang.
Hayaan mo mamayang gabi aamin na ako,
h'wag ka ding mag alala dahil last na'to,
hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo,
hahayaan na kita sa babaeng gusto mo.
Siguro nga'y pagkakaibigan lang talaga
ang pwede sating dalawa,
okay lang naman iyon sakin sinta,
ang makaasaran ka sa araw araw ay sapat na.
Hindi pa man nagsisimula
ang kwento nating dalawa,
ngunit kailangan ng palayain,
tinatagong damdamin.
Salamat sayo ginoo
sa pagpapasaya mo sa malungkot kong mundo,
salamat sa pang aasar at pang aaway mo,
dahil doon nakukuha ko ang atensyon mo.
Ito na ang huling tula
tulang para sayo ko lang ginawa,
mga damdamin nakakubli,
salitang hindi ko masabi.
Kaya sa tula ko na lang idinaan
ang lihim ng buwan,
buwan na sayo'y laging nakatingin,
hinihiling na sana'y iyong mapansin.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ : ๐๐๐ข๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: AzTruyen.Top