๐–ซ๐–บ๐—…๐–บ๐—’๐—Ž๐–บ๐—‡ ๐–ญ๐–บ ๐–ช๐—‚๐—๐–บ

๐Ÿ“•๐‘ณ๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’–๐’‚๐’ ๐‘ต๐’‚ ๐‘ฒ๐’Š๐’•๐’‚๐Ÿ“•

โœ๏ธŽสœแด‡สษชแด›sแดแด‡แดŠแด‡sษชแด‹แด€โœ๏ธŽ

Naglaho na yung dating saya,
saya at tuwa kapag kausap ka,
nawala na din ang asaran at kulitan,
na dati ay ginagawa nating libangan.

Nawala na maging ang Good Morning sa umaga,
na nagbibigay sakin ng saya,
pati na din ang Good Night sa gabi,
na nagpapanatili sakin ng mga ngiti sa labi.

Yung dating sunod sunod na conversation,
ngayon nagkaroon na ng social distancing,
palagi mo na din akong siniseen,
nakukulitan ka na ba sa akin?

Para bang may nagbago?
pakiramdam ko'y iniiwasan mo na ako,
Guni-guni ko nga lang ba ito?
O totoo na ang mga naiisip ko?

Nasaan na yung ikaw at ako?
Nasaan na yung tayo?
Ay, oo nga pala wala nga palang tayo,
dahil kaibigan lang ako.

Hindi na tayo tulad noon,
dahil ibang iba na talaga ngayon,
siguro nga ako ay iyo nang iniiwasan,
dahil sa akin ikaw na ay nakukulitan.

Pasensya na kung makulit ako,
pasensya na kung magulo ako,
pasensya na!
huwag kang mag alala,
simula ngayon lalayuan na kita.

Bแบกn ฤ‘ang ฤ‘แปc truyแป‡n trรชn: AzTruyen.Top