๐ง๐๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐บ ๐ฌ๐๐บ ๐ก๐๐๐๐๐
"๐๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฎ๐ข๐ง"
โ๏ธสแดสษชแดsแดแดแดแดsษชแดแดโ๏ธ
Bituin, bituin
ako'y may lihim
na sa iyo'y sasabihin
sana'y iyong dinggin.
Dinggin ang aking hiling
na sana ay mapansin
aking lihim na pagtingin
na ginoong may angking galing.
Galing sa pagsusulat ng tula't kwento
tulang nakaka antig ng puso
mga kwentong tila dinadala ako sa ibang mundo
pwede bang tuparin mo ang hiling ko?
Bituin, bituin
sa gabing madilim
sabihin sa akin
ang aking ginoong iniibig may gusto rin ba sa akin?
kung hindi man ako papalarin
na kanya ring gustuhin
hindi magsasawang humiling
sa mga bituin na sana ay tuparin.
Tuparin ang dalangin
na sana ako rin ay mahalin
dahil isa iyon sa mga hangarin
na masarap kamtin.
Bituin, bituin
pakinggan ang saloobin
ng binibining sa iyo'y nakatingin
sa tuwing sasapit ang dilim.
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: AzTruyen.Top