๐ ๐ ๐บ-๐บ๐ ๐บ ๐ญ๐ ๐ช๐บ๐๐บ๐๐๐
๐๐จ๐๐-๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐
โ๏ธสแดสษชแดsแดแดแดแดsษชแดแดโ๏ธ
Parang kahapon lang
simula nang ako ay iyong iwanan
imahe mo sa isipan
hirap pa ring makalimutan.
Matatamis mong mga ngiti
kasabay ng halik sa aking pisnge
ramdam pa rin ang iyong labi
na sa akin ay dadampi.
Ano nga bang nangyari sating dalawa
tila ba tayo'y pinaglaruan ng tadhana
akala ko ba ako ay nag-iisa
ngunit bakit ngayon masaya ka na sa iba?
Masakit mang isipin
na hindi ka na sa akin
ngunit wala akong magagawa
pag-ibig mo sakin naglaho na parang bula.
Gusto mang ika'y ipaglaban
ngunit puso mo'y hindi na sakin nakalaan
hangad ko na lamang ang inyong kasiyahan,
sana'y huwag ka nyang sasaktan.
Pangarap nating dalawa
noong nandito ka pa
kailangan ko ng ibaon
ala-ala ng ating kahapon.
Paalam na aking sinta
hanggang sa ating muling pag kikita
kwento nating dalawa
ngayon ay tatapusin ko na.
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: AzTruyen.Top