TS3
Note: Please read the note after reading this chapter.
Gabi ng makauwi ako. Pagdating ko sa bahay ay kumakain na sila. Sana all family. I chuckled slightly.
"Anak, nandito ka na pala. Halika na umupo ka na, hindi ka na namin hinintay, nagugutom na daw kasi itong si Glydel." Papa explained. Of course, dahil si Glydel 'yan, favorite eh. Bigla akong nawala ng gana kumain.
"Hindi na po, busog na po ako. Akyat na po ako sa taas." sabi ko at nagpatuloy sa paglakad. Pero bago ako makatapak sa hagdan ay nakarinig ako pagdabog sa mesa. I looked back only to see papa glaring at me. Now what?
"Ikaw na nga itong pinakikisamahan ikaw pa may ayaw, hindi mo na ako nirerespeto Angel!" bulyaw ni papa sa akin. What?
"What?" I asked him.
"Don't what me Angel! Ayan na talaga ang pinakaayaw ko, ganyan ba tinuturo sa iyo ng mga kaibigan mo?" Papa said. Blood rushed over me. Potangina anong kinalaman ng mga kaibigan ko?
"Super pa! They're all mean to me," Glydel stated as she rolled her eyes.
"Glydel!" bulyaw sa kaniya ni Tita. Mas lalo akong nainis sa sinabi ni Glydel. Wala akong ibang ginawa kundi umakyat na lamang sa kwarto ko at magkulong.
"Angel! Bumalik ka rito at kinakausap pa kita! Angel!" papa shouted pero hindi ako nakinig.
Umiiyak na naman ako depota! Palagi na lang!
I hate how papa always side Glydel without even thinking kung masasaktan ba ako.
I sighed and put all my things sa tabi ng kama. Hindi ako mapakali. Minsan talaga dumadating tayo sa point na mapapagod at mapapagod tayo sa kakaintindi sa mga bagay na hindi naman dapat natin iniisip. Pero pilit talagang sumisingit sa isip.
Minsan, natatanong ko na lang kung anak ba talaga ako ni papa? O napipilitan na lang siyang kupkupin ako kasi iniwan kami ni mama at responsibilidad niya ako kasi nga naiwan ako. Minsan, iniisip ko rin, sana ako na lang si Glydel. I wonder how it felt to have a family na kumpleto. Iyong nasa iyo ang lahat ng atensyon.
At dahil nga ma drama ako, I decided to write a song again. Mukhang malabo na papayagan ako ni papa na sumama sa outing namin next week lalo na't galit siya sa akin. Pag si Glydel siguro, syempre papayag iyon. Favorite siya eh.
Naputol ang pag-iisip ko ng makita ko si Tita na nasa pintuan ko. She's smiling so sad at pinuntahan ako. Awkward.
"Tita? Bakit po?"
"Pag pasensyahan mo na ang papa nak, masyadong marami lang ang iniisip at nadamay ka pa. Lalo na si Glydel, iyong batang iyon talaga. Ayos ka lang ba?"
Now what is she doing? Hindi ako umimik at tumango lang. Sa totoo lang ay hindi talaga ako okay. Sa pinapakita sa akin ni Tita ay mukhang concern naman talaga ito.
"May outing raw kayo next week ng mga kaibigan mo?" She asked. I looked at her confused.
"Glydel mentioned earlier. Sasama ka ba?"
"Gusto ko po sana kaso baka di ako payagan ni papa lalo na't di kami ayos ngayon." I finally said and grabbed a pen.
"Naku, huwag kang mag-alala, akong bahala sa papa mo. You can go, sasama daw din naman si Glydel. Go out and have fun with your friends, minsan lang 'yan." She smiled at me at tumingin sa notebook kung saan ko sinusulat ang mga kanta ko.
"You write songs iha?" Napatingin ako sa kaniya at tumango. Sobrang awkward neto.
"O-opo."
"Can you let me read some?" I nodded and hand her the notebook. Kahit papaano ay naging maayos ang pakiramdam ko.
"Wow, ang kapal na pala nito. Ang dami mo na palang naisulat anak."
Anak.
Did she just call me anak?
"T-thank you po. Masyado po kasing boring ang life ko kaya naisip ko pong magsulat na lang ng kanta." I opened up. She sat beside me and held my hands. My heart started to skipped at what Tita did.
"You can always tell me everything Angel, huwag mong ilayo ang sarili mo sa akin, sa amin. Handa akong makinig." And the moment she said those, gusto kong maiyak. Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap lang sa pakiramdam marinig iyon galing kay tita.
"Kakausapin ko ang papa mo para magbati na kayo. Smile anak, hindi na kita nakikitang ngumingiti. And please kumain ka na, nakahanda ang mesa sa baba. Huwag kang magpapalipas ng gutom. Sige na, puntahan ko muna papa mo." She said as she hugged me. I felt my tears fall.
"Thank you po tita." I said. It felt so good.
"Naku, huwag kang umiyak! Tahan na." She chuckled. Ito siguro ang dahilan kung bakit minahal ni papa si tita. She's too sweet. "And you can call me mama na lang, feeling ko kasi parang ang layo natin pag tita ang tawag mo sa akin." She said.
Napatigil ako. Tawagin siyang mama? I remembered my mom. Can I replace mama? Hindi. Hindi ko kaya.
I smiled a bit at what she said.
"Sige na kain ka na doon." sabi niya at ngumiti sabay labas ng kwarto ko.
Bumaba nga ako ng kwarto at nagpunta ng kusina. Kumain ako ng kumain. Arte arte pa kasi Angel. I chuckled.
It felt so good to talk to tita helda. Para siyang si mama. Handa na ba akong kalimutan lahat at magsimula ulit? I mean, hindi ko naman kakalimutan si mama. She will always be here in my heart. Kailangan ko na bang mag move on talaga? Kasi kung oo, willing ako. I just want my old self back.
Kinabukasan ay nakangiti ako paggising. Napaniginipan ko si mama. She told me to move ahead and start anew. Exactly what I've been thinking since last night. Nakatapos ako ng isang kanta kagabi at nalagyan ko pa ng tono. Inspired lang.
Habang nag-aayos ako ng uniform ko ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Papa.
"P-pa." I stuttered.
He came closer at niyakap ako.
"I'm sorry anak at naging masama ako sa'yo. Ayaw ko lang talagang magkagulo kayo ni Glydel. Pasensyahan mo na si papa." He started saying at napangiti ako. I hugged papa back and he caressed my hair.
"Pa, ayos lang. Naiintindihan ko naman po." Saad ko. Bumitaw ito sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha ko.
"Sorry talaga, paano ba makakabawi si papa sa iyo hmmm?" he asked. Nagkunwari akong nag-iisip. Napatawa siya at tumawa na rin ako.
"Gusto ko ng jollibee mamaya pag-uwi pa. Dapat kumpleto iyong favorite ko ha?" saad ko pa habang tumatawa.
"Batang jollibee ka talaga. Oo na mamaya." papa said. I shrieked at nakita ko si tita sa may pinto.
"Halina kayo, kain na tayo sa baba. Baka ma late pa kayo." Tita said as papa held her hands at nagholding hands sila papunta sa baba.
Ma, look at papa. He's happy. Kung nasaan ka naman ngayon. Sana masaya ka rin ma.
I put some make up at nag-ayos bago bumaba. Nasa hapag na silang tatlo and Glydel is glaring at me.
"Gly, stop glaring at your sister." I heard Tita Helda said. Napatawa ako sa isip ko.
Umupo na lamang ako sa upuan at nagsimula na kaming kumain.
"Anak, about doon sa outing, sure na ba iyon?" Papa asked me. I nodded at him habang sumusubo.
"Opo pa, pwede po ba akong sumama? Wala din naman po kaming pasok for a week, tsaka last year ko na din po kasi." sabi ko, tita smiled at me. I heard Glydel tsked. Yes girl, mainggit ka.
"Sure nak, just make sure you'll take care of yourself okay? Hindi ko pasasamahin si Glydel, she has class." Papa said. I smiled at him. Napatingin ako kay Glydel na ngayo'y nakabusangot. So that explains why she was glaring at me earlier.
"Papa!" Glydel said.
"Glydel no, ayos lang sana kung nasa iisang section kayo ni Angel, nasa lower section ka Glydel, kailangan mong mag-aral ng mabuti." Tita said at napatikhim ako.
"Pwede naman po ata siyang mag excuse?" sumingit ako.
"Right! I can excuse from class."
"At anong irarason mo? Nagbakasyon ka? Stop pushing it anak. Hindi magbabago isip namin ng mama mo. You better face your books." padabog na kumain si Glydel. I mentally laughed. Ano ka ngayon sis?
Nang matapos kumain ay nag tooth brush na muna ako. Umuna na si papa sa trabaho at si Glydel nasa school na. For sure ay magsusumbong iyon kay Kurt. Pagkatapos ko ay nasa mesa pa rin si Tita Helda. She's preparing something.
"Alis na po ako." saad ko at kinuha ang bag.
"Teka lang, ito lunch mo Angel. Pansin ko kasi ay parati kang nasa canteen kumakain basi sa sinasabi sa akin ni Glydel. Ayan para hindi ka na gumastos ngayon." saad nito at inabot sa akin ang lunch box. It's so cute.
Napangiti ako at tumingin sa kaniya.
"Thank you po ma." I said at hinalikan ito sa pisngi at umalis na.
That felt good, I smiled.
----------------------------------------------------------------------------------
Note: Hi sorry po sa delay. I got a lot of stuffs to do at hindi ako nakapag-update on time. But I made sure I'll upload two chapters para pambawi hehehehe. Thanks for reading the story! Sana pansinin na kayo ng crush niyo. Charot.
Stay safe everybody!
Affinegoddess
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top