TS1
Hanggang ngayon, nakakapagtaka pa rin kung bakit kailangan magtago ng ibang tao tungkol sa totoo nilang nararamdaman. Kung bakit kailangan nilang magpanggap.
Minsan, kailan mong makiayon para lang mapabilang ka sa mga taong gusto mong malipitan. Bakit?
Charot. Nagbabasa ako ngayon ng libro dahil walang pasok at hindi nag-aya ang mga kaibigan ko. Magmumukmok na naman ako sa kwarto. Sa tingin ko, makakapagsulat na naman ako ng kanta dahil sa bored ako.
Kinuha ko na lamang ang lapis at papel para magsimula. Hilig ko talaga ang pagsusulat ng kanta, ewan ko ba pero sa paraang ito, nailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin sa mga tao at kung ano ang totoo kong nararamdaman. Lalo na sa kaniya.
Hilig ko din ang pagkanta. Sa katunayan, nahawa ako kay Hannah, ewan ko talaga anong mahika ang nangyari pero parang natapunan ako ng boses ni Hannah. But she always insist na mas maganda raw ang boses ko. Umiling iling na lamang ako at tumingin sa kawalan.
Pag-ibig na naman. Puro love song na ata ang sinusulat ko. In love ka 'te? Nasa kwarto ako at ayaw kong lumabas. Naiirita ako sa pagmumukha ng step-sister ko.
Simula nang mamatay si mama, ay nag-asawa ulit si papa. Mabuti na lang mabait si Tita Helda at nakakapagtaka na hindi iyon na inherit ni Glydel. Ang kaisa-isang anak ni Tita Helda. Kahit naman kasal sila ni papa, tita pa rin ang tawag ko sa kaniya. Ewan ko, hindi ko lang talaga maisip na palitan man lang si mama. Mama will always be my mama. No one can replace her.
Habang nagsusulat ako ay naalala ko ang mga kaibigan ko. Grabe, kaunting panahon na lang graduate na kami. College na. Going strong pa nga din sina Angelika at Jameson, lalo na sila Alex at Hannah. Mga bruhang iyon, mabuti naman masaya na sila. Lalo na si Hannah, noong una patago tago lang 'yon ng feelings, ngayon sila na ni Alex.
Sana all diba kina-crush back. Ako kaya? Kailan ako papansinin ni Kurt? Char. Dream on. Kahit naman anong gawin ko si Glydel naman type nun. I have a lot of songs for Kurt, pero Glydel stole them para maibigay at maipakita kay Kurt. Mahilig kasi si Kurt sa music, 'yon siguro ang pagkakahalintulad namin. It's just that, maraming kontrabida sa buhay ko. Isa na doon si Glydel, ginagamit niya ako para mapansin siya ni Kurt, kahit hindi naman talaga ganoon kaganda ang boses niya, hays. Ewan ko.
Lumabas ako ng kwarto at napagdesisyunang kumain na. Ayoko kasing makasabay silang kumain mamayang dinner. For sure, comparing lang ang mangyayari, ayoko marinig iyon galing kay papa. Sumasakit lang puso ko. Mas mabuting matulog ako ng maaga dahil may pasok bukas.ย
Matapos kong kumain ay inayos ko na ang higaan ko at naligo na rin. Ready na sana akong matulog nang marinig ko ang boses nila papa sa labas ng kwarto.
"Hon, anong ginagawa mo diyan sa kwarto ni Angel?" boses ni papa.
"Hindi ba natin siya aayain hon?" tanong ni tita. Bakit? Saan ba sila pupunta?
"Huwag na, tayo na lang ni Glydel. Tulog na si Angel panigurado." rinig kong sabi ni papa. Aray. Ang sakit naman 'non pa.
"Baka hindi pa siya kumakain? Pasukin ko na lang," saad pa ni Tita kaya naman bumalikwas ako at nagpanggap na magtulog-tulogan.
"See? She's asleep? Tara na, baka magsara na 'yong pina reserve kong restaurant."
The moment they close the door, was the moment my tears fall. Ang sakit lang marinig iyon galing kay papa. Sobrang sakit.
Kinabukasan ay maaga akong nagising pero mugto ang mga mata ko. I sighed. Lunes na lunes wala ako sa mood. Naligo na ako at nag-ayos na para pumasok sa school. Pagkababa ko ay nandoon na silang tatlo kumakain. Sana all happy family. Tita saw me and smiled at me. I smiled at her back, kahit pilit lang ayos na.
"Oh anak, halika na dito." Papa said. Tumabi ako kay Glydel at kumuha ng dalawang pandesal. Ayos na ako dito, gusto ko nang umalis please lang.
"I tried waking you up kanina pero tulog na tulog ka iha, last night din ang aga mo natulog, ano bang ginagawa mo at lately pagod ka?" concerned na tanong ni Tita.
"I just need to review po, prelims na po kasi next week." I lied.
"That's good, Glydel, how about you? Wala ba kayong prelim?" papa asked his favorite daughter.
"Meron papa, sa totoo lang gumagawa na ako ng reviewers, don't worry pa." She smiled sweetly.
"Saan kayo galing kagabi?" I tried asking. Kahit na alam kong alam ko ang sagot.
"Oh, you wouldn't wanna know sis," Glydel sarcastically told me. Nang-aasar na naman siya sarap sapakin.
"Nag dinner kami last night sa labas nak, kaso tulog ka, hindi ka na namin ginising." Papa said. I just nodded. Talaga ba?
I finished eating my bread at tumayo na.
"I'm going," sabi ko sabay alis.
"Liit lang ng kinain mo?" Tita asked.
"Busog na po ako," sabi ko at tuluyang umalis. Nice! Nice morning!
Nang makadating ako ng room ay dumiretso ako sa upuan ko. Naroon na din ang mga kaibigan ko na busy sa pakikipag-usap. Hannah noticed me and smiled.
"Beh! Nandito ka na pala. What's with your face?" sabi niya. I just shrugged and sat down.
"Ayos ka lang ba?" she went near me. I just nodded and smiled. But she seem not to believe me kaya tumabi siya sa akin at nagpunta na din ang mga kaibigan ko sa harapan ko. Kahit kailan talaga nito sila!
"You're lying, spill!" Hannah said as she held my hands and caress it.
"Ang kapatid mo na naman ba?" tanong ni Angelika. I smiled. Nakakatuwa lang isipin na may mga taong nandiyan para damayan ka sa lahat ng bagay.
"Paraang ganoon na nga, huwag nating pag-usapan, nandiyan si Kurt sa likuran." saad ko pa.
"Ba't ka takot? Hayaan mo, tsaka isa pa, hanggang kailan ka magtatago kay Kurt?" Jinace burst out. Napatingin ako sa gawi ni Kurt. He doesn't know na lahat ng kantang ibinigay ni Glydel para sa kaniya ay galing sa akin. He doesn't even know I can sing. Transferee kasi si Kurt last year, I never sang in front of my classmates. Only my friends.
"Ayoko, mas mabuting ganito. Tsaka si Glydel naman talaga gusto niya."
"Syempre si Glydel, kasi siya nagbibigay ng mga kanta mong hindi niya naman isinulat. Nako! Kung naging kapatid ko 'yang Glydel, sasapakin ko 'yan!" gigil na saad ni Phobe. Napatawa kami. I'm so glad I have them.
"Hindi naman madali, tsaka alam niyo kagabi, they had dinner outside, di man lang ako in-invite," sabay tawa ng pilit.
"Huh? Bakit naman?"
"Mabuti pa si tita kinatok ako, pero nag tulog-tulogan ako eh, I was just testing papa if he'll wake me up para sumama. Pero hindi eh," ayan na naman, naiiyak na naman ako.
"Tito did that?" Hannah asked. I just nodded.
"Huwag na nating pag-usapan, naiiyak lang ako eh," sabi ko pa.
"Basta pag inaway ka na naman nyang si Glydel, sabihin mo sa amin! Resbakan natin!" Angelika said at umaktong sumuntok.
The class started and as usual, nag oral, may pa quiz at may pa activity. Ewan ko bilib lang talaga ako kay Hannah, alam niyo 'yung last minute na mgs-study ka? Nakaka shocking lang. Tali-talino ng bb ko.
Matapos ang klase ay lunch na. Nandito kami sa canteen kasama ang buong barkada. Meaning, kasali na sa squad namin ang boys.ย Mas lalong maingay na kami. Dagdag mo pa bunganga ni Jinace at Angelika.
Sumubo ako ng pagkain ng biglang tumawa ng pagkalakas lakas si Hannah. Napatingin kami sa kaniya.
"Love?" takang tanong ni Alex sa kaniya.
"Gaga, anong nangyari?" tanong ni Kathlen.
"Wala lang, natawa lang. Geh, kain na kayo ulit." saad niya saka sumubo ng pagkain. Napailing na lang kami at tumawa ng onti.
"Kaloka, akala ko ano na. Makatawa ka diyan parang last day mo na sa earth," sabi ko pa.
Napatawa ulit kami nang biglang tumayo si Kurt.
"Aalis ka na agad? Di pa tayo tapos dito oy," tanong ni Jameson habang sinusubuan si Angelika ng fries.
"Oo nga, hindi pa nga tayo nakakapag usap usap dito ng maayos." sabat pa ni Hannah habang pinupunasan ni Alex ang bibig niya. Sa totoo lang? Pilay na ba mga kaibigan ko? Umiling iling na lamang ako. Mahirap talaga pag spoiled sa mga jowa. Haynako, sana all!
"I need to go to Glydel, may ipaparinig daw siyang kanta sa akin eh," sabat nito. Glydel? I bet she'll let Kurt listen what I wrote the other day. I sighed.
"Glydel? I bet she can wait, lunch pa oy." sabi pa ni Phobe sa kaniya.
"Nah, tutuloy ko na lang ang pagkain ko doon. See you later guys." sabi ni Kurt at umalis na.
"Sila na ba ni Glydel?" tanong ni Christopher.
"Ewan ko pero this past few days, lagi silang sabay." sabi pa ni Kathlen.
Hindi na ako umimik. Glydel really has this tactics huh? Galing!
"Angel? Diba kapatid mo si Glydel? Sila na ba ni Kurt?" tanong ni Jeyden.
"Huh? Ewan ko. Di naman kami close, tsaka isa pa, wala akong pake sa kanila." ay? bitter ka ate?
"Ba't bitter ka sis?" natatawang tanong ni Hannah. I just shrugged.
"Hanggang kailan ka kasi sabi ganyan? Sabihin mo na kaya kay Kurt na sa iyo naman talaga ang mga kantang 'yon and Glydel is just a bitch?" sabat pa ni Jinace. I sighed and closed my eyes.
"Ano?" takang tanong ng mga lalaki.
"She's the one behind those songs that Glydel keeps giving to Kurt. Siya nag sulat, sa kaniya din iyong boses." saad ni Angelika.
"Wow, I didn't know that." namamanghang sabi ni Alex.
"Kahit naman sabihin ko walang magbabago. Gusto niya si Glydel, wala na akong magagawa doon."
"Eh kaya lang naman nagustuhan si Glydel dahil sa mga kanta mo," Hannag emphasizes the word mo.
"Hayaan niyo na," sabi ko pa.
"Alam mo gorl, walang mangyayari pag ganyan ka, pero karma is a bitch so hayaan na nga natin, dadating rin ang araw na malalaman at malalaman ni Kurt na ikaw talaga ang totoong nagsusulat non." sabat pa ni Jinace. I just smiled at them. They really know how to make me feel better.
Natapos ang lunch at bumalik kami ng room. But as we enter we saw Kurt and Glydel talking at each other. Nasa lower section lang si Glydel at pwede namang makapasok kahit sino sa room. Tss.
"Oh, nandito ka na pala bro." saad ni Christopher at umupo doon banda sa pwesto namin. Glydel's sitting on Hannah chair. At hindi pa rin umaalis si Glydel sa upuan niya. I looked at my friend and she's now glaring at her. Lagot na.
"Excuse me, can you move over please?" Hannah asked Glydel pero di ata natinag si Glydel at nakaupo pa rin.
"Ako nauna rito eh, ikaw na lang humanap ng upuan." saad nito at bumaling kay Kurt.
"Excuse me?"
"Yes?" balik tanong ni Glydel.ย
"Una, papasok pasok ka lang dito, pangalawa, you're sitting on my chair, pangatlo, huwag mong ipilit sarili mo sa amin dahil hindi ka namin kakilala at mas lalong hindi ka welcome. Now tumabi ka diyan kung ayaw mong masapak kita!" I looked down and sighed. Potangek ni Glydel! Kung tumabi na lang siya, knowing Hannah hindi talaga iyan magpapaawat.
"Love, let's just sit there." malumanay na sabi ni Alex.
"No Alex, this is my chair. Hindi niya upuan 'to, mas lalong di siya welcome sa classroom na 'to." nanggigil na sabi ni Hannah. Glydel looked at me asking for help.
"Sige na Glydel, umalis ka na diyan." sabi ko pa. Nanlaki ang mata niya at umiling.
"I can't believe this, mas pinagtatanggol mo pa kaibigan mo over me. Alis na ako Kurt, let's see each other later." sabi nito at umalis na.
"Hannah, di mo na lang dapat sinabihan ng ganoon," mahinang sabi ni Kurt.
"Isa ka pa, alam mo, lumayo layo ka sa akin Kurt, masasapak kita!" sabi ni Hannah at umupo na.
"Now what the hell did I do?" Kurt frustratingly asked.
"Guys, awat na please wag kayong mag-away. Kurt please, kausapin mo muna si Glydel doon. Han, kumalma ka nga." Angelika said.
Umalis si Kurt para puntahan si Glydel.
"Please wag kayong mag-away dahil lang sa babaeng iyon. She's not worth our time." Phobe said.
"Love kumalma ka nga." sabi ni Alex at niyakap ang girlfriend. Ano bang problema ni Glydel? Paniguradong mamaya magsusumbong na naman siya kay papa. Malakas siya kay papa eh. Napaupo na lamang ako at napabuntong hininga.
"Sorry guys, kakausapin ko si Glydel mamaya. Sorry talaga." sabi ko.
"It's not your fault beh, it's your step-sister's fault. Nakakainis na siya. Passing na siya. Di niya bagay," naiiritang saad ni Hannah. Napatawa kami. Ang cute niya lang.
"Amazona pala girlfriend ko eh," natatawang sabi ni Alex. At napatawa na rin kami.
Natapos ang klase at narito pa rin kami sa room. Nag-uusap si Kurt at Hannah at heto kami, nakikinig.
"I'm sorry kanina Han. Ako nag magso-sorry kasi dinala ko si Glydel dito." sabi nito kay Hannah. Hannah just smiled and hugged Kurt, napatawa na rin kami.
"Okay na pero please lang, sa susunod huwag mo ngang paupuin sa upuan ko. Tsaka ayos na, stop na natin ang away." sabi ni Hannah at nag group hug kami.
Nang makauwi ako sa bahay ay nasa sala sila. Glydel was crying. Nagsumbong na ba siya kay papa?
"Angel," papa said. Nagmano ako sa kanila.
"Pa? Ano pong nangyari?" tanong ko.
"Anong nangyari kanina? Inaway daw ng kaibigan mo si Glydel?"
Nagsumbong na nga siya.
"Pa--"
"Tapos hindi mo ipinagtanggol? Ganyan ba nakukuha mong asal galing sa mga kaibigan mo?" galit na tanong niya.
"Pa, hindi naman sa ganoon, umupo kasi siya---" papa cut me off, again.
"At magdadahilan ka pa? Pwede ba kahit minsan pakisamahan mo naman ang kapatid mo, kapatid mo 'yan Angel, hindi moย barkada. Umayos ka nga." sabi nito at umalis na. Tiningnan ako ni tita, she smiled at me a bit bago niya sinundan si papa. I looked at Glydel who's now smiling.
"Masaya ka na?"
"Super aaaaaa. That's what you get kasi. Anyways, make another song, I have to impress Kurt again. And record it. Hurry." sabi nito sabay punas ng luha niya. "Nasayang pa luha ko, yuck." rinig kong sabi nito.
Tumulo ang luha ko. Can I just be dead for a while? Kahit saglit lang. Kasi ang sakit sakit na.
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: AzTruyen.Top