Chapter Two: Philippines
[Kindly please read the Author's note after this chapter.]
C H A P T E R T W O: PHILIPPINES
Two more hours at maglalanding na ako sa Pilipinas. Bore na bore na ang mga mata ko sa mga ulap. Ulap here, ulap there, ulap everywhere. Halos maubos na rin ang mga kanta sa playlist ko sa sobrang tagal ng biyahe.
Binugahan ko ng hangin yung bintana ng eroplano sa tabi ko bago isinulat yung acronym ng pangalan ko.
AIM - Aenslei Ivy Montereal
Binura ko ito at muling bumuga ng hangin at sinulat ang dating acronym ng pangalan ko.
GNS - Gianna Nicole Salvador
Napailing ako. I should not doing this. I should forget this. Kailangan kong kalimutan lahat ng nakaraan ko. Even my name. Lahat lahat, kakalimutan ko para hindi na ito makaapekto pa sa mga plano ko ngayon. I should better face the present than my past and start planning my future.
That's my aim. That's why AIM is my acronym.
I got interrupted in my thoughts when my phone rings.
Tito Alfonso calling...
Accept --->
Decline <----
Napangisi ako at agad agad na inaccept yung call. Ang crush kong Tito! Ahahha, Charr. Sobra kasing gwapo nito. As in, yung sobrang swerte ko kasi may Tito akong sobrang gwapo at sobrang bait pa. Take note, wala pa syang asawa at...eto ah...at matanda lang sya sakin ng dalawang taon! So lucky am I! Ahaha
"H-hello?" Pabebe kong bati.
"Ivy! How are you?!" Sa boses pa lang nya, feeling ko aatakihin na ako sa puso. So masculine at ang baba pa ng tono.
"Urrhmm, I'm sho fine nemen po and...ehehe...how are you po?" Syempre, hindi yan ang sinabi ko.
"Uhmm, I'm fine Tito. On the way na ko pabalik ng Manila." Then he laughed on the other line. I held my phone tighter para pigilan ang puso ko sa pagsabog sa kilig.
"Ok. Mabuti naman kung ganun. Kita tayo mamaya?"
"Tayo? Sure. Ibababa ko lang yung mga gamit ko." Nabasa nyo yun?! Magkikita daw kami later and I'm like...oh my gosh! Pabebe overload na this.
"Ok Ok. Sila Ate Jade ang susundo sayo dyan. Okay, I gotta go."
No. Wait! Can we talk a little more longer?!
"Ahh okay. Goodbye Tito! Ingat ka dyan." I love you. Ahaha. Charot.
"Sige sige. Ingat ka rin."
Ehehe! Inget ke ren po. Then he ended the call. Ang kapal naman ng pes ko kung ako yung mageend ng call di'ba? I hugged my phone afterwards sa sobrang kilig. Dahil dun, dalawang oras akong hindi mapakali sa eroplano. I am already dying to see him. Nung nakalapag na yung sinasakyan ko, as in talagang nanulak ako ng mga tao mauna lang palabas ng eroplano. Syempre hindi sila nagalit, kilalang-kilala ako sa buong mundo eh and same as, may karapatan ako. I would say, kayang-kaya ko silang bilin. Barya lang ang mga taong tinulak ko kanina kung tutuusin.
Pagbabang-pagbaba ko, tilian na ang mga tao. Medias here and there. Nakakairita sila. Magfe-fade ang beauty ko nito dahil sa kanila. Swear, if that happens...papasabugin ko ang Pilipinas. I wore my eyeglasses at automatic naman ang securities na hawiin ang mga tao. I did my best to sneak inside the airport at agad kong naispotan sina Ate Jade there. How I wish na sana nandito rin si Tito Alfonso.
Don't worry, Ivy. Mamaya...magkikita rin kayo. Patience lang.
Napangiti ako. Tama. Magkikita rin kami.
"Ate Ivy!"
Β Tumakbo palapit sakin si Ate Jade tapos niyakap ako ng mahigpit. Syempre, niyakap ko rin sya pabalik. Si Ate Jade ang kapatid ni Tito Alfonso na botong-boto sakin kaya nga close kami. Out of all, hindi naman kami magkadugo ni Tito so...pwede kami. Charr. "I missed you so much." Sabi ko.
"How's New York?!" Tanong nya sakin tapos tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. "You've...changed."Β
Napangiti ako ng mapait sa kanya. Sino ba ang hindi magbabago after twelve years? Yes, its been 12 years since nung huli kaming magkita but yet, we're still beautiful and young-looking.
"Of course naman, Ate. BTW, New York is still the same. Maganda paring lugar for shopping."
Her face lighted. "Oh my gosh!! Shopping?! OMG, this year, magpapasama ako kay Kuya sa NY. BTW, kamusta nga pala kayo ni Kuya?" Natawa ako sa kanya.
"Oh please ate...mag-Tito kami ng Kuya mo at hindi magkasintahan. Drop the topic."
Then inirapan ko sya. We walked up to the car nung mapansin ko ang isang lalaki sa likuran namin. He's wearing shades tapos...nakapantalon pa ang naka-tshirt. Mukha naman syang tao kung tutuusin. I eyed Jade.
"Who is he? Is he following us?"Β
Then she gave me a puzzled look.
"Who?" Tapos luminga-linga pa.
"The one in our back! Kanina pa sya sumusunod satin, pansin ko." Then she laughed. What's funny with it? I'm just asking!
"Alexander, come here. Pwede bang pakibilisan ang lakad?!" Huminto sya sa paglalakad at tinawag yung lalaking nasa likuran nga namin. "Ivy, this is Alexander. Alexander this is---"
"Ivy." Pagpapatapos ni Alexander sa sasabihin pa ni Ate Jade.
"You know each other?!"Β
"No." Sabay naming sagot ni Alexander. Tinaasan ko lang ng kilay yung lalaki. Sino ba sya at parang ang yabang kung umasta? Actually, hindi bagay eh.Β
"Okay. Ivy, Alexander is the new assistant of Kuya. Pinasama lang sya sakin ngayon para daw masecure tayong dalawa. Alexander, Ivy is the granddaughter of Lolo Romulo. Remember him? The one in New York?" Tumango naman yung lalaki.
"Can't we just get going? Pagod na ako."Β
I cut their convo off. Promise, pagod na talaga ko but I still need to meet up with Tito Alfonso pagkababa ko ng mga gamit ko. We walked silently hanggang sa makarating sa kotse. I put my things in the back of the car tapos dumeretso ako sa driver's seat. I am going to drive this car. Akin naman toh eh.Β
I was about to enter nung unahan ako ni Alexander tapos binigyan nya lang ako ng ako-ang-magdadrive-look. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko at pinigilan ang inis tapos huminga ng malalim lalo na nung pagsarahan nya ako ng pinto. As in, in my face. I just stood outside, dumbfounded at pilit pinipigilan ang sariling wasakin ang pintuan ng sarili kong kotse.
F*ck that boy.
Naabutan ko pang ibinaba ni Alexander yung bintana at tsaka nagsalita. "Aren't you going with us? We can leave you---"
"Then leave."Β
Malamig kong sagot. I can go home by myself kesa makasama yang damuhong yan. Umalis na ako sa kinakatayuan ko at pumasok sa private parking lot ng airport. Narinig ko pang tinawag ni Ate Jade yung pangalan ko but I don't care. I really hate the bullshit Alexander.
Ipinakita ko sa guard yung private pass ko kaya pinapasok naman ako kaagad sa loob. I spotted my Koenigsegg CCXR Trevita kaya agad akong pumasok sa loob. I maneuvered it immediately palabas ng airport at nagdrive pauwi. Alam kong silaw na silaw ngayon ang mga taong nadadaanan ng kotse ko dahil sa sobrang bago nito at sobrang kintab pa. I just bought it last week sa NY at ipinadala ko kaagad dito sa Pilipinas para nga pag-uwi ko. Di ko naman akalain na sobrang sulit pala because of that damn Alexander.
Dumaan ako sa EDSA and I didn't expect the traffic. As in wagas ang haba. Dumagdag pa talaga sa inis ko.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil doon. I really hate Alexander, I really hate this road, I really hate this day.
---AFTER TWO HOURS AND A HALF MINUTES OF WAITING---
Mula sa pagkakaTulog, naalimpungatan ako ng marinig ang isang malakas na busina sa likod. Nung bumalik na ang diwa ko sakin, noon ko napansin na wala na palang traffic at umaandar na ulit ang mga sasakyan. Sa wak---
"HINDI KA PA BA AANDAR DYAN?! G*GO KA AH!Β *beep beep beep beeeeeepppp*"
Aba, sino ba yung---may abnoy yatang driver sa likuran ng kotse ko. Bumaba yung lalaki sa kotse nya at kinatok yung bintana ng kotse ko at sinenyasan akong bumaba. Inis akong lumabas sa kotse ko at hinarap sya.
"Hoy, bakit ba nakahambalang yang kotse mo sa gitna ng kalsada?! Pagmamay-ari mo ba yan?"
Pinanliitan ko ng mata yung lalaki tapos nameywang ako. "Problema ko bang sobrang traffic at nakatulog ako?"Β
"At sino naman kasi ang tangang matutulog sa daan?"Β
"Ako. And I'm proud."Β
Malamig kong sagot. Napansin ko naman na nagliliyab na yung mukha ng kausap ko kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng mapait. Napakapikon naman ng isang toh.
"Did you know me?" He asked pagkatapos huminga ng malalim.
"Why do I need to know you? You don't look special."
"Ahh. The son of the third richest family in the world is not so special? Ohh..."
Natawa ako. So isa syang Fernandez. Okay. Hindi nga sya special. Ang mga Fernandez ang ikatlong pamilya sa pinakamayaman sa buong mundo and like what I told you earlier, kaming Montereal ang mga una at sumunod naman ang mga Salvador.Β "So what? So dapat ang isang Ivy Montereal ay kilalanin ka? How pathetic."
Natigilan sya sandali tapos napaawang ng konti yung bibig nya. Ahaha! If you just imagine yung mukha nya, pwede ng ipanakot sa daga. Hindi ko na napigilan ang tawa ko at napahawak na lang ako sa tiyan ko. Ang panget talaga ng mukha nya. As in.
"BTW, Mr. Fernandez, Ms. Ivy Montereal needs to go. See you soon."Β
Saad ko nung nahimasmasan na ako kakatawa. Iniwan ko parin sya dung tulala at akala mo, unti-unti ng na-aabnoy. Bumalik na ako sa kotse ko at nagdrive na pauwi. Pagdating ko sa mansion ko, yes mansion talaga...nandun na yung kotse kong sinakyan kanina ng damuhong Alexander na yun. Bumaba ako sa kotse ko at dumeretso sa bahay at pumasok sa kwarto.
As usual, ganun pa rin naman ang design. White and black, konting pictures ko at mga medals mula Grade 1 hanggang sa makatapos ako bilang isang Summa Cum Laude. Napansin ko yung mga gamit ko sa sahig kaya hindi ko na iyon pinansin pa. Umupo ako sa kama ko at nagpalit ng flat shoes bago tinext si Tito na on the way na ako. Nagretouch ako sandali at bumaba na at bumalik sa sasakyan pero bago ako makapasok sa loob, I saw someone standing in front of my car pero mga three meters away naman.
My eyes grew bigger.
"Kuya Chad?!"
-----
Author's Note:
Chapter two...done. It's already 9:29 in the evening at may pasok pa ako bukas. I just finished this chapter para naman makapag-update. Sulitin habang maayos pa ang wi-fi. Ahaha.
Dont forget to vote, comment and share. Chapter three...soon.
BαΊ‘n Δang Δα»c truyα»n trΓͺn: AzTruyen.Top