Chapter Sixteen: Threat

Author's Note: IMPORTANT!!!

Uhmmm so, uunahin ko muna yung note ko kasi SOBRANG MAHALAGA ITO. Guys, I need your help. Please lang talaga. Hindi naman sa pagiging desperada pero sana ishare nyo tong story ko sa iba nyong kakilala and always vote. Pataasin natin yung rank ng kwento ko sa Action. Pwede ba yun, guys? Thank you talaga ng marami. BTW, here's the next part.


{CHAPTER SIXTEEN: THREAT}


Ivy's POV


"So how's the investigation?"Β 

Dumekwatro ako habang nakaupo sa isa sa mga silya sa police station na pinuntahan namin nila Tito, Alexander and Kuya Chad. May tinignan na kung anong dokumento ang kausap naming pulis sa kanyang laptop bago nagsalita.


"Base sa imbestigasyon, may ilang impormasyon kaming nakalap tungkol sa pagsabog. Here's the copy of CCTV footage before the said explosion in the Reed Rose Department Store. Isang lalaking may dalang malaking bag na itim ang pumasok sa isang cr sa second floor ng mall, malapit sa mismong bilihan ng mga damit. The other footage here states three men with a lady holding a silver necklace at nanatili lamang sila sa labas ng cr kung saan pumasok ang isang lalaking may dalang itim na maleta. Going back to the first footage, makikitang lumabas ang lalaki na nasa loob ng cr pero wala na syang dalang bag. Same as nakasuot na sya ng maskara. Then dun naman sa ikalawang video, makikitang nagsout na rin ng maskara ang tatlong lalaki at babae. Alam ko hong napakaimposible na makapasok sila sa mall ng hindi man lang hinaharang sa mga guard pero alam kong nabayaran na ang mga ito at planado na ang pagpapasabog ng mall."


Kinuwento na nung pulis yung dapat papanuorin namin sa CCTV then he handed me five pictures.Β 


"What's this?" I asked while browsing the pictures.


"Yan po ang ibang kuha sa mga suspect. Ngayon, gusto ko sanang tanungin kayo kung kilala nyo ba or pamilyar kayo sa mga taong yan. Pagpasensyahan nyo na po kung medyo blurred dahil tumatakbo na po ang mga suspect sa mga oras na yan at naipasabog na rin po nila ang mall."

I looked at the last picture.


"That one is the plate number of the van kung saan sila sumakay para makatakas. BCU 0821." Dagdag pa ng kausap kong pulis. In fairness ah, mabilis ang kanilang naging aksyon sa kasong ito.

Tinitigan ko yung mga litrato at pilit sinuri ang mga ito. Naiiling lang ako dahil hindi ko talaga mamukhaan man lang yung mga tao at maski yung katawan na lang nila noong nakapagsuot na sila ng maskara. Muli kong hinarap ang pulis.


"Can I atleast have my own hard copy of these pictures. Ngayon na sana kung maaari."


The policeman excused himself first nung biglang nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko ito sa aking bag at tinignan kung sino ang tumatawag.

Si Dianne.


"Hello?"Β 


"Hi bessy. Tuloy pa ba yung meeting natin ngayon? Sabihin mo lang kung free ka kasi always naman akong libre. So, ano na?"


Ay shoot. Oo nga. Magkikita pa pala kami ni Dianne. May pupuntahan kaming lugar. Remember, parte na sya ngayon ng aking mga plano about my revenge with my old sister.Β 

Lumabas muna ako ngΒ  istasyon ng mga pulis at pumunta sa lugar kung saan walang makakarinig sa usapan namin. No one should know about my plan. Kahit katiting, wala dapat makaalam nito bukod lang sa mga taong pinagkakatiwalaan ko talaga ng sobra.


"Ah y-yes. Tuloy tayo. Magkita tayo ulit sa Chilis ng mga 1pm. May pinuntahan pa kasi ako so medyo nakalimutan ko yung lakad natin. Good thing at tinawagan mo ako. Sige, kita tayo mamaya, okay?"


"Yehey! Sure bessy. Sige ah...bye muna!"


"Bye..."


Then I ended the call. I was about to walk my way back to the station nung magvibrate yung phone ko. I received a message from an unknown number.


From: 0917*******

Hi Ms. Ivy...nakikita kita dyan sa kinakatayuan mo ngayon oh. Pinapaimbestigahan mo na ba ang tungkol sa pagsabog ng mall noong isang araw? Ahahaha, o sige lang. Gawin mo lahat ng kaya mong gawin because you can't catch us.

Goodluck.


Tila nanigas ako sa kinaroroon ko. So ako talaga yung punterya ng pagsabog sa mall and now, nandito lang yung suspect sa paligid ko at tiyak na minamanmanan na nila ako.

I looked at my surroundings. Nothing weird. Maayos parin naman ang aking kapaligiran pero tiyak na nakatingin sakin ang mga suspects. Maybe a gun is already aimed a me at handa na nilang kalabitin ang gatilyo nito. I can be dead by any minute lalo na't ako ang habol ng mga kaaway ko. Maraming pwedeng maging suspect but the number one on my list ay ang mga Salvador. Matagal na nilang inaasam ang pwesto ko underground and Ghil being my friend is unusual. Kahit ganun na ang pakikitungo nya sakin, something is wrong with her behind it.


Kung sino man ang nasa likod ng lahat ng toh, they're good at planado nila lahat ng kanilang hakbang. Nagagawa nilang pakabahin ako at paisipin ng malalim.

I tried to looked brave. Dapat hindi nila ako makitang mahina at parang kinakabahan lalo na't nasa paligid lang sila and instead, ngumiti ako. Ngumiti ako ng mapait. Ngumiti ako na para bang handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari.


This incident can't bring me down at hindi ako maiisahan ng mga suspects ngayon. Ipapakita ko sa kanilang mali ang kanilang kinalaban because in the first place, ako si Ivy. Ivy Montereal.

If this is their way of playing with me, well...I'll play with them too.

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: AzTruyen.Top