Chapter One: On My Way
[Kindly please read the author's note after this chapter.]
C H A P T E R O N E: ON MY WAY
"Please...tulungan nyo po ako! Hinahanap na po ako nila Mommy at Daddy! Please po, tulungan nyo po ako."
Isang malakas na sampal ang natamo ko sa matandang nandito sa harapan ko. Napasubsob ako sa malamig na semento at tinulungan naman kaagad ako ni Tita Francine para makatayo.
"Romulo! Sobra na yan!" Saway ni tita sa matanda. "Learn to control your temper too! Masama yan sa kalusu---"
"Tumigil ka at wag kang makialam dito, Francine! Hinahanap? Gianna! You're parents are not looking for you! Kaya nga nandito ka oh, you're stuck up with me. Ako na ang nagpalaki sayo and all throughout those times, hindi ka hinanap ng mga magulang mo!"
Hindi ko pagilang hindi maiyak sa sinabi ni Lolo. No. He's wrong. Hinahanap nila ako. Mahal nila ako.
"No! Stop! Mahal ako nila Mommy!" I cried the hell out of me. Nagsisinungaling lang si Lolo, hinahanap ako nila Mommy. Hinahanap ako ni Ate Ghil. They loved me, right? Mahal nila ako.
Then I felt it again. Naramdaman ko na naman yung sakit na yun. Napahawak ako sa ulo ko at nilibot ang tingin. Umiikot lahat. Nahihilo ako hanggang sa nawalan ako ng malay.
===
Napabalikwas ako sa kama ng mapaginipan ko na naman yun. Damn memories! Damn! Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Pang-ilang beses ko na bang napaginipan yung parte na yun? Paulit ulit na lang pero feeling ko, kahapon lang nangyari. Nakakabanas naman! Bumalik ako sa reyalidad ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Tita Francine.
"Goodmorning Ivy. Ayos ka na ba?"
Ngumiti ako. Sa kanila ko lang itinatago ang tunay kong pagkatao kaya nagmimistulang anghel ako sa harapan nila.
"Opo Tita." Then she caressed my cheek bago tumulo ang luha nya. Si Tita, aga-aga...nageemote. Sa kanya talaga ako nagmana.
"Tignan mo ang baby Ivy ko...ang laki-laki na." I held her hand in my face. Si Tita, all throughout of my twelve years...sya na ang tumayo bilang second Mommy ko. Same as si Lolo Romulo, I'm admitting that he is so recklessly strict, he's still my Lolo and my second Daddy.
Today, pansamantala muna akong babalik sa Pilipinas to manage my company there. Yes, finally. My Tito Alfonso gave his company to me kaya ako na ang nagmamanage nun, three years ago pa. Magbakasyon lang ako dito sa New York to have some rest and today, muli na akong babalik sa Manila.
"Ivy, I want you to take care of yourself there, okay? Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo. Don't worry, susundan ka namin dun ni Lolo Romulo mo para bisitahin."
Natawa naman ako kay Tita.
"No need Tita. I can handle. Baka ako na rin ang bumisita sa inyo dito pero baka matagalan nga lang but I'll comeback. I'm promising you. Tsaka Tita naman, ang aga mo namang mag-emo."
She laughed. I wondered, when will I hear that laugh again? Kelan kaya ulit? I shoved my thoughts away nung nagsalita sya.
"Ahh yun ba, pagpasensyahan mo na anak ah. Naku, sya sya...bumaba ka na dun. Handa na ang agahan. Kanina ka pa hinihintay ni Lolo."
Tumayo na ako sa kama ko at naginat. Sinuot ko na yung tsinelas ko at nagpaalam kay Tita Francine na bababa na ako. Pagdating ko sa kusina, akala mo may handaan dahil punong-puno ang lamesa ng mga five-star foods. Napangisi naman ako. I know na si Lolo ang may kagagawan nito.
"Goodmorning apo."
Natuon ang atensyon ko kay Lolo na nakaupo na sa isa sa mga upuan sa lamesa. Tumakbo ako papalapit sa kanya at agad syang niyakap.
"Goodmorning Lolo." Bati ko sa kanya bago umupo sa tabi nya.
"Lo, bakit naman ang daming pagkain? I'm not oriented."
Natawa naman ito. "Apo, para sayo ng lahat ng ito. Ayokong umalis ka ng gutom."
I laughed. "Thank you Lo, but you need to make our maids cook these foods. Panget ako kapag tumaba and Lo, too much cholesterol is bad for your health."
"Naku apo, oo na. Alam ko na yan. Dinadiet naman ako ng Tita mo."
"Aba syempre. Health is wealth."Β
Napatingin ako sa likuran ko nung may nagsalita. Si Tita Vanessa. Ang kapatid ni Tita Francine. She is much stricter than Tita Franz pero mabait rin naman. Napaka-health conscious kaya ayan, pati ako nahawahan. Everyday, ang gym ang tambayan namin ni Tita Van. Same as, malapit na kaming magmukhang kambing. We always eat green vegetables pero syempre, kumakain rin naman kami ng meat but...not too much.
"I know it Vanessa. Tigilan na nga natin toh baka malate pa si Gianna---"
"Ivy please." Pagtatama ko kay Lolo. Oh, let me remind all of you...I'm no longer Gianna Salvador but I'm now Aenslei Ivy Montereal. From the richest family of Mafia all over the world, I'm proud to be a Montereal.
"Ahh right. I almost forgot. Now, can we eat?"
I smiled back at him bago tumusok ng celery from the vegetable salad na nasa pinggan ko na. They already know my menu every breakfast. Napangisi na lang ako ng sumagi sa isip ko na babalik na ako sa Pilipinas. Many things are bound to happen. Things na pwedeng magpabuwag sakin, things that may devastate me or things that can make me win.
Hahanapin ko ang mga magulang ko. Ako ang hahanap sa kanila at ipaparamdam ko sa kanilang I'm better than them. After twelve years, ipinadama nilang hindi nila ako mahal. Wala akong narinig na balitang hinahanap nila ako. All I heard and saw is my sister is the new CEO of our company, na sobra na ang yaman nila and they already entered the Mafia world at ngayon, pumapangalawa sila sa aming mga Montereal.
That's the first reason kung bakit ako babalik ng Pilipinas. I'll manage the company, Mafia company to be exact na ibinigay sakin ni Tito Alfonso. My company is the first in the ranking sa underground but I'm not putting my guard down. Maraming kalaban ang gustong pumalit sa pwesto ko but they knew na yun ang pinaka-ayaw ko sa lahat.
What's mine is mine.
Napatingin ako sa bagong pamilya ko. Lahat sila ay masayang kumakain at nagkwekwentuhan. Paano kaya kapag isang Salvador parin ako? Will they be happy like this? Will I be lucky like what am I now?
I shoved my thoughts off. I'm better facing the present. Mamaya, pagbalik ko sa Pilipinas...I'll start my plans.
I can't wait to see you again, my family.
===
"Magiingat ka sa Pilipinas ah...at...at...lagi kang tatawag! Ivy...s-seryosohin mo ko!...w-wag kang tawa ng tawa dyan! L-lagi kang magonline ah...at...at...lagi tayong magfe-face---"
Niyakap ko na lang si Tita Francine. Jusme, over na talaga ang crying skills nya. Pwede na syang artista...ikaw ba naman kasi ang umiyak mula bahay hanggang dito sa airport. Partida pa yung tatlong supot ng tissues.
"Tita...stop crying. Babalik ako, don't worry."
Sabi ko ng natatawa tawa parin. Somehow, mamimiss ko tong lugar na toh. The place kung saan ko tinakasan lahat ng problema ko at ngayong mahihiwalay ako sa mga taong sobrang espesyal sakin, nakakalungkot pero itinatak ko naman sa sarili ko n babalik ako at pansamantala lang lahat ng toh.
"First time mo lang naman kasing aalis sa tabi nang Tita mo kaya ayan, grabe kung makaiyak! Ate...mahiya ka naman!"
Natawa ako sa pananaway ni Tita Vanessa sa kapatid nya, until I remembered something.
"Mommy, pabayaan mo na kasi si Gianna sa gusto nya. She's already a big girl! Anong masama sa new phone?!"
"Ghil! Your sister is just five years old, for Pete's sake! Phone...no! Kelan kita binigyan ng bagong phone, Ghil?"
"Ten. Why?"
"See?! Limang taon pa!" Natawa ako sa pag-aaway nila Mama at ni Ate. Sabagay, hindi nakadepende sa cellphone ang buhay ko. Kabanas lang, yun kasi yung wish ko ngayong fifth birthday ko.
Umalis si Mama sa harap ko pero bumalik naman kaagad sya na may dala pang box.
"Since wala kang phone, here's your birthday gift from me."
Parang nawala yung lungkot ko habang binubuksan yung malaking box na inilapag ni Mommy sa harapan ko. Wala akong ibang ginawa kundi manlaki ang mga mata ng makita ang nasa loob.
"Doll?! Mommy!! Eto po yung nasa mall na..."
Hinanap ko yung price.
"...$4,000?! Mommy, ang mahal nito!"
Natawa lang sya sa reaksyon ko. "Anything for you my baby. Mahal ka ni Mommy eh."
Sa di inaasahang dahilan, tumulo ang luha ko.
"See Vanessa?...mamimiss tayo ni Ivy! She's crying!" Puna pa ni Tita Francine. Pinunasan ko yung luha sa mukha ko at nagbigay ng isang ngiti.
"Of course, Tita! Wala naman akong sinabi na hindi ko kayo mamimiss eh." Tapos niyakap ko ulit sya. Sumunod naman sila Tita Vanessa at Lolo Romulo na sumigaw pa ng "Group Hug!"
Naghiwa-hiwalay lang kami nung tinawag na ang flight ko. I gave them my goodbyes at hinila na ang isang maleta hanggang sa eroplano. Sanay na ko sa medias, different cameras flashing beside me at kung ano anong klaseng tanong mula sa mga reporters. Buti na lang at may mga security guards na humaharang sa kanila. Dumeretso na ako paakyat sa isang exclusive airplane bago ko ipinasak sa tenga ko ang earphones at nakinig na lang sa music.
Humarap ako sa bintana.
I'm wondering...wondering about the things na maaaring mangyari sakin sa loob ng isang taon sa Pilipinas. Happy, sad, devastating, confusing...and more. Kating-kati na talaga ako. I can't wait anymore. Ano kaya ang reaksyon nila kapag nakilala na nila ang isang Aenslei Ivy Montereal?Β
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa mga iniisip ko. Welcome back, Ivy.
Welcome back to the Philippines, Gianna.
BαΊ‘n Δang Δα»c truyα»n trΓͺn: AzTruyen.Top