Chapter Four: Forgetting The Past
C H A P T E R F O U R: FORGETTING THE PAST
"Ivy?"
"Charles?"
This assh*le! Don't you get him? Sya lang naman yung kaninang nakumpronta ko sa EDSA. Yes, yung nakasagutan ko dahil nakahambalang daw yung kotse ko sa daan. Malay ko ba naman, eh kung nakatulog ako eh! Isipin mo, halos 2 and a half hours rin yun.Β
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Tito.Β
"Of course!"Β
Taas noo kong sagot. Totoo naman eh. Ang yabang-yabang kanina, wala naman pa lang ibinatbat sa isang Ivy Montereal. Sya lang naman si Charles Fernandez and he don't look special. Mukha lang syang bulok na talong and that's all.Β
"Hey you, Mr! What's your business here?"Β
Baka sinusundan nya ko. Right! Since tinawanan ko sya kanina at iniwang tulala sa gilid ng kalsada, he would take revenge on me.
He eyed me because of my question. "I'm here to inform James that there's a emergency in the company. And hey, I'm not following you if you ever think that." Malamig nyang sagot. Naningkit yung mga mata ko.
"Who's James?"
"I'm James, Ivy. Aljiand James Montereal. And Alfonso is just my business name."Β
My eyes glowed. Totoo ba yun? Ang gwapo naman ng pangalan ng Tito ko. Aljiand James. Fudge. Nung napansin ni Charles yung reaksyon ko, nagsalita na sya.
"Sir, I bet we should go. Its an emergency, remember?"
Napatango na si Aljiand bago pinagpag yung damit nya tapos humarap sakin.
"I'm sorry Ivy but I need to go. I think we should meet again next---"
"No thanks, Tito. Bukas na bukas eh magkikita na tayo sa office. I should better take a rest now."
"Good. Take care."Β
Tapos nilapitan pa nya ako at hinalikan sa pisngi kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. When my senses came back, I gave out a smile.
"Take care too."
Β Then they started to walk away but then Charles faced my direction before he gave out a smirk. I was alarmed at first pero ginantihan ko rin sya ng isa sa mga nakakalokong ngiti ko.
Sino ba talaga sya and why's he acting weird?
----
I drove my way home dahil nadatnan ko rin si Kuya na natutulog sa backseat ko kaya ako na ang nagmaneho.Β This would be the last time na isasama ko sya sa mga lakad ko. He would just mess me up. Nakakainis sya kahit kanina, namiss ko pa sya pagkadating ko. Muntik pa nya akong ipahiya kay Tito Aljiand.
Pagkadating sa bahay, agad akong dumeretso sa kwarto ko at nagpalit ng maikling shorts at loose shirt tapos ibinun ko yung hair ko at nilagyan pa ng supil bago nahiga sa kama. I'm definitely tired at gusto ko na lang tong itulog tong pagod na toh. I get up from bed tsaka binuksan yung aircon. I also locked my door para walang makaistorbo sa tulog ko especially Kuya Chad. Yun pa eh bugok rin yung isang yun.
I hugged my BTS pillow at ipinikit ang mga mata at hinintay akong dalawin ng antok.
----
"Baby, aalis muna kami ng Dad mo ah...kayo lang ni ng ate Gil mo dito kaya wag kang magpapasaway."
Tinanguan ko si Mommy. Aalis sila kasi today dahil sa isang business trip.
"Yes, Mommy. Tsaka, pasalubong po ulit pag-uwi nyo."
Natawa sakin si Daddy bago ginulo yung buhok ko.
"Okay baby, we will. Ghil, wag mong pababayaan tong kapatid mo and DON'T ever try to break my rule."
Umirap muna si ate at nagcross arms pa bago sumagot.
"Yes po, sir. Hindi po kami aalis ng bahay.!"
"Ghil, it's for your security. Goodbye na."
Paalala pa ni Mommy bago hinalikan si ate sa noo. Inirapan lang sila ni ate pero sa huli, niyakap parin nya ito.
"Ingat kayo."
Those were the last words I heard from our parents bago sila umalis at sinarado ang pinto. Next thing I knew, kasama na ako ni ate sa gubat. She knocked down all of the guards para lang makalabas kami and I know...we know it's prohibited.
Hindi ko lang talaga alam ang pakay ni ate at nakuha nyang sawayin ang utos ng mga magulang namin.
BOOM!
Isang malakas ng putok ng baril at pagsabog ng bomba ang narinig ko pero hindi ako lalabas dito sa pinagtataguan ko. Sabi ni ate, kahit anong mangyari...babalikan nya ako kaso may narinig akong pagtick ng orasan sa tabi ko.
Isang bomba pla.
Wala akong nagawa kundi tumakbo palayo sa bomba. Natatakot ako. Iyak lang ako ng iyak at pilit humingi ng tulong kaso walang makarinig sakin nung may biglang humigit sa bewang ko at tinakpan ang bibig ko. Nagpapalag ako. Pilit akong kumawala kaso wala. Malakas yung taong may dala-dala sakin at hindi rin pala nya namalayan na may tama na ako ng baril sa tiyan.
Nanghihina na ako. Katapusan ko na yata nung may narinig akong tumawag sakin kaya kahit papaano, nabuhayan ako ng loob at sunubukan kong buksan yung mga mata ko.
Si Kuya Chad. He saved me from death.
"Gianna...gising!"
-------
I woke up in panic. May luha sa mga mata ko. And I'm shivering in cold. What a dream again. Hinimas ko yung likuran ng ulo ko kasi sumasakit na naman. I can't figure out kung bakit everytime na magigising ako from a dream, biglang sasakit ang ulo ko.
Same as...tama kayo ng basa.
Si Kuya Chad ang nagligtas sakin nung bata pa ako mula sa mga kalaban. Hanggang ngayon, ayaw nyang sabihin sakin kung sino yung mga taong dapat dadakip sakin. Iyak lang daw ako ng iyak nun. Hanap ako ng hanap sa ate ko at halos dalawang oras akong hindi matigil kakaluha. Ang nakapagpatahan lang daw sakin ay yung isang batang lalaki na bumisita nun kay Lolo. He played with me at tinawag nya akong Ivy from that day. Sabi nya, sya ni Lander. Ewan ko pero nickname nya yata yun. Ayaw nyang sabihin sakin yung totoo nyang pangalan.
We played hanggang gabi. Walang tigil. Ayaw pa nga nyang umuwi pero sabi nya, babalik na lang sya at liligawan nya ako.
Natawa lang ako nun sa kanya pero nung umalis na sya, umiyak na naman ako. Hirap na hirap sila Tita Francine na patulugin ako but in the end, dala na rin ng pagod...nakatulog na ako.
Ilang araw pa akong nagpahinga nun dahil sa sugat na natamo ko sa pagkakabaril tsaka ako sumabak sa training.
Kami ni Tita Van ay sumugod na kaagad sa gym or fitness. Naging kambing na rin ako nun dahil sa mga green leafy vegetables. And ayun, they changed my name.
From Gianna to Ivy. From a Salvador to a Montereal.
They changed me. And I liked the new me.
Utang ko sa kanila ang buhay ko.
"Ivy?" Narinig kong tawag ni Kuya mula sa labas. Bumaba ako sa kama at binuksan ang pinto.
"Problem?"
"May humahanap sayo sa baba. Alexander daw."
BαΊ‘n Δang Δα»c truyα»n trΓͺn: AzTruyen.Top