C H A P T E R F I V E: VISITOR
"Alexander?"
"Oo. Yung kanang kamay yata ni James. Kanang kamay?! I'm not sure."
Napasapo ako sa noo ko. Why do he need to come here again? At ano na namang pakay nya?! That boy!
"Sabihin mo baba na."
Saad ko tapos nagsara na ng pinto. Inayos ko yung pusod ng buhok ko tsaka pinatay yung aircon at bumaba. Nung nasa hagdan palang ako, natanaw ko na yung isang lalaki sa sofa na nakatalikod at nanunuod ng TV. Even my maid offered him a glass of ko orange juice at ngumiti pa ng matamis.
Sarap nyang sapukin noh. Nakakaewan yung mukha eh.
"Salamat po dito." Sabi ni Alexander tsaka ininum ung juice.
"Sige hijo ah, hintayin mo na lang si Ivy. Kakarating lang kasi nun mula New York at baka napagod. Nakipagkita pa naman kanina sa Tito nya. Hintayin mo ah. Boyfriend ka ba nya?"
Tapos nasamid si Alexander. Jusko naman kasi yung tanong ni Yaya kaya pati ako, muntik ng madulas sa hagdan, buti nakapaggabay ako.
"H-hindi po...ahh ehh, m-may pinapasabi lang po si Tito James nya sa kanya. H-hindi nya po ako boyfriend."
"Ahh ganun ba? Mukhang bagay kasi kayong dalawa eh. May balak ka bang ligawan---"
"Anong pinunta mo dito?!"
Taas kilay kong tanong kay Alexander at pumameywang. Kelangan ba talagang umeksena muna ako bago tumigil tong katulong ko sa kakatanong?
"At ikaw...umalis ka na. Balik dun sa kusina...shoo!"
Pagpapaalis ko sa katulong.
"O-okay po...miss I-ivy."
"At ikaw naman, anong trabaho mo dito?"
Ibinaling ko kay Alexander yung atensyon ko bago sya tumayo sa pagkakaupo nya sa couch ko.
"I'm here to tell---"
"Spill it! Inaantok pa ako."
I heard him sigh.
"Fine. Bukas, magkita kayo ni Sir James sa La Farrell para sa isang underground fight. Dalin mo rin daw yung grupo mo if you wish."
Underground fight? Sure! I missed fighting. Tomorrow will be fun.
"Okay. What time by then?"
"8pm. Sharp."
"Okay. I presume you have no business here anymore. You can go."
Then tinalikuran ko na sya. Bumalik ako sa kwarto ko at agad nagopen ng Facebook. Sakto namang online lahat ng kagangmates ko.
GC: BLACK DRAGONS
Leader (Ivy): Guys, may underground fight bukas.
Nakasched na tayo. 8 PM, sharp.
Gunner (Alice) is typing...
Gunner (Alice): Pauwi pa lang ako from America.
Gusto ko pang matulog.
Spy (Denise) is typing...
Spy (Denise): Sino ba nagsched?
Hacker (Joy) is typing...
Hacker (Joy): Free ako everytime.
Leader (Ivy) is typing...
Leader (Ivy): First of all, hindi ako ang nagsched.
Ayaw nyo ba?! It's an opportunity. Mahal
ang premyo.
Spy (Denise) is typing...
Spy (Denise): Ah shet. May premyo pala.
Go ako.
Tignan mo tong mga toh. Sasama lang sa mga gang-fights kapag alam na may malaking premyo.
Gunner (Alice): Okay, on the way na ko.
Hacker (Joy): Huy bukas pa!
Gunner (Alice): Excited na ako eh. Bat ba?
Hacker (Joy): Baliw ka rin eh.
Leader (Ivy): So settled na?
Gunner (Alice):Yes!
Spy (Denise): Sino ba muna makakalaban natin?
Oo nga noh. Nakalimutan kong itanong sa mokong na Alexander na yun. Hindi rin naman nya binanggit sakin.
Leader (Ivy): i dont know yet. Bukas pa natin maaalam but let's go preparing.
SEEN
------
Cairo's POV
"Pre, ano na namang balita yung iaanounce mo at pinapunta mo pa kami dito?" Naiiritang tanong sakin ni Clarenz.
"Something important."
"Edi sana tinext mo na lang kami." Isa pa tong si Jacob.
"Wala akong load."
"Tangna naman, Cairo. Edi sana itinapon mo na lang yang cellphone mo." Aba...qaqu rin tong Elijah na toh eh.
"Wala na akong perang pambili."
"Ah shit guysue! Pwede tama na?! Nandito na tayo eh. Ikaw naman dyan Cai, ano ba yung sasabihin mo?" This time, si Jaziel na ang nagsalita.
"Nakalimutan ko."
Nandito kami ngayon sa Headquarters namin at tumatambay. Pinatawag ko tong mga kaibigan ko dahil may kailangan akong sabihin sa kanila. Sadyang nakikisakay lang ako sa trip nila. Hehe.
Tumayo na ako sa couch at pumunta sa lamesa bago nagbuhos ng alak sa isang baso at lumagok muna bago nagsalita.
"We have another gang fight tomorrow. Malaking pera ang premyo."
"Yown! Yun lang pala---"
"Shut up, Elijah. Hindi pa ako tapos. This time, iba na toh. Mysterious tong group na toh at wala sa ranking ng La Farell kaya wala pa tayong alam sa kaya nilang gawin."
"Eh pano natin sila kakalabanin kung wala sila sa ranggo? Qaqu ba sila, we're the top 1."
Pagmamalaki ni Jacob at kumuha rin ng baso para uminom ng beer pero pinigilan naman sya ni Clarenz.
"You're too young for alcohols." Saway nito kaya sya na lang yung uminom nung alak.
"Fuck you, Clarenz."
"You're welcome, Jacob."
"Back to the topic, yes...wala sila sa ranggo but someone insisted na ilaban sila sa atin. I bet we should prepare."
"Prepare?! Cairo naman, its unusual for you to say it." Sagot ni Jaziel.
"Walang masama sa paghahanda so I commanded you na dumeretso na sa training room. Susunod na lang ako."
Then ibinaba ko na yung baso sa lamesa tsaka nagsitayuan yung mga kaibigan ko sa couch at lumabas na ng headquarters. Dumeretso naman ako sa office ko at nagbukas ng ilang folders na nasa lamesa ko. I've been hunting these girls for days at ngayon, nagulat na lang ako na lalaban sila samin.
I still don't know their names even their group. Masyado silang pribado but we will not take advantage on them. We're not cowards. Nung tinitignan ko isa-isa yung mga litrato nila, something caught my eye. Alam kong hindi ako nagkakamali. This pair of voilet eyes, I've seen this before when I was a kid. Blurred yung mukha pero tanaw parin ang mga mata.
My lips curved upside nung may naalala ako 12 years ago.
"Gianna."
BαΊ‘n Δang Δα»c truyα»n trΓͺn: AzTruyen.Top