ZR


ZR
Natapos tong masalimoot na taon,
Kaypait na ala- alang binabaon,
Sinisira ang puso na wariy lason,
Kamatayan at dusang pinatapon.

Sir ang aming tawagan sa isa't- isa,
Parehong manunula kaming dalawa,
Ngunit iba ang porma at ang itsura,
May bilang ako ngunit Wala sa kanya.

Parehong mahala ang wikang Filipino,
Kahit iba ang pagpapahayag dito,
Malayang taludturan o may bilang Ito,
Kapwa minahal ang pagka Pilipino.

Mabait at mapagbigay na kaybigan,
Hingian mo kaw ay kanyang pagbibigyan,
Di pa tumatagal ang pagkaykaybigan,
Agad akong tumiwala ng lubusan,

Iwan ko lang kung bigo ba sya sa pag-ibig?
Kayrami nitong gustong ipahiwatig,
Sa bawat hugot, at tula na kay lamig,
Ramdam kahit hindi ilabas ng bibig.
Kayraming linyang napakinabangan ko,
Sa bawat tulang ipinababasa mo,
Kaya't napakalaking salamat sayo,
At naman ay huwag kang magtampo.πŸ˜‚

Tula mo iba ang pinagmulan nito,
May puso ka samantalang wala ako,
Tanging puso ang pinagkukuhanan mo,
Sakin pawang katha na likhang isip ko.

Naway magtagal ating pagkakaybigan,
Pagdating ng panahon kaw ay masilayan,
Kahit iguhit na lamang sa isipan,
Basta magkaybigan magpakaylanpaman.
Zr
Zr
Zr

Isinulat ni : Adrian De Los Reyes
Para Kay : Aria Villa [ YanieWrites]

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: AzTruyen.Top