Untitled

Aking hinihiling sa tadhanang paglayuin na tayong tuluyan
Upang ang yong mukha'y hindi na makita ng lubusan
Pagkat ako'y nangangamba na hindi ko parin kaya
Kapag tayo'y pagtatagpuin pang muli ng mapaglarong tadhana

Kung sakali mang aking muling mararamdaman
Milyun - milyong paru - paro saking kaloob looban
Mga paru - parong mahabang panahon ko pinatahan
At unti - unting pinatay malimut ka lamang

Hindi kona nanaising magdampi ating mga kamay
Maging marinig boses mong malumanay
At masilayan mga matang mapupungay
Dahil ninanais ko nang ika'y malimutan saking buhay

Pagkat ako'y nangangamba na hindi ko parin kaya
Kapag ikaw ay nakitang nasa piling na ng iba
Kaya aking hinihiling sa mapaglarong tadhana
Burahin na ng lubusan bawat nating ala ala

Hahayaan nalang na mamatay ng lubusan
Milyun - milyong paru - paro na minsa'y nanahan
At hayaan na munang magsara nakabukas na pintuan
Upang aking malimutan mga ala - ala ng nakaraan

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: AzTruyen.Top