Collaboration#10
Hirap maiwang mag-isa
Collaboration with : Roe Nuesco
aMIRACLE22
Roe:
Sinta tila isa kang palaisipan
Sa dami dami ng lumisan
Sayo lamang nawasak at nasaktan
Akala ko'y kaya ko
Makitang wala ka na sa piling ko
Ngunit ng masilayan ang mga ngiti mo
At marinig ang mga tawa mong may ritmo
Naisip kong dati ako ang dahilan ngunit ngayo'y humahadlang sayo
Aria :
Sinta tila isang palaisipan
Na akoy iyong iniwan
At bakit akoy nagawang saktan
Iniwan na walang Dahilan..
Akala ko Kaya ko
Makita Kang masaya kapiling siya
Pero ang sakit pala
Kahit pinalaya na Kita
Ang sakit pala....
Iniwan mo ako
Napunta ka sa kanya
Tanong ko Lang mahal
Bakit akoy iniwan mo
Iniwan mo ako
Mag-isaΒ
Dito sa lugar Kung saanΒ
Tayu ay huling nagkita
Akoy nagbabasakali na
Makita ka....
Mahal ko
Simula noong lumisan ka
Ang lungkot ko na
Di magawang tumawa
Iyak ng iyak
Pag naiisip ka
Na iniwan mo akong mag-isa
Ang hirap mag-isa
Walang Kang kasama
Noong tawanan ang maririnig sa look ng kwarto ko
Ngayo'y hagulgul na..
Alam mo baΒ
Sobrang sakit talaga
Hirap tanggapin na
Wala ka na
Iniwan mo na akong mag-isa
Reo:
Nais kong malaman kung bakit nga ba
Ako ba ang mali at ikaw ang tama?
O sadyang mapaglaro ang tadhana?
Sige mahal sabihin mo nga
Mali bang mahalin ka?
O naging mali dahil hindi ako ang iyong sinisinta
Ang mga alalaa ng kahapon
Ay tila bangungot ngayon
Ang dating sigla sa tuwing maiisip ka
Ay naging sakit na walang katapusan
Dahil sa katotohanang hindi na ako ang mahal.
Alam mo ba?
Na tuwing mag iisa
Ay tila baliw na
Dahil sa pagiyak at tawa
Dahil sa pagkabalisa
Sa katotohanang wala na nga
Mahal hindi mo ba alam?
Na ang sakit sakit maiwan.
Na ang lungkot lungkot masaktan.
Hindi mo ba alam?Β
Na ang hirap hirap maiwan?
Mahal pinalaya kita
Pero bakit ganoon?
Nanatili akong nakakulong sayo.
Tuloy naiwan ako rito.
Naiwang mag isa.
BαΊ‘n Δang Δα»c truyα»n trΓͺn: AzTruyen.Top