β€’ 79/200 β€’

---- PAPA ----
YanieWrites

Apat na letra
Importante sa buhay ko
Kailangan ko sa buhay ko
Pero iniwan ako..
Papa , siya ang naging kaibigan ko
Sa araw na walang malalapitan at nasasandalan
Kailan man hindi nabigo masayahin ako
Sa panahon na siyay kasama ko
Tawanan doon at biro dito habang siya ay nagluluto
Sa isang araw ilang ulit pumunta sa tindahan
Takbo takbo at kinakabahan
Para lang makabili ng sigarilyo
Para di ma sermonan
Pag siya nag sermon sayo
Hindi gaano mahaba sadyang tama lang
Mga memoryang hindi makakalimutan
Mga araw , buwan at taong kasama siya
Hindi malilimutan ng puso ko sinta
Importante si papa
Pero iniwan niya ako bigla
Nasaktan ako dahil di matanggap ng puso
Sa araw na Ito gusto ko magpasalamat sayo
Kasi ikaw ang naging lakas ko sa araw na mahina ako
Ikaw ang naging ikaw ang naging madilim kung mundo
Ikaw ang naging inspiration ko sa mga tulang gawa ko
Handang mag alay ng libo libo hangga't ma pagod ang puso..
Sa tulang ito ay tungkol sayo
Kung gaano ka kabuting ama
Kahit misan ay tayo mag nakakatampohan
Kailan man hindi ka makakalimutan dahil
Ikaw ang dahilan kung bakit naging matatag
Nakaya ko ama na ikay wala na
Salamat dahil din sayo nahanap ang aking talento
Handang mag alay ang isang daan libo
Tula para lang sayo
Handang magsulat kung tungkol sayo
Handang maghintay ng matagal kapiling ulit
Para masabi ang katagang mahal kita
Ama maraming salamat
Sa pagiging mabuting ama
Sa pagiging haligi ng pamilya..
Sa araw na ito nagpapasalamat ako
Kung hindi dahil sayo
Ang anak mo hindi magiging makata
Sa ngayong kinatatayu-an ko
Maraming salamat sa lahat lahat
Isang tulang alay ay hindi sapat
Hindi man ako naging mabuting anak
Pero sa puso ko ikay mahal ko
Hindi ko lang kayang sabihin at ipadama
Kaya idadaan ko sa aking mga tula
Kung gaano ka mahal sinta
Sa araw na ito, isang celebrasyon ang ipinagdidiwang ko
Mag-isa mn ako dito nakaupo
Alam kung kasama kita sa tabi ko
Pa , Happy Father's Day
Mahal na Mahal Kita
Miss na Kita ..
Nagmamahal ,
YanieWrites

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: AzTruyen.Top