β€’ 21/200 β€’

Nasaktan mo ako
Kahapon na sinabihan mo sa akin na ako ay Bobo
Mahal ,akoy Bobo pagdating sa pag-ibig ko
Oo sobrang Bobo ko na
Oras oras ikay nasasaktan ko
Sa mga pagbalewala at pag-iwas ko sayo
Oo sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa akin
Ibato mo lahat lahat Ng hinanakit
Na sa puso mo ako mismo nag ukit
Oo Bobo ako at selfish na Tao
Pagsensyahan mo na
Wala ng akong ibang ginawa
Kundi saktan at paiyakin ka
Ganon ba talaga ako sayo magmahal sinta?

Hanggang salita lng talaga
Hindi ko kayang tuparin o di ko kayang sundi
Wag Ka maglumo o ma lungkot dyan sa inyu
Dahil patas Lang Tayo
Sinaktan Kita Mahal Ko ilang ulit na
Di ma bilang Ng aking mga kamay
Mga oras na tayo'y magkaaway
Parang gusto ko na nga makipaghiwalay..

Pero Hindi
Hindi at Hindi ko Kaya
Pag ikaw ma Wala
Hindi ko Kayang ako naman mag-isa
At unti unting kakainin Ng lungkot Ng pusong iiwan mo
Wala Ng saysay Ang Buhay ko
Wag Ka malungkot dyan Mahal
Patas Lang tayo
Nasaktan Kita
Pinaiyak pa
Nasaktan mo ako
At Pinaiyak din
Kaya wag ka mag alala
Ang sakit na ating nadarama
Ay parte Ng Pagmamahal natin sa isat Isa..

Isinulat ni : Ms.Lee [ YanieWrites ]
Dedicated to : Jannel Hope Cerna

************************************

Don't forget to :

β€’ Vote β€’ & β€’ Comment β€’

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: AzTruyen.Top