Ours

A/N: Currently listening in Go Go of BTS. Ahahaha...tangjinjaem tangjinjaem tangjinjaem...k' bye.



Arden's POV


*kringg...kringg*

*kringg...kringg*


Huh? Sunog ba yun? Lind---


*kringg...kringg*

ajsdadsaddcsbdw...alarm clock ko lang pala.


*kringg...kri---*


Pinatay ko muna yung alarm clock ko bago nag-inat. Nilibot ko yung tingin ko sa paligid. Nagsisimula ng sumikat yung araw at tumilaok na yung manok sa kapit-bahay namin. Napangiti ako. This day is very special for me. Me and my boyfriend will celebrate our 4th anniversary today kaya napakasaya ko. This day is very special for me. Napakaspecial.

Last year, he took me on a Korea date...because obviously naman na ikatlong anniversary namin nun but this year is very different. Sobra.


Kinapa-kapa ko yung cellphone ko sa kama 'tas nung nakita ko na, napasimangot ako. Wala man lang akong narecieve na text.

Napailing ako. I should be happy tsaka malelate na rin ako sa first class ko. Yes, I'm a teacher...Lit teacher to be exact. BTW, I'm Arden Vida Villaroel, 24 years of age at...I'm already taken.


Dumeretso ako sa banyo at naligo tapos nagbihis na ako ng uniform ko then nagmartsa na ako pababa para mag-almusal.


"Oh Vida? Ang aga mo yata ngayon tsaka...ang ganda mo pa." Bati sakin ni Mama pagkaupo ko sa mesa.


"Ah oo Ma, may activity kasi sa school kaya kailangan maaga ako." 

Sagot ko tapos dumampot ng dalawang pandesal bago pinalamanan ng peanut butter. Actually, wala naman talagang activity sa school...gusto ko lang pumasok ng maaga.


"Ah ganun ba. Sige, pagbutihan mo ah." 

Mga limang minuto lang yata akong kumain and the next thing I knew, nasa school na ako.


"Goodmorning Ma'am Vida, blooming ka po yata ngayon ah." 

Bati sakin ni Ate MIchelle, yung janitress sa building namin. Naging ka-close ko sya kasi kapitbahay lang namin sya tapos kachismisan pa ni Mama minsan.

"Ah...si Manang, nambola pa. Goodmorning rin po sa inyo!" 

Tapos ngumiti ako bago naglakad papasok sa faculty. Pumirma ako sa tapat ng pangalan ko sa log book para marecord ang attendance ko ngayong araw. 


"Hi Ms. Villaroel, ganda mo today ah." 

Napatingin ako kay Ma'am Jenica. Medyo magkaibigan naman kami since katabi ko lang yung lamesa nya dito sa faculty pero minsan, due to business...hindi na kami gaanong nakakapagusap. Wait lang, bakit ba lahat ng tao sinasabing blooming ako? Araw-araw naman akong nagmemake-up papasok ng trabaho pero ngayon lang nila ako binati ng ganito.


"Thank you po, Ma'am." 

Sagot ko tapos umupo muna sa lamesa ko. Inayos ko yung ibang test papers ng advisory class ko kasi finals na nila ngayon. Naramdaman ko ring umupo na si Ma'am Jenica sa katabi kong lamesa.


"Ma'am Arden...nakita mo na ba si Mark? Kahapon ka pa kasi nun hinahanap sakin. Iniiwasan mo ba sya?" 

Tumingin muna ako sa likuran kong lamesa at napansing wala pang tao doon then binalingan ko ulit si Jenica.


"Ah hindi ko naman sya iniiwasan. Akala ko nga rin galit sya sakin these past few days kasi madalang ko lang syang makita. Bakit mo naman natanong?"


"Kasi naman Ma'am, sagutin mo na yun. Gwapo, matalino, mabait, loyal, charming, mayaman...for short, perfect na kaso, bakit ayaw mo pang sagutin? Halos isang taon ka na rin nyang nililigawan." 


Yes, si Mark Buenavista. Isa sa mga teacher kong manliligaw. Tama rin kayo ng basa, isang taon na syang nanliligaw sakin pero...kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya eh. Ayaw ko syang sagutin kasi in the first place, ipinaliwanag ko naman na may boyfriend na ako.


"Ma'am Jenica, ayaw ko talaga. Friends lang ang tingin ko sa kanya. Remember, may boyrfriend ako."


"Kaso si James---"


"Hi girls..." 

Naputol bigla yung sasabihin ni Jenica nung pumasok si Mark na may dalang bouquet of flowers tapos inilapag nya yun sa lamesa ko.


"Goodmorning Vida." Nginitian ko sya.


"Goodmorning rin, Mark." Tinignan ko yung bouquet of flowers at puro white and pink roses ang nandun.


"Hindi ka pa ba papasok? Five minutes na lang at start na ng klase mo." 

Tinignan ko yung wrist watch ko. Oo nga, malelate na ako. Tumayo na ako tapos isinakbit yung shoulder bag ko nung agawin sakin yun ni Mark maski yung mga libro.


"Ako na magdadala tsaka hatid na ulit kita sa room mo." I smiled at his offer.


"Okay. Sige Ma'am Jenica, una na kami ah." Paalam ko sa kaibigan kong guro.


"O-okay okay Ma'am Vida! Goodbye. Goodluck sa klase mo." 

Then lumabas na kami ni Mark ng faculty. Binabasa ko lang yung ibang topics ko na ididiscuss ko mamaya dun sa ibang sections na hawak ko na nakasave sa Iphone ko. Kasi naman, iniscreenshot ko na lang mula sa Google yung topic ko about 'Greek Mythology'. Sa sobrang excited ko sa araw na toh, nakalimutan ko ng daanan yung libro ko dun sa locker na nasa faculty rin naman. 


"Uy, ang tahimik mo naman yata." Naibaba ko yung iPhone ko nung basagin ni Mark yung katahimikan.


"Ahh ehh, ano kasi...binabasa ko yung ididiscuss ko mamaya sa ibang sections na hawak ko. Nakalimutan ko kasing iuwi yung libro so iniscreenshot ko na lang mula sa google."


"Ahh is that so...nga pala Vida, kelan mo ba ako---"


"Mark..." 

Ayaw kong itanong nya ulit kung kelan ko ba sya sasagutin. Ayaw ko rin naman syang saktan pero hindi nya ako tinitigilan eh. He was too desperate for me pero like what I've said, may boyfriend na ako. Bigla na lang nagiba yung aura nung mukha nya nung nabanggit ko yung pangalan nya.


"But Vida, it's been a year. I've been courting you for a year pero kaibigan parin ang tingin mo sakin. Wala na naman yung---"


"Shut up Mark!" 

Biglang nawala ako sa mood. I tried my best not to shout dahil espesyal ang araw ko na toh at baka may makarinig saking estudyante. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Niyukom ko sandali yung kamay ko tapos huminga muna ako ng malalim bago hinarap ulit si Mark. Sakto namang nasa tapat na kami ng advisory room ko.


"I-I'm sorry---"


"We're here Mark. Thanks for accompanying me." 

Saad ko tapos kinuha ko na yung mga gamit ko mula sa kanya tsaka ngumiti. Tumalikod na ako sa kanya pero humarap ulit ako.


"Thank you again." Then tuluyan na akong pumasok sa loob ng silid.


--------


"Bessy! Ano ka ba?! Alam mo, naiinis na ako sayo ah. Bakit ba gusto mong habulin ka ng habulin ni Mark?! Pano kapag napagod yun kakaligaw sayo? Edi bokya ka na. Tsk naman."

Nandito kami ngayon ng co-teacher ko slash matalik na kaibigan dito sa canteen. Nagyaya kasi ng maagang lunch si Marie kaya pumayag na ako. Gutom na rin kasi ako dahil sa mga irerecord kong scores ng mga hawak kong sections dahil finals nila kanina.


"Bessy, ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi ko nga gusto si Mark. Ayaw ko naman syang paasahin eh pero gusto nyang manligaw sakin kahit sinabi ko ng taken ako."

Napatigil sa pagsubo si Marie ng kanin.


"Taken?! Kanino?!"


"Kay James. Never ko yata syang ipagpapalit. BTW, 4th anniversary na namin ngayon."


"TOLOGOO?! James?! Gwapo ba? Bessy, patingin naman picture nyo oh." Tapos lumapit sya sakin then pinalupot nya yung braso sa kamay ko.

Napatawa ako sa reaksyon nya. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko tsaka ipinakita sa kanya yung picture namin ni James sa Korea last year. Nakahug ako mula sa likuran nya then nakapeace sign naman sya sa harapan ko.


"Yan yung picture namin last year sa Korea dahil third anniversary namin." Pagpapaliwanag ko. "Naisipan nya kasi na pumunta muna kami sa Seoul kaya ayun...nakita ko yung BTS, si Gong Yoo tsaka si Lee Min Ho! Nagleave ako dito sa work ng...mga 1 buwan."


"Ay Bessy! Oo nga! Bongga ka ah!! Ang gwafuuu tapos may patrip-trip pa sa Korea!!"


"Aba syempre." Tapos nakita na rin ako sa kanya.


"Ay Bessy, nasan na sya ngayon? Naiwan sa Korea?"

Nawala yung ngiti ko sa mukha pero agad ko itong binalik bago ako sumubo ng kanin tsaka nagsalita.


"Samahan mo ako mamaya. Susurpresahin natin sya."


-------


Maaga kong tinapos yung last schedule ko at patakbo na akong pumunta sa faculty room.

"Ma'am Arden, nagmamadali ka yata? May date with Sir Mark?"

Tanong ni Ma'am Helen, nasa harapan ko namang teacher. Umiling ako tapos nginitian ko sya.

"Hindi. May pupuntahan kasi ako."

"Ahh ganun ba ma'am, sige...ingat ka ah." Tapos bumalik na sya sa pagtatype sa laptop nya.


Binilisan ko naman yung pagaayos ng mga libro ko tsaka ibang papers then itinago ko na lang sa locker yung iba para konti lang dala ko pag-uwi. Umupo muna ako sandali at nagpunas ng pawis at nagpa-aircon. Hinalungkat ko yung make-up ko sa bag tsaka sandaling nagretouch. Nung medyo satisfied na ako sa mukha ko, lumabas na ako sa faculty dala yung bouquet ng roses na ibinigay sakin ni Mark kaninang umaga. Special rin naman sakin yun noh. Pagkalabas ko, sinalubong kaagad ako ni Marie.


"Bessy! Bakit ba ang tagal mo?! Malay mo inip na inip na sa kahihintay yung James mo."

"Eto na nga oh. Nagmakeup lang ulit ako sandali."

"O sya! Tara na. Gorabels na. Wait, saan ba kasi tayo pupunta in particular?"

Nginitian ko sya dala na rin ng excitement. "Basta. Surprise. Tara, may dadaanan pa tayo."


Pumara kaagad kami ng tricycle tapos nagpahintay sa isang bilihan ng bulaklak. Pumili ako ng tatlong pulang roses at isang white since today is our 4th anniversary. Tiyak magugustuhan nya toh.


"Hoy Arden! Bakit ikaw yung bumibili ng bulaklak at hindi si James?"


"Ako naman. Last year eh akala mo may patay sa amin sa dami ng bulaklak na pinadala nya sa bahay. Ngayon, ako naman. Apat lang naman toh oh."


Pagkasabi ko nun, iniabot ko na sa ale yung bayad ko tsaka pumara ulit ng jeep.

Sandaling biyahe at nakarating narin kami sa pupuntahan. As usual, tahimik parin ang lugar at konti lang tao pero napangiti parin ako despite of that. Medyo makulimlim nga kaya dumagdag pa sa aurahan ng lugar.


"Bessy ang tahimik." Puna ni Marie.


"Oo nga. Tara, sundan mo ako."


Sandali kaming naglakad tapos nung makarating na kami sa lugar, lumuhod na ako at inilagay yung mga bulaklak na binili ko kanina katabi nya.


Rest in Peace

James Dean Villamejor
1995 - 2017


Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Nalulingkot ako na natutuwa. Hinawakan ko yung puntod nya at inialis yung tuyong dahon sa ibabaw nun.


"B-bessy, a-ayan ba si...si James?"


Tumango ako sa tanong ni Marie at hindi ko na nagawang pigilang tumulo yung mga luha ko sa mata. This should be a happy day but I'm damn crying. 4th anniversary namin sana pero 1 year na nyang nakahimlay dyan sa sementeryo.

He died because of an accident.


Accident last year in Korea. Namatay sya nung 3rd anniversary namin. Dapat natutuwa ako kasi ikatatlong taon na ng pagsasama namin but it came into worst.

Inilapag ko rin yung bouquet of flowers ko na ibinigay ni Mark sakin sa tabi ng puntod nya.


"Hi James...happy 4th anniversary. Kamusta ka na dyan babykotch?! Happy ka ba? Okay naman ako dito. Nga pala, bigay ni Mark yang bouquet of flowers sakin yan kaninang umaga. Tinanong nya na rin ako kung kelan ko sya sasagutin. Sabi ko naman, may boyfriend na ako tsaka alam kong alam mo na hindi kita kayang ipagpalit sa iba kahit...wala ka na. Sorry ah, di na kita nabilan ng chocolates...flowers na lang ang naafford ko dahil wala pa kaming sweldo. By next week pa eh. Mahal na mahal kita James tsaka miss na miss na kita.

I love you babykotch..."


Hinimas ni Marie yung likod ko nung humahagulgol na ako sa iyak. Di ko mapigilan eh...masyadong masakit.

Masyadong nakakalungkot.


"B-bessy, okay lang yan..."


Sana nga, okay lang toh at hindi na nakakasakit sa damdamin dahil after all, naaksidente sya dahil sakin. Nawala si James dahil sakin. Namatay sya dahil sa pagmamahal nya sakin.

------


>>FLASHBACK<<


"Okay, one...two...three..."


Bilang nung photographer samin tsaka kami pinicturan. Nandito kami ngayon ni James sa Jeju Island at sobrang ganda pala ng lugar. Marami ring mga turista dahil sobrang popular ng lugar na toh sa Korea.

"Thank you. Ghamsahamnida." 


Sabi ko dun sa lalaking nagpicture at ibinigay nya na ulit sakin yung phone ko. Tinignan ko yung picture namin. Nasa harapan ko si James at nakapeace sign habang yakap ko naman sya mula sa likod.

"Babukotch, patingin." 

Sabi ni James at inagaw sakin yung IPhone tapos sumimangot sya. "Ang panget mo naman dito, Vida."

Hinampas ko sya sa braso. "Bakit? Ikaw? Gwapo ka ba?! Mahiya ka nga!" Sabi ko tapos natawa ng konti.


"Eh diba gwapo ako kaya nga ikaw pa yung nanligaw sating dalawa." Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni James.


"H-hoy! Hindi noh...t-tigilan mo ako."

"Eeihh, wag kang mag-pout babykotch, mukha kang bibe."

"Pwes mukha kang baboy! I hate you..."

Then tinalikuran ko sya nung hinug nya naman ako sa bewang tsaka bumulong.

"I love you too."


Syempre, hindi ko mapigilang hindi kiligin noh. Boyfriend mo ng tatlong taon, sasabihan ka ng 'I love you', syempre nakakakilig rin yun then may matching payakap-yakap pang nalalaman.

Napailing na lang ako tapos hinila sya sa ibang part ng lugar para malibot pa namin. Magiisang buwan na kami dito sa Korea dahil sa trip nga nya sakin since third anniversary namin right at this day.


Pero totoong ako ang naunang manligaw dyan kay James. Ang gwapo naman kasi sa school namin tapos crush rin pala ako. Torpe lang kaya nung nalaman nyang ako yung nagpapadala ng mga sulat sa kanya, ayun...niligawan na rin ako kaya heto kami, tatlong taon ng magboyfriend-girlfriend.


"Tulala ka dyan, babykotch. Tara na...gutom na ako."


Tinignan ko yung cute na mukha ni James tapos ngumiti. "Tara na." Tapos naglakad kami ng magkaholding-hands.

Little did I know na ito na pala ang huli.


--------


Umupo kami sa isang bench sa park para kainin yung mga pinamili naming kimchi.

"Babykotch, ang sarap pla ng mga pagkain nila dito noh." Sabi ko tapos sumubo ulit ng kimchi.

"Dahan dahan lang babe."

"Babe?!" First time nya akong tinawag ng ganun, promise. Nakakagulat lang.

"Oo, babe. Bakit, may masama ba dun?" Sagot nya tapos kumain rin.


"W-wala, ang...unusual lang kasi eh." Then nagkibit-balikat ako then tinuloy yung pagkain. Ilang minuto pa yung lumipas nung may nakita akong magandang bilihan ng necklace sa tapat.


"Babe, titingin lang ako dun sa shop na yun ah. Babalik ako." Ngumiti ako sa kanya bago tumawid sa kalsada at pumasok dun sa isang mini-shop. Maraming cute na couple laces kaya balak kong bumili. Natipuhan ko yung isang necklace na may pendant na lock tapos yung isa naman na may pendant na susi. Kay James yung padlock at akin yung susi para maganda.

Mabilis ko yung binili at lumabas na ng shop. Pagtingin ko sa park, kumakain parin si James kaya mabilis akong tumawid nung...


BEEEEEEPPPPPPP...


The next thing I knew, nasa ospital na ako at iyak ng iyak. Hindi ko mapigilan eh. Kaninang tatawid ako, may isang rumaragasang truck pala ang dapat sasagasa sakin nung tinulak ako ni James dun palayo kaya sya yung natamaan. Sabi nung driver, nawalan daw sya ng preno kaya hindi nya na napigilan yung sasakyan nya.

Niyakap ko ng mahigpit yung necklaces na binili ko nung sinabi nung doktor na 'Dead on Arrival' na si James.


"I love you too..."


Ulit ulit na nagpeplay sa utak ko yung sinabi ni James na yan kanina sa Jeju Island.

Lumapit ako sa bangkay nya at hinawakan yung maamo nyang mukha na akala mong natutulog lang.

"I love you too, babe."


>>END OF FLASHBACK<<


-----

END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top