Bakit Hanggang Ngayon, Single Ka Parin?

"Oh, Al! Saan na boyfriend mo?" Masayang salubong sa akin ni Maurene pagkapasok na pagkapasok ko palang ng venue kung saan magaganap ang Highschool Reunion namin.

"May nakikita ka ba?" Sarkastiko kong tanong pabalik na siyang ikinatuwa niya pa't may pahampas-hampas pang nalalaman sa braso ko.

"Ay pasensya na, nadala lang hahaha," hagikgik niya pa.

"Kung ituktok ko kaya 'tong takong ko sa noo mo kasi nadala lang din ako?"

"Ito naman, hanggang ngayon, funny ka parin."

Hindi ko na siya pinansin, lumayo na ako. Wala pa namang gamot sa paninilim ng paningin, baka bigla ko nalang siyang maiangat sa ere't maihampas ng ilang ulit sa pader.

I never wanna be here to begin with, but I heard Takumi is coming. At dahil maharot ako, kaya andito ako.

Takumi is my highschool crush; ang rason kung bakit no boyfriend since birth parin ako at the age of 25.

Char, naninisi pa, eh, hindi lang naman talaga ako ligawin.

Formal akong tao pero pagdating sa kanya, tanggal angas ko.

Kulang nalang talaga haranahin ko na't umakyat ng ligaw kaso andaming aso sa kanila; baka umuwi pa akong bitbit isa kong hita at braso sabay assemble ng sarili sa bahay.

Kung ano-ano'ng klaseng ritwal na rin pinaggagagawa ko gabi-gabi. Sumubok narin ako ng iba't-ibang prayer format pero antigas talaga ng pangontra niya sa mga masasamang elementong kagaya ko.

Hindi naman siya taken; wala rin siyang nililigawan. Alam na alam ko 'yan, syempre!

Kaya ngayon, idadaan ko nalang siya sa landi. Akala niya matatakasan niya ako, ah! Ilang gabi ko ring pinagpraktisan 'yong wink-wink at lip bite na 'yan.

Ngayon ang gabi'ng luluhod ang mga tala't buwan!

Hindi pa dumarating ang circle of friends ko kaya naupo na muna ako sa may tabi malapit sa malalaking speakers saka nagbukas ng Instagram.

Do'n kasi kami laging nag-uusap ni Takumi.

Napangiti nalang ako bigla habang nakatingin sa convo namin.

Grabe! Sobra ata siyang na shock sa last chat ko't four days na niyang pinag-iisipan kung ano'ng irereply niya. Tamang like lang ng message ko, eh. Kala niya talaga ikakatuwa ko 'yon.

Ilalaban pa ata niya 'yan ng panghabang-buhay. Sana 'di nalang siya nagising kung gano'n, charot!

Unti-unti nang nagsisidatingan ang mga ka-close ko't at last, dumating na ang pinakaaantay ko sa lahat.

There he stood at the entrance with his black tuxedo suit, red striped tie, black tictac shoes, and expensive chromatic glasses.

Yes, he's colorblind pero sa aming dalawa, ako 'yong hindi nakakadestinguish kung ano 'yong red. Marupok ako, eh. Bakit ba?

Agad akong kinumbinsi ng mga kaibigan kong lapitan siya bago pa ako maunahan ng iba pang nagkakandarapa sa kanya rito. Syempre, para mapansin, rumampa talaga ako sa gitna papunta sa kanya.

"H-Hi, T-Takumi," pautal-utal kong bati.

Sinasadya ko ring sagiin ang mga dibdib kong may tigdadalawang layers ng foam para may cleavage naman na pumusok kahit papaano, pero 'di niya man lang sinulyapan ang mga ito.

Ang hard, ha!

"Hello," masaya niyang sagot tapos 'yon lang!

Jusko naman, ano isasagot ko diyan? Hi ulit?!

"Uhm, nice to finally see you again after five years," ngumiti ulit ako pero agad naman itong nalusaw nang dahan-dahang magsalubong ang mga kilay niya.

"W-Who are you again? I'm sorry, I don't quite remember you. Are we on the same batch?"

Para akong nabulunan sa narinig ko.

We've been talking for like two years now, pero hindi man lang niya ako nakilala. Saka ano sa tingin niya ang ginagawa ko rito kung hindi kami ka batch, makikikain? Nagdidildil na ba siya ng mga ipinagbabawal na bato?!

Magsasalita pa sana ako nang tawagin siya ng mga barkada niya't agad na nag excuse, leaving me--hurting.

Biglang nag flashback conversations namin sa utak ko't narealize ko na ako lang pala talaga ang nagcha-chat sa kanya, nagrereply lang siya maybe because he felt bad for me.

Dahan-dahan nalang akong naglakad papalabas ng venue. Sana pala 'di nalang ako pumunta, but I think I need this.

Seven years na rin 'tong unrequited love ko, siguro naman panahon na para mag quit.

Suko na ako!

Papara na sana ako ng taxi nang biglang mag vibrate ang phone ko't nanlaki ang mga mata nang mag pop-up ang message niya sa Instagram.

"Oh, it's you! I'm sorry if I didn't recognize you right away. You looked beautiful now."

Joke lang pala 'yong susuko.

Pakiramdam ko lulumpasay ako sa tabi ng daan buti nalang at nakakapit agad ako sa malapitang poste kahit hindi ko alam kung compliment ba 'yon o pintas.

Mahal na mahal ko naman 'yon, kahit pa murahin niya ako, it's payn!

Napangiti narin lang ako nang maalala kong March 19 pala ngayon; the exact day na nakilala ko si Takumi seven years ago.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top