Prologue
"Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.
Hindi niya ako sinagot at diretso lang na nakatingin sa kung saan. Tumingin din ako doon at napataas ng kilay nang makita ko ang mga taong nagkukumpulan sa unahan.
"Ano'ng meron dun?" Tanong ko ulit sa kanya.
This time nilingon niya na ako saka ngumisi ng pagkalawak-lawak kaya medyo napaatras ako light. Ang weird niya kasing tignan. Nakasuot pa siya ng itim na hooded-jacket at may dala-dalang tinidor.
"Sino ka nga ulit?" Ngiwi ko na namang tanong.
Umayos siya ng tayo sabay bow, "kamatayan po, at your service!"
Napakurap-kurap nalang ako dahil sa sinabi niya't pakurap-kurap na lumayo sa kanya.
Adik ata isang 'to!
Ngali-ngali kong tinignan phone ko para sana tawagan ulit si Tanaka pero laking gulat ko't wala na ito sa kamay ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid at baka nahulog ko ito somewhere pero wala kaya napatingin ako sa lalaking adik na nasa harapan ko't nakangisi parin sa akin.
"Hoy! Kinuha mo cellphone ko, noh?!" Bulyaw ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Aanhin ko naman?" Inosente niyang sagot, "IphoneX max nga 'yon pero 'di ko naman 'yon magagamit."
"Paano mo nalaman na IphoneX max 'yon kung hindi mo kinuha?!"
"Nakita ko bakit?" Parang naghahamon niya pang sagot.
"Saan?"
"Ando'n..." sabi niya saka tinuro 'yong mga nagkukumpulang tao sa unahan.
"'Wag mo akong ginagago, ah!" Banta ko pa at muntikan ng mapahawak sa dibdib nang irapan niya ako.
"Puntahan mo kaya dun? Daming say!"
Napatakip nalang ako ng bibig nang mataray niya akong tinalikuran at naglakad papunta dun sa mga tao.
Ewan ko kung bakit pero sinundan ko siya hanggang sa huminto ito malapit dun sa nagkakagulo saka ako nilingon.
"Ando'n! Tignan mo," dagdag niya pa saka tumuro sa kung saan.
Tumingin parin ako doon pero wala akong ibang makita kundi ang mga paa ng mga tao dito.
"My gosh!" Rinig kong untad niya't nagulat nalang ako nang bigla niya akong hilahin papunta dun sa gitna.
Halos lumabas mga mata ko nang lumagpas ako dun sa mga tao kaya hindi agad ako nakagalaw nang huminto na siya.
"A-anong nangyari?" Utal kong sabi saka siya dahan-dahang tinignan.
Nakatingin lang din siya sa akin. Hindi siya sumagot at tumuro lang sa harapan. Agad akong tumingin dun at muntikan ng atakihin sa puso nang makita ko ang sarili kong duguang nakahandusay sa daan at walang malay.
"OH. MY. GOSH!"
_________
All Rights Reserved ยฉ2018
Ang maarteng si Grim Reaper
written by ExoShaneeyโค
_________
DISCLAIMER NA MALUTONG:
This story is only a work of fiction and definitely a troll. If you're a religious person, be mindful that every content of this story contradicts all known doctrines. Just bear with it. Thanks.
Follow me on IG @ErisByun and please be a friend! NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO?! GOOD! LABYU SA INYONG LAHAT! K.
Instagram @erisbyun
Twitter @ErisByun
Facebook [Eris Byun]
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: AzTruyen.Top