Chapter 4
"Hey, woman. Wake up!"
"Wake up!"
"Hey! I said wake up!"
"Uhh! Five more minutes, Tanaka!"
"Isang ulit pa, makakatikim ka na."
Agad akong napamulat nang may biglang tumusok sa balikat ko. Laking gulat ko nalang nang bumungad sa akin ang mukha ng isang napakagandang babae.
Pero kahit maganda siya, nagulat parin ako at napakaripas ng atras kaya naman nahulog ako sa kama. Isa pa, may pakpak siya, frens! Apat pa.
Sapo-sapo ko pwetan ko habang dahan-dahang tumatayo.
"Oh, ano? Buhay ka pa?!" Pang-aasar pa nito kaya agad ko siyang binalingan. Naningkit bigla ang mga mata ko nang makita ko ang nilalang na nasa harapan ko ngayon at napailing nalang.
Totoo pala talaga ang lahat!
"Woah! You're not scared of me?" Tanong pa nito na siyang ikinataka ko. Parang may mali ata. Parang...
"Yes, I'm a man. I get that expression a lot, so better tell you beforehand." Pagputol niya sa iniisip ko.
Ayun! 'Yon 'yong mali! Tsk. Wala na. Ayaw ko na palang mabuhay. Akala ko pa naman ang perfect na ng mukha ko, inuto ko lang pala sarili ko.
Ang haba ng puti niyang buhok. Kung makinis 'yong si Hypnos, mas lalo na isang 'to at pati pores ko, halos kita na sa reflection ko sa kanyang balat. Unlike Hypnos, this guy right here is smaller but still taller than Kams.
Nakasuot lang talaga siya ng puti at manipis na sando kaya kitang-kita ko 'yong tinatago niyang abs. My goodness! Ganito 'yong expectations ko kay Kams!!
"I'm Zelus, god of zeal. Son of Pallas and Styx and you must be Khione? Grandaughter of the fair Sharmaine?"
[A/N] Real Zelus description
Portrayed by Byun Baekhyun
Napabuga nalang ako ng hininga. "Kilala mo rin grandmom ko?"
"Who doesn't?" Sabi niya saka umupo sa kama na hinihigaan ko kanina. "Sharmaine is Thanatos' former lover and she's a human so all deities know about her. A love between gods and mortals are not likely to be accepted. Alam mo naman siguro 'yon?"
"Hindi. Hindi ko alam at wala akong pakialam!" Umirap ako.
"Eh? Kaya pala ilang beses ka ng nagtangkang magpakamatay para makita si Than?" Sarkastiko niyang tanong.
Tangina! Ba't alam niya 'yan?!
"Duh! Noon 'yon. Saka kaya ako nandito kasi naaksidente ako hindi para lumandi at alam mo bang nakakaistorbo ka ng tulog?!"
"Hindi. Hindi ko alam at wala akong pakialam!" Pag-ulit niya sa sinabi ko.
"Manahimik ka, ah! May kalalagyan ka sa akin 'pag ako tinopak." Duro ko sa kanya.
"Naks! Matagal ka ng may saltik dami pang sinasabi."
"UMALIS KA NGA DITO!" Tinapon ko sa kanya 'yung malapit na unan pero agad naman niya itong nasangga gamit ang kanyang pakpak.
"Hahaha look! I didn't come here to have a pillow fight with you." Pinulot niya 'yung unan na tumilapon sa kanan saka ibinalik sa kama. "I'm here to ask where Than is. I've been looking for him for hours now."
"Mukha bang alam ko?!" Inis kong saad saka padabog na humiga pabalik sa kama. "Umalis ka na nga. Istorbo ka hangal!"
"Narinig mo ba ang sinabi ko kanina?" Singhal niya nalang bigla. Lumingon ako sa kinatatayuan niya ng nakataas ang kilay.
"Sa dinami-dami ba naman ng nasabi mo sa loob ng ilang minuto, sa tingin mo alam ko kung saan dun?!"
Sa itsura niya ngayon, hindi na ako magtataka kung mabatukan niya man ako or what kasi mukhang badtrip na siya hahaha.
"I'm a god of zeal and I won't let anyone talk to me like this." Seryoso niyang sabi dahilan para mapairap ako.
"Well, you just did." Ngumuso pa ako kaya maslalong naningkit ang kanyang mga mata.
"Kung hindi ko lang talaga kaibigan si Sharmaine, baka ano na'ng nagawa ko sayo." Banta niya pa.
Peym na peym talaga si grandmom dito, ano? 'Di na ako magtataka kung may fans club pa siya dito.
"Lol! Sino tinakot mo? Eh, kaluluwa nalang ako." Muli akong umupo para harapin siya. "You can no longer kill me."
Ngali-ngali kong nasapo ulo ko nang bigla akong tamaan ng unan sa ulo.
"Hindi nga pero mabubugbog naman kita." Ngumisi siya.
"Hoy, Zel! Dyos ka lang!"
"Hoy, Khi! Tao ka lang!" Panggagaya niya sa sinabi ko.
"Aba'y matapang!" Sarkastiko akong napatango-tango. "Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan-ganyan mo. Wala akong kinakatakutan, aba!"
"Ang hirap mong kausap, alam mo 'yon?"
"Hindi ko po alam tse!"
Napangiwi nalang siya't mukhang badtrip na badtrip na.
"Come with me."
Hindi na ako naka-ek pa nang bigla niya akong hawakan sa pulso saka kinaladkad papalabas ng kwarto.
"Aray ko naman ang harsh!"
"Hahanapin pa kasi natin si Than, 'di ba?"
"Hindi mo ba siya mahahanap mag-isa? Bulag ka?!"
Huminto siya't padabog akong hinarap.
"Than is negating his energy against all deities and you, woman, is the only one capable of finding him since you're the bride."
"Human scythe." Pag-correct ko sa sinabi niya.
Maslalong lalong nag connect the dots ang kanyang mga kilay.
"That means the same, dummy! When Than declared you as his human scythe, you and him already became one. Meaning, your life is his and his is yours. Kapag may nangyaring masama sayo, it will affect him and that goes the same to you when something happens to him. Gets?!"
"Teka lang 'yong utak ko." Pagputol ko sa kanya habang sapo-sapo sentitdo ko. "Pakiulit nga?"
"Ugh!" Umirap siya. "Bakit ba ang hirap-hirap mong kausap?! Hanapin mo nalang kaya si Than? You and him can't be separated for long, you know! Than isn't capable of living without his scythe."
"NAKNAMPUCHA NAMAN OH!" Inis kong sabi habang kamot-kamot ulo ko. "Saan ba kasi niya nilagay ang tanginang karit na 'yon?! Namemerhisyo siya ng kaluluwang nananahimik dito, eh!"
"Ikaw may kasalanan niyan, noh!" Sabi niya, sabay batok pa 'yan, ah.
"You're the one who put yourself in such a situation. You've yearned for him so much, the reason why your string has been tied to him and is the strongest bond in Cupid's list."
Napangisi nalang ako ng nakakaloko.
"'Wag mo akong inuuto. Sabi ni Than, hindi pwedeng magkaroon ng tie ang tao at diyos."
"You're a soul now, remember that. Your strings can still be tied but," numipis ang mga labi niya. "You will never be together and do you think, after all these years of you loving him despite not seeing him, your feelings will just go away?"
Saglit siyang napahinto at mukhang nagdadalawang-isip na dugtungan 'yong sinabi niya pero ginawa niya naman.
"When Sharmaine got married, Than asked Cupid to cut his red strings off. Sabi niya pa, ginawa niya 'yon kasi wala na daw siyang iba pang mamahalin kundi si Sharmaine lang."
Saglit akong natigilan sa mahabang speech ni Zel at wala parin akong maintindihan masyado na mukhang agad naman niyang napansin kaya siya napangiwi.
"In other words, forget about your feelings for him kasi hindi kayo pwedeng maitadhana sa isa't-isa, KUHA?! And besides, you are only left with counted days and then pwede ka ng pumuntang impyerno. Pagtyagaan mo nalangโouch!" Hiyaw niya nang apakan ko paa niya.
"Isang salita pa't may kakalagyan ka na sa akin!" Banta ko. "Na-inlove lang naman ako sa lalaking 'yon kasi ang cool niya sa mga kwento ni grandmom at ang gwapo niya pa sa imaginations ko pero nang makita ko na siya sa personal, narealize kong, I'm better off with myself alone without anyone to love me."
"Taraaaay! Ang sabihin mo, walang nagkakagusto sayoโHOLY MOTHER OF TITANS!"
Napahimas nalang siya sa ulo niya't pinaningkitan ako ng mata.
"Nakakailang batok ka na, ah! Akala mo naman hindi mahahati sa apat 'pag tumama tong mga pakpak ko sayo." Gigil niyang sabi at umaktong tatabingiin ang ulo ko.
"Susumbong kita ni Thanatos the great Piatos kapag ginawa mo 'yan!" Hambog kong sabi. "Kapag may nangyaring masama sayo, it will affect him and that goes the same to you when something happens to him..." pag-ulit ko sa sinabi niya.
"Siguro naman hindi niya papapabayaang mapaano ako, ano ha?!"
"Ay, mautak din pala light ang isang Khione Sy." Nakangisi niyang sabi na hindi ko alam kung papuri ba 'yon o insulto.
Namuntong hininga siya saka ginulo buhok niya.
"Basta sinasabi ko sayo, ah. Kapag nagkita na kayo ni Than, 'wag na 'wag ka ng lalayo ulit sa kanya."
"Bakit naman?"
Tumaas isa niyang kilay. "I hope you understand that you're dealing with a death god especially when it's Thanatos we're talking about. What you are seeing right now isn't his true form and only his scythe can maintain that current form." Nag-krus siya ng kamay. "Hades gave him that scythe to control the suppress demon inside him, therefore..."
Napakurap-kurap ako nang biglang natigilan sa pagsasalita si Zelus. Diretso lang din siyang nakatingin sa likuran ko't nagtakip ng bibig kaya napalingon na ako.
"Uy, Kams!" Magiliw kong sabi nang makita ko siyang nakatayo sa likuran ko't seryosong nakatingin kay Zel.
"What were you telling her, Zelus?" Sabi niya ng hindi tinatanggal ang tingin sa akin.
"Ahh... i-ineexplain ko lang sa kanya ang trabaho niya bilang human scythe m-mo." Pautal-utal nitong sagot.
"That's very thoughtful of you but she's none of your business." Mahina ang boses ni Kams pero ramdam na ramdam ko 'yong lalim ng pagkakasabi niya nun. Marahan niyang binalingan si Zel kaya bahagya itong napaatras.
"Zeus is looking for you. You should go to his realm right away."
"A-ah! Yeah. I'll go now!"
Saglit niya akong tinignan na para bang may sinisenyas siya na kung ano-ano bago siya nag vanish sa ere.
"Wow! Magic." Mangha kong bulong at napapalakpak pa talaga.
"Ang ingay ng isang 'yon, alam moโ" napangiwi ako nang magtama ang mga mata namin ni Kams paglingon ko sa kanya. "Wala po akong ginawang mali, kagalang-galang na Thanatos!"
"I told you to stay in the room 'til the fireball rises." Walang kaemo-emosyon parin niyang sabi.
"Kung sinabi mo siguro kung ano'ng fireball 'yan, eh, baka sinunod pa kita. Isa pa, kinaladkad lang ako nung ugagin mong tropa dito, aba!" Umirap ako't nag-krus ng braso.
"Why for?"
"Kasi hindi daw tayo pwedeng malayo sa isa't-isa because I'm your bride."
Tumaas bigla ang isa niyang kilay kaya napagtanto kong nagmukha akong tanga sa sinabi ko.
Pokengenang bunganga ka!
"Kung ano man ang sinabi niya sayo, don't mind any of those. Let's go back in to discuss further about things we have to do to find my scythe."
'Yon lang ang sinabi niya saka siya tumalikod at nauna ng maglakad. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko't tinitigan muna siya mula sa likuran.
I don't have any idea what's going on, really. Hindi ko nga rin alam kung sino sa kanila ang susundin ko. Ang alam ko lang kasi na ipinanganak akong dyosa ng mommy ko. Hay, nako! Problems.
Sumunod nalang din ako sa kanya at sinubukang balewalain ang sinabi ng madaldal na Zelus na 'yon pero kahit ano'ng gawin ko, sumasagi parin sa utak ko 'yong mga sinabi niya.
Titig na titig lang ako kay Kams habang may kung ano-ano siyang sinasabi sa harapan ko. Nasa room na kami habang dinidiscuss niya 'yong plans kuno namin. May pa manila paper for illustration pa nga ang gagu, eh. Ang cheap lang! Nakatira sa mansyon, wala man lang pa projector o pa-flat screen? My gosh!
"What you are seeing right now isn't his true form and only his scythe can maintain that current form."
Napaismid ako nang maalala ko 'yong sinabi ni Zel. So ano naman kaya ang true form ng isang 'to?
Baka naman isa pala siyang dark angel! Malamang god of death per 'yong tipong may itim na pakpak? Itim din ang lips niya't may makapal na itim na eyeliner at eye shadows?
O baka naman isa pala siyang spider o ipis o di naman kaya isang scorpion? Jusko naman!
"Listen, idiot!"
"Ay aray ko po." Nakanguso kong sabi habang nakahimas sa kamay kong pinitik niya ng stick.
"Kanina pa ako nag didiscuss dito, ah! Hindi ka man lang nakikinig? How are you gonna find my scythe then? Do you really wanna go back to your body or what? So as you know, you only have 34 days left." Inis niyang sabi.
"Oo na! Makikinig na ako, oo."
"Makikinig? Makikinig pa lang?!" Bulyaw niya. "I've already discussed half of my plan, wala ka palang pinakinggan?!"
"Sorry naman po! Bothered lang kasi talaga ako sa-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang bigla siyang napangiwi't napatakip sa kaliwa niyang mata. "A-ayos ka lang?"
Hindi siya nagsalita at bigla nalang lumabas ng kwarto. Agad ko naman siyang sinundan pero hindi ko na siya nakita paglabas ko't tanging itim na miasma nalang na bumalot sa buong pasilyo 'yong aking naabutan.
"Shuta hoy!"
____
[A/N] Nung nakaraan ko pa sana 'to ipupublish, eh, pero alam niyo 'yong feeling na mawalan ng load? Kung di niyo feel. Kayo na mayaman! Bigyan niyo nalang akong donation wahaha. Papahabain ko na ang next chapters at mukhang may patutunguhan na 'tong kwento lmao.
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: AzTruyen.Top