Chapter 3

Disclaimer: And again. This story is a work of fiction and all written below came from my own imagination tho there are already instances that some sceneries were already used but never copied anything. Thank you!

_______

"So this is Tartarus." Walang emosyon kong bulong habang nakatingin sa mga tao sa paligid.

"Yeah! Welcome to the abode of the dead." Pasimpleng sabi ni Kams kaya napangiwi ako't tumingin sa kanya.

"Dead?!" Pag-ulit ko sa sinabi niya kasi wala na akong maisip. Natuyona utak ko.

Paano ba naman kasing parang nasa Los Angeles lang kami sa sobrang dami ng tao. Not to mention na may buildings din dito at ang daming sasakyan kagayang-kagaya nga sa LA.

Sana binabangungot lang talaga ako huhu.

Ang tataray pa ng mga damit ng mga tao dito. Tinalbugan pa ata ang mga buhay do'n sa itaas and when I say sa itaas, literal 'yon kasi literal din kaming nasa ibaba.

Seryoso nga pala talaga sila na ang Tartarus, nasa underworld. Nung nasa laot pa kasi kami papunta dito, napagtanto kong may edge pala talaga ang mundo. 'Yon ang kung saan nagtatapos ang kalawakan ng karagatan.

Akala ko pa nga mahuhulog na kami dun pero lumitaw lang sa ere 'yong yacht hanggang sa may sumulpot na napakalaking pintuan sa harapan namin saka ito bumukas.

Nakalitaw lang kasi talaga 'yong pinto sa kalagitnaan ng dilim. Ewan ko nga lang talaga kung ano'ng klaseng halimaw ang nandoon sa paligid pero sabi naman ni Kams, mga dark monsters lang daw.

Gusto ko sana talagang tumalon para alamin kung ano ang mga itsura ng dark monsters pero sigurado daw na hindi na ako makakabalik pa kasi infinite fall daw do'n. Meaning, mahuhulog lang ako forever hanggang sa kainin ako ng mga nasabing monsters.

So ayon, pagkapasok namin do'n sa malaking pintuan, may daungan lang ng mga yacht saka na kami bumaba gamit ang elevator. Oo, mga paker! May elevator ang Tartarus kinginamers.

Binabawi ko na pala ang sinabi ko, may pagka bobo rin pala ako kaya habang naglalakad kami sa kung saan, nakahagod lang ako sa ulo ko. Ang magkaiba lang so far sa itaas ay 'yong kulay. Medyo nagiging black and white na kasi dito.

Nasa sidewalk kami dumaan na dalawa habang nakakasalubong ang mga kagaya ko rin ata. Andami kasing naliligaw ng landas ngayon kasi nga tatanga-tanga 'tong kinginang si "THAN". 'Yan lang daw itawag ko sa kanya para cool pakinggan. Leshe! Kung magpa-abs kaya siya diyan.

"So? Ano'ng masasabi mo dito?" Tanong ni Kams, umiling qko.

"'Wag mo akong kausapin. Wasted ako pukinginang 'yan."

"So haharapin mo si Cupid ng ganyan? Mahiya ka naman pwe!"

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. "SI CUPID? NANDITO?!" Hiyaw ko.

"Asus! Sabi na, eh. Pinagnanasahan mo rin pinsan ko. Ang landi lang!" Muli siyang umirap. "Reminder lang, Cupid is already married."

"Alam ko, abough! Ano'ng tingin mo sa akin? Hindi nakikinig sa school? May lesson kaming Cupid and Psyche noon, noh!" Pagmamalaki ko.

"Malay ko bang nakikinig ka?"

"Judgemental fota." Pagmumura ko kaya nakatanggap ako ng iconic kutos mula sa kanya.

"Alam mo ba'ng ayaw ni Hades sa mga nagmumura? Kahit dyos 'yun ng kamatayan, very good parin 'yon. A+ 'yon lagi sa GMRC."

Napangiwi nalang ulit ako. "May GMRC din kayo dito?!"

"Aba siyempre! Ako nga, eh. A+ din." Pagmamalaki niya pa.

"Nagmumura ka tanginamers! 'Wag moko bolahin!"

"Iniscam ko card ko, manahimik ka! Mapapatay ako ni mama 'pag naging F ako do'n."

And for the I don't know how many times around, napatakip ako ng bibig sa gulat. "MAY MAMA KA?!"

Tinignan niya ako ng nakataas ang dalawa niyang kilay. "Ano'ng tingin mo sa mga dyos, halaman na basta-basta nalang tumutubo sa tabi?! Siyempre, may mga magulang din kaming mga dyos at dyosa."

Bigla siyang tumigil sa paglalakad saka iniharang ang braso niya sa akin kaya napatigil din ako.

"Oh? Ano na naman?" Inis kong tanong.

"Red pa ang light."

Nagtaka ako sa sinabi kaya tinignan ko nalang 'yong tinitignan niya at napaboompanes nalang ulit nang makita ko 'yong traffic light.

Gusto ko ulit magulat pero later nalang. Iipunin ko muna para all out na.

"Medyo malayo-layo pa 'yong bahay namin dito kaya mabuti pa'ng mag taxi nalang tayo." Dagdag niya pa.

Walang gana akong napangiti. "Ngayon mo lang naisip. Ang galing."

"I know."

Nag taxi nga talaga kami. Mahaba-haba din 'yong byahe kaya medyo inantok ako. Buti nalang nakarating na kami bago pa ako makatulog.

"Keep the change." Sabi ng kasama kong gagu sa driver ng makalabas kami.

"Salamat, master Than." Sagot naman nung driver.

Sanaol, master! Monster kamo, kuya.

Nahuli niya akong nginingiwian siya kaya nakatanggap na naman ako ng batok. Anak ng shuta talaga, oo. Sadista masyado.

"Ugh! Nakakarami ka na, ah." Ungol ko habang himas-himas ang natamaan. Hindi naman ako nakaganti at agad siyang nawala sa pananaw ko.

"Holy shet!" Bulong ko nalang nang tumambad sa akin ang higanteng gate paglingon ko.

Sobrang lawak at taas nito to the point na halos 'di ko na makita ang end points. Made of gold pa talaga, mga kababayan.

Napasinghap ako't may biglang kumalabog mula sa itaas sunod ang pagkahulog ng puting ibon sa harapan ko. Agad naman itong nakatayo't gumewang-gewang sa paglalakad.

Tanga pala ibon nila dito.

Agad kong itinakom bibig ko bago pa ito matangkas.

"Welcome back, Thanatos! Son of Erebus and Nyx."

Napatakip ako ng tainga nang may umalingawngaw na napakalaking boses galing sa kung saan. Maya-maya pa't may isang nilalang na naglanding sa gitna namin ni Kams.

Mas matangkad ito ng ilang talampakan sa kanya at potangina bakit ang hot niya?! SINO ANG NILALANG NA ITO?!

Bukod sa pakpak na nasa magkabila nitong sentido at sa suot-suot niyang violet na parang night gown, ang iba, perfect na. Ang haba ng kulay violet niyang hair at halatang alagang Myra-e si koya at ang kinis-kinis ng balat.

Nakikita ko na halos ang reflection ko't ang kintab-kintab!

"I told you to stop with the introduction, Hypnos!" Matabang na sita ni Kams na siyang ikinagulat ko naman.

Did he just say Hypnos?! The god of sleep?!

Napailing-iling ako sa sobrang mangha. Totoo pala talaga siya? Silang lahat?! KAILANGAN KO NA TALAGANG MAKITA SI CUPID! USO NAMAN DIVORCE NGAYON, EH. AANTAYIN KO SILANG MAGHIWALAY NI PSYCHE.

"I'm sorry, Than. Your twin brother just missed you so much." Sabi nung hypnos saka niyakap si Kams.

Anak ng bayawak twin brother, daw?!

"Why are you disguising yourself as a human again?!" Dagdag pa nito habang titig na titig kay Kams.

"I lost my scythe and so things happened."

"I'm sorry. You lost your what, now?" Gulat na tanong nito.

"Don't worry, everything's under control. She's here to help.'

Bigla akong tinuro ni Kams kaya bahagya akong napaatras.

Tinignan din kasi ako ni Hypnos saka nilapitan. Hindi ko maiwasang hindi masindak at hanggang siko niya lang ako sa sobrang tangkad niya.

"Oh." Panimula niya saka ngumisi ng pagkalawak-lawak. "Holy mother of Titan's! Look who we got here." Nilingon niya si Kams. "Sharmaine's only granddaughter."

Umirap si Kams. "Don't even go there!" Matabang nitong sabi. "I thought you were with mother. I heard she has been looking for you for days. What the hell have you been doing?"

Ngumuso si Hypnos na kasalukuyang nilalaro ang buhok ko.

"I fell asleep in Asphodel and was unable to wake up for three days. You know my curse."

"Which is really ironic. Zeus should really stop messing with our lives."

Ewan ko kung ano'ng pinag-uusapan nila't wala rin naman akong pakialam kasi nga mas tutok ako sa pag b-braid ni Hypnos sa buhok ko. Nilagyan niya pa talaga ng violet flowers sa likurang bahagi.

"Geez! Leave her alone and get out of my face. Ares might want to see you in his realm." Sita ni Kams kaya bahagyang napalayo si Hypnos.

"Haha now that's what I missed." Nakangising sabi nito. Halatang nanginginis pero nanatiling blangko ang mukha ni Kams. Binalingan niya ako't ginulo buhok ko. "See you around, human."

Hindi gumalaw 'yong pakpak sa magkabila niyang sentido pero bigla nalang siyang lumutang sa ere at lumipad papalayo.

Kumunot noo ko habang pinagmamasdan siya.

"Ah... Ako lang ba o talagang gumegewan-gewang siya sa ere?" Tanong ko to no one in particular.

"Hypnos has a sleep disorder. You call it narcoleptic in the human world." Sagot ni Kams kaya agad akong napatingin sa kanya sa gulat.

"I know. That's what I meant earlier. That was his curse for abusing his power hundreds of years ago."

Hindi na ako nag salita kasi agad na siyang tumalikod. Sumunod narin lang ako at kamuntikan nang maiyak nang makita ko ang loob.

Mayaman kami, oo. Pero never in my entire life akong nakapaglakad sa daang made of Ruby at never kaming nakapagtanim ng mga bulaklak na diamonds ang pollen at higit sa lahat, mansyon ang tinitirhan namin pero hindi ito 'sing laki ng mansyong nasa harapan ko ngayon na made of Emerald and Jasper.

Medyo dim ang paligid kaya pansin kong 'yong mga kumikislap na parang light bulbs sa tabi-tabi na sa tingin ko ay mga alitaptap.

"Those are pixie dusts actually." Sabi ni Kams na akala mo'y nababasa ang iniisip ko.

Sabi ko nga, eh!

Hindi naman na ako nagulat pa kasi sa dinami-dami na ng nadiscover ko ngayon, nawalan na ako ng ganang mamangha.

Nang makarating kami sa harapan ng napakalaking divided doors ng mansyon, nagbukas agad ito at sumalubong sa amin ang napakaraming maids na naka hilera sa magkabilaang side ng pintuan.

"Welcome back, Master Than."

Kahit anong gawin ko, hindi ko parin talaga maiwasang hindi mamangha at may mga diamonds lang namang nakasabit sa laylayan ng mga suot nila.

Nice! Very nice!

Nagsara 'yong pintuan sabay ng pagsalita ni Kams.

"There will be some changes in this house from now on." Panimula niya. "Starting this very moment, this woman right here," tinuro niya ako. "Will going to be the bride. Therefore, treat her right."

Napaamang ako sa sinabi niya bago ko siya tinignan ng masama.

"Pinasasabi mo?!" Sigaw ko pero hindi man lang niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita.

"No changing of forms when she's around: no using of magics, no supernatural thingies. Are we clear?"

"Yes, master." Sabay na sabi ng mga maids at pagkaalis na pagkaalis nila, sinipa ko siya sa sapatos.

"Hoy! Anak ng pukinang gala ka. Wala sa job description ko ang maging bride mo! Pumunta ako dito para makabalik sa katawan ko, hindi ang maging ina ng mga anak mo char!" Singhal ko pero tinignan niya lang ako na para bang wala siyang planong magsalita.

"Potangina hoy!" Pagmumura ko pero wala parin siyang imik at naglakad na papalayo. Siyempre, hinabol ko siya.

"HOY! NAGSASALITA PA AKO 'WAG KANG BASTOSβ€”" napatigil ako nang huminto siya sa paglalakad at bumangga mukha ko sa likuran niya.

Himas-himas ko pa mukha ko nang harapin niya ako.

"When I said bride, I didn't mean it for you to become my wife." Walang emosyon niyang sabi. "You will become my human scythe whether you like it or not."

Muli siyang tumalikod at muling naglakad papalayo. Sinundan ko nalang siya ng tingin habang nanatiling nakaamang.

Hindi ko naman gets 'yong human scythe na sinasabi niya at wala akong balak na alamin 'yon. Ang hindi ko lang gets ay ang biglaang pagbago ng mood niya.

Simula nung makarating kasi kami dito, parang unti-unti siyang nagiging seryeso. Hindi ko nga nakitang ngumiti 'yon ngayon. Hindi ko naman din alam na may mood swings pala si serr.

Napairap nalang ako't sumunod muli sa kanya. Walan nagsasalita sa aming dalawa habang binabaybay ang napakalawak nilang pasilyo. Sa sobrang lawak, eh, pwede na itong daanan ng limang teenwheelers ng sabay-sabay.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa napakataas nilang pader na kulay maroon. Puno din kasi ito ng naglalakihang picture frames. Wala akong kaalam-alam kung sino ang mga 'yon pero sure naman akong family sila ni Kams.

Hindi narin ako nagtanong pa at marahan nalang na sumunod hanggang sa huminto siya sa harap ng malaking pintuan na nasa pinakadulo ng pasilyo.

Wala parin siyang imik kahit na nung makapasok na kami sa loob na muntikan ng ikinabasag ng mga mata ko.

Five star hotel ata 'tong napasukan ko!

Madilim ang silid kaya litaw na litaw 'yong mga alitaptapβ€”pixie dusts pala. Nakakalat sila sa buong paligid at siyang nagsisilbing ilaw.

"Wow! JUST WOW!" Nakatakip ang isa kong kamay sa bibig ko habang nakacross naman 'yong kabila.

'Yong pinipigilan kong mangha kanina, finally, nailabas ko na at agad na sinuri 'yong paligid at pilit na dakipin ang mga pixie dusts.

Tumakbo din ako sa balcony at mas lalong namangha nang makakita ako ng garden maze. Kahit na medyo angat itong kinaroroonan ko, sa sobrang lawak nito, 'di ko parin makita 'yong gitna.

Madilim na ang paligid pero maaliwalas parin dahil sa mga pixie dust.

Tumingala ako pero wala akong mahanap na buwan. Clear night sky lang talaga with no stars at all. Nakakapangilabot!

Humarap ako kay Kams. Nananatili paring blangko at walang kwenta ang expresyon ng punyeta kaya napaismid nalang ako.

"Alam mo, kanina pako badtrip sayo! Kanina ka pa walang imik diyan, eh, hindi na nga lang ako kumibo dun sa biglaan mong pa-bride." Asik ko pero ayon, tinitigan niya lang ako saglit saka umiwas.

"We will meet Hades before the fireball rises until then… stay here." Malamya niyang sabi.

"Tsk! So anong oras pala magrarise ang fireballβ€”teka anong fireball?" Ngiwi kong tanong.

Tinignan niya ulit ako habang nakatabingi ang ulo. Sinukat niya ako ng tingin na para bang ang tanga-tanga ko saka siya tumalikod at naglakad paalis.

"Figure it out." Mahina niyang sabi.

Nagitla narin lang ako nang biglang sumara 'yong pintuan nung akma ko siyang susundan.

Gusto kong atakihin sa puso at himatayin kaso wala namang nangyari! Sa sobrang sabog ko kasi sa mga nalaman at na experience ko ngayon, gusto kong iwasiwas lahat ng mga gamit dito sa loob ng kwartong kinapapasukan ko kaso baka pagbayarin ako, wala akong dalang cash.

Humugot ako ng hininga saka lumapit sa kama't nahiga.

"Ang lambot shet!" Matinis kong bulong.

Inipatong ko ang kamay ko sa noo saka mariing pumikit.

"Ang weird ng panaginip na 'to." Bulong ko hanggang sa nawala na ako sa huwisyo.

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: AzTruyen.Top