Chapter 2
[A/N] This is your pretty author saying na lahat po na meron sa estoryang 'to ay ideya ko lang po lahat pero kung may kahalintulad man ay coincident lang po ang lahat.
Troll story lang po talaga ito kaya hindi po ako sure sa plot. Lahat lang kasi ng iniisip ko, isinusulat ko lang agad hehe. So don't expect too much. Masasaktan lang kayo, naks! Hahaha
So anyway, basa na.
______________
"ANO?!" Sigaw ko kaya napalayo siya ng kaunti sa akin.
"Oo nga sabi, eh!" Pikon niyang sagot kaya muntikan na akong maiyak.
Tinignan ko nalang sina mommy at ang iba kong close friends habang nakatingin din sa katawan kong nakaratay sa kama.
Ang daming ikinabit na tubo sa katawan ko kaya maslalo pa akong muntikang maiyak. Supposedly, mamamatay na raw kasi talaga ako buti nalang at tanga-tanga 'tong 'di naman ke-poging si kamatayan at nawala niya 'yong karit niya.
'Yon lang kasi 'yong bagay na makakapagpabawi at makakapagpabalik sa espiritu ng isang tao kaya ang labas, andaming gumagalang kaluluwa ngayon dito.
Walang gana kong sinukat ng tingin si kamatayan na parang tangang nakikipag-usap sa mga kaluluwang naliligaw ng landas.
Ang laki pa ng halakhak kung tumawa ang animal. Kita pa talaga ngala-ngala.
Yes, siya si kamatayan! 'Yong kamatayang laging ikinukwento ni grandmom sa akin noon na may abs daw! Na gwapo daw! Na matipuno daw! At lahat na! Siya 'yon!
Pero 'yong description ni grandmom kanya, bakit di ko nakikita?
Ano'ng kahibangan ito?!
"Uy, friend. Hi!" Bati pa sa akin ng isang kaluluwang lalaki habang kumakaway at nakasakay sa wheel chair. Napangiwi ako't kumaway nalang din.
"Ang tanga kasi, eh." Pasimple kong sabi.
"Eh, bakit? Gusto mo na ba talagang mamatay?"
Napasinghap ako nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko.
"Bwesit ka! 'Wag mo akong ginugulat. Ibalik mo na ako sa katawan ko, now!"
"Kung makapag-utos 'to akala mo nama'y nagpapalamon sa akin." Pagtataray niya habang kinakain 'yung kaluluwa ng grapes na nakalagay sa bedside table ng isang pasyente.
Yes, kaluluwa lang ng grapes 'yong kinakain niya't isa-isa itong nabubulok.
Nasapo ko nalang ulo ko't bigla itong bumigat sa dami ng mg impormasyong nalikom ko sa loob ng dalawang oras.
Agad din namang inilipat 'yong katawan ko sa ICU at sobrang hina na daw ng tibok ng puso ko. Sabi naman ni Kams, normal lang daw 'yon kasi hiwalay kaluluwa't katawan ko.
SAANG PARTE BA DUN ANG NORMAL?!
Nakatunganga lang ako sa tabi ng aking katawan. Sa kabila ng trahedyang kinakaharap ko ngayon, 'di ko parin maiwasang hindi sambahin ang kagandagan kong taglay.
Hindi pwedeng hindi magkaroon ang mukhang 'to ng successor. Kahit si Tanaka, okay na. Mala dyos din naman mukha nun, gawa nga lang sa bakal ampotek!
"Maga pa 'yan, ah." Pagmamalaki ko kay Kams na nasa tabi ko lang din.
"Ah okay. So, anyway. Hanapin na natin karit ko."
Napakagat nalang ako ng labi at baka masuntok ko na siya sa ribs.
"Hanapin mong mag-isa!" Bulyaw ko saka ibabato sana sa kanya 'yong unan sa tabi ko pero laking gulat ko nalang at 'di ko ito mahawakan.
Ah talaga ba?!
Napahilamos nalang ako ng mukha sa inis. Tumataas na altapresyon ko punyeta!
"Oh siya! Saan ba natin hahanapin karit mo, serr?" Pilit kong pagkalma sa sarili ko.
"Nakita ko na siguro kung alam ko." Pasimple niyang sabi.
UTANG NA LOOB!
"Nakakarami ka na, ah!" Duro ko sa kanya. "Kung alam ko lang talagang cheap pala ang taste ng grandmom ko sa mga lalaki... naku!" Umakto pa akong pupunitin 'yong mukha niya sa sobrang gigil.
"Hoy, excuse me! 'Di lang ako nakapag work-out ngayon kaya shut up!" Irap niya pa. "May six pack abs talaga ako noon no'ng time pa namin ng lola mo pero siyempre, mabigat bitbitin kaya isa lang dinadala ko."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko tumaas lahat ng balahibo ko. "Ehw!" Sabi ko nalang saka umaktong susuka.
"Ay siya! Ang ganda-ganda kaya ng lola mo noon. Hindi ka nga nangangalahati kaya 'wag kang feeling diyan aba!"
"Manahimik ka pakyu!" Pagmumura ko nalang saka pumunta sa kabilang banda ng kama't baka maihampas ko na sa kanya 'yong metal table sa tabi ko kanina.
'Di rin naman kasi ako makapagreact kasi totoo naman. Chicks kasi talaga grandmom noon at kahit masakit mang aminin, mas maganda talaga siya kaysa sa akin, aist!
"Seryoso na. Ano ngayon ang mangyayari sa akin at sa mga kakuluwang stuck ngayon dito?"
"Hmm..." tinapik-tapik niya baba niya at kunwaring nag-iisip. "Actually, may dalawa talagang patutunguhan ang mga kagaya niyo, eh. Kapag hindi ko parin nakita ang karit ko within thirty nine days, 'yong may malalaking kasalanan ay diretso na agad sa impyerno habang 'yong okay-okay lang, pwede paring manatili dito until hindi pa gumigive-up 'yong mga mahal mo sa buhay diyan sa katawan mo."
"So problema nga pala talaga yang karit mong shutacca!!" Untad ko nalang.
"Kung gusto mo pang makabalik ulit sa katawan mo, eh, 'di malamang oo. Common sense, ganun."
Ugh! Magpigil ka nalang muna Khione Sy. Kailangan mo ang paker na 'to para makabalik ulit sa katawan mong dyosa.
Ayos lang sana kung sure akong sa langit patutunguhan ko, eh, makasalanan akong tao kaya surebol na.
Humugot nalang ako ng napakalalim na hininga saka siya nginitian.
"Do you have any idea where we should start searching, at least?"
"Wanko." Pasimple niyang sabi saka itinusok 'yong tinidor sa pwentan ng adobong manok na nasa platong hawak-hawak na niya.
Nak ng! Saan ba nanggaling 'yan? Hindi ko man nga lang napansing umalis siya sa kinatatayuan niya.
"Kasi kapag alam ko naman siguro, nakita ko na, 'di ba? Common sense nga kasi, diba?"
Binuhat ko nalang 'yong kama sabay hampas sa kanya pero syempre, imagination ko lang 'yon.
"Ang tinutukoy ko kasi kung saang lugar mo 'yon huling nahawakan sa naaalala mo lang?!" Sabi ko habang nagpipigil ng galit. Nanginginig na ako sa totoo lang. Ang sarap na niyang basagan ng tiles sa noo!
"Hmm... sa pagkakaalala ko, sa Tartarus."
Napaawang bibig ko. "T-Tartarus? 'Y-yong l-lugar kung saan nawawala 'y-yung mga sailors?" Nauutal kong tanong at tumango naman siya.
"Tama! Doon nga. Alam mo pala ang lugar na 'yon?" Gulat niyang tanong saka pumalakpak. "Amazing!"
Napakurap-kurap nalang ako ng mawala ba naman 'yung platong hawak-hawak niya kanina.
Isang pasabog nalang ata, puputok na litid ko sa leeg.
"O-oo. Alam ko ang lugar na 'yon. Doon nawala si granddad. 'Yong asawa ni grandmom na kalandian mo noon." Prente kong sagot habang tumango-tango.
"Ahh! Si Hulyo, ba?" Tanong niya kaya nagulat ako.
"Kilala mo siya?" Gulat kong tanong.
"Aba, siyempre! Siya kaya ang lalaking nakatadhana sa lola mo."
H-ha?
"P-paano mo nalaman?"
"Pinsan ko kasi si Kupido. Niyari ko 'yong libro niya noon kung saan nakalagay ang mga nakadestined para sa isa't-isa. 'Yong red strings of love? Alam mo 'yun?"
"ANAK NG PUCHA! TOTOO DIN SI CUPID-ARAYKU!" Ungol ko nalang nang tumama sa noo ko ang isang piraso ng ubas.
Binato ng shuta! Saan na naman kaya niya 'to kinuha?
"Palamura ka, bad 'yan!" Panenermon niya pa. "So, ayon nga! Tinignan ko kung sinong nakatadhana sa lola mo. Umasa akong ako talaga pero hindi kung 'di 'yong Hulyo na 'yon." Nakamasid lang ako sa kanya habang tumutungga ng red wine.
Ayoko na! Natutunaw na utak ko. Ayaw ko nalang isipin. Kapagod ma shock.
"Nalaman ko nalang din na hindi pala pwedeng magkatuluyan ang mga tao at mga dyos no'ng sinabi ni Cupid sa akin."
"'Di ba asawa ni Cupid si Psyche? Diba tao siya?"
Umiling ang ugag. "Demi-god na siya ngayon. Venus made her one."
"Venus?" Napatakip ako ng bibig.
Totoo din siya? As in si Aphrodite?
Parang gusto ko nalang himatayin sa dami ng nalaman ko pero mas gusto ko silang mameet saka makipagselfie kahit kay Cupid lang!
Gusto ko ring malaman kung nagdadiaper ba talaga siya habang may dala-dalang pana! Gusto ko rin talagang malaman kung mabakat ba siya at may abs at v-line!
Pashnea! Kailangan ko pala talagang kaibiganin ang animal na Kamatayan na 'to.
"So? Kams! Simulan na nating hanapin karit mo, tara?" Magiliw kong saad habang ngumingisi ng pagkalawak-lawak.
"Kams?" Kunot-noo niyang tanong.
"Kams! Short for Kamatayan, common sense. Ganun." Paggaya ko sa tono ng kanyang pagsasalita.
"Bakit parang ayaw kong makipag-usap sayo?" Umirap pa siya. "Saka hindi naman talaga kamatayan pangalan ko."
"Ano pala?" Mabait pero plastik kong tanong.
"It's Thanatos." Pag-eenglish ng paker. "Ako 'yong nag-aaccompany ng mga katulad mong patay sa papunta kay Hades."
At muli na naman akong napatakip ng bibig. SHNEA! TOTOO DIN SI HADES? I KENNOT DIZ ANYMORE!
"Tara na sa Tartarus!" Untad ko saka siya nilapitan at hinawakan sa pulso.
"Touching mo naman." Reklamo niya saka tinapik kamay ko. "Tara narin nga. Kailangan ko naring magbihis at nangangamoy buhay na ako."
"Kaya pala amoy patay dito." Panunukso ko kaya sumama tingin niya sa akin.
"'Wag mo akong kausapin."
Napapeace sign nalang tuloy ako. Gusto ko pang makita sina Venus, Cupid at Hades at siyempre, GUSTO KO PANG MABUHAY ABA."
Nakasunod lang ako kay Thantos nachos putos kutos habang naglalakad papuntang ewan hanggang sa marealize kong, nasa daungan na pala kami ng barko. Ang daming tao dito sa totoo lang pero dahil nga kaluluwa nalang ako, lumalagpas lang sila sa aming dalawa ni Thanatos piatos kaya hindi ko masyadong feel 'yong pagka over-crowded ng paligid.
"Uy! Anong ginagawa natin dito?" Taka kong tanong.
"Akala ko alam mo 'yong Tartarus?" Taas-kilay niyang tanong.
"Yes, naman! That was located on the edge of the earth across the hori-" natigalan nalang ako nang marealize ko kung saan kami papunta "-zon!"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Which means?" Napabuntong hininga ako.
"Lalangoy tayo papunta do'n?"
Inikutan niya nalang ako ng mata. Duh! Joke 'yun, leshe naman. Walang sense of humor pwe!
"So, ano sasakay tayo do'n?" Turo ko sa barko sa unahan.
"No. My ship." Pang-eenglish niya ulit.
Muntikan nalang tuloy akong atakihin sa baga nang biglang lumitaw ang isang yacht sa harapan namin. Nasa edge lang kasi talaga kami ng daungan kaya muntikan na akong mapahalik sa my ship niya!
"Pota, yacht kamo!" Pagmumura ko. "May pa ship-ship ka pang nalalaman diyan!"
"Ship talaga sakayan namin noon pero siyempre, kailangan din naming sumabay sa uso kaya yacht sportfish na gamit ko ngayon. 'Yung iba naman tri-deck o 'di kaya sedan bridge. Depende lang sa trip nila."
Napatakom nalang ako. At this point, I can no longer argue with him.
Pasimple niya lang akong sinenyasan na sumakay na kaya sumakay narin talaga ako. Bahala ng sabog utak ko basta makita ko lang si Cupid, tangina ayos na ako.
"Hi, ako si Kylie! Assistant ni Than."
"AY MALANTOD!" Hiyaw ko nang biglang sumulpot ang isang babae sa harapan ko't inabot ang kamay niya sa akin pero dahil snob akong tao, hindi ko siya pinansin at dumiretso lang sa tabi ni Thanatos piatos na nakaupo malapit sa stirring wheel.
"Si Kylie pala, assistant ko." Pag-introduce naman niya.
"Alam ko. Kakasabi niya lang, inulit mo pa." Pagtataray ko kaya napangiwi siya.
"K!" Inis niyang sagot saka na naupo sa may upuan malapit sa bow.
Naupo narin lang ako habang 'yong Kylie naman 'yung nagmamaneuver ng yacht.
"Kaano-ano mo 'yon?" Tanong ko saka nginuso-nguso 'yung feeling close na babae.
"I assumed na sinabi na niya sayo." Untad niya na hindi ako tinatapunan ng tingin. "Kasama ko na siya ever since ikinasal lola mo."
"Char! Nakapag move on kana kay lola dahil sa kanya, ganern?" Pag-uusisa ko kaya napalingon siya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.
"Kylie is thousand years older than me so no thanks?" Pag-eenglish na naman niya.
"Age doesn't matter, duh. 'Di mo alam ang saying na 'yon?"
"Maybe for humans, but for us, deities, it does! Kailangan kasi masmatanda pa 'yong lalaki kesa sa babae or else, we'll get cursed by the Olympians."
"'Yong utak ko wait." Sabi ko habang sinasapo ulo ko. Too much information in a day. Kahit mataas IQ ko, hindi ibig sabihin nun 'di na ako ma o-over information.
"So hindi kayo pwedeng magkagusto sa isa't-isa, gano'n?" Tanong ko ulit.
"Yeah." Pasimple niyang sabi. "Isa pa, Kylie is more like a big sister to me and she also sees me as her younger brother so love between us sounds impossible."
Hindi na ako nagtanong pa after. Hindi naman kasi ako interested sa buhay nila. Isa pa, hindi naman kagandahan babaeng 'yan kaya mas lalo akong nawawalan ng pake. Charot!
Ilang minuto lang ang lumipas at unti-unti ng dumidilim ang paligid. Saka ko lang din narealize, mahigit isang araw na pala akong hindi kumakain o umiinom man lang pero hindi naman ako nakakaramdam ng pagkagutom at pagkauhaw.
Ganito ata talaga 'pag patay na. Wala ng nafefeel naks naman.
"Just call me up after we pass through the sirens." Pasimpleng niyang sabi saka tumayo at naglakad pababa kung saan nandun ang mga rooms.
Naks! Malaki kasi talaga ang yacht na 'to. Ewan ko lang din kung saan nila 'to nabili kasi nga sumulpot lang talaga 'to sa harapan namin kanina. May pagawaan din ata ng yacht sa underworld. Tangina hanep!
"Teka nga? Ano'ng sirens pinagsasabi nun?" Taka kong tanong ng marealize ko 'yong sinabi niya.
"Sirens are dangerous creatures." Napatingin ako dun sa babaeng nagngangalang Kylie nang bigla siyang umeksena. "They lure sailors with their enchanting music and singing voices to shipwreck on the rocky coast of their island, Sirenum scopuli. And that's where we'll be passing through." Tinignan niya ako. "Their target? Just men."
"Ahh! Kaya pala umalis." Bulong ko nalang. "'Di pala ligtas pati si kamatayan do'n?"
"Hindi." Umiling siya. "Walang sinasanto ang mga sirena kung 'di mga kapwa lang nilang babae."
Tumayo ako't naglakad papalapit sa kanya para makadungaw sa dinadaanan naming puro tubig lang naman.
"So paano 'yong isang nasa ibaba? Baka mawala nalang 'yon bigla. Tumalon na pala kasama ng mga sirens chuchu na 'yon."
"Don't worry. His room is sound-proofed. He won't hear a thing from the inside."
Napatakip nalang ako ng bibig. Ewan ko kung pang-ilan na 'to at isang malutong na POTANGINA pala, ah! RK ang pashnea. Siya na talaga ang aking tunay na lodi!
"We're near the sirens' realm. Be ready! They're kinda picky with the new arrivals."
Ewan ko kung anong ibig-sabihin niya do'n sa picky. Kung dapat ko ba 'yong ikatakot or what?!
"And one more thing. When they ask you, never ever answer nor talk. They feed off through women's voices and even if you're already a soul, they can still drain you down."
"Akala ko ba friendship nila ang mga babae?"
"Being a human soul is on a different page."
"Ah!" Nakangiwi kong sagot.
Ang saya naman ng life ko nito, mga hangal!
Tumango nalang ako't ilang minuto lang ay nakakarinig na ako ng hums.
[ [A/N] play the media above.]
Maya-maya pa, may nakita na akong island pero iba ito sa nasa isipan ko. Akala ko kasi typical na island lang ito gaya ng mga islands na napupuntahan ko pero ito sobrang iba. It's indeed an island but made with wrecked ships!
They looked like pirate ships dahil sa skull flags na nakasabit sa mga ito. 'Yung iba, halatang sobrang luma na dahil sa mga designs nito.
Palapit kami ng palapit sa island, palakas ng palakas naman 'yong hums hanggang sa makapasok na talaga kami.
"Tangina! Nakakatakot dito." Pagmumura ko. Nakakapangilabot kasi talaga 'yong mga boses na naririnig ko hanggang sa nagsisisulputan na talaga sila.
I was expecting The-Little-Mermaid like creatures but then again, they're sirens. They are indeed monsters!
From afar, mapagkakamalan mo silang seal na may seaweeds sa ulo pero sa malapitan na, they really look horrifying. Gawa sa tubig ang hibla ng kanilang mga buhok. Magkahalong blue at green 'yong kulay ng kanilang balat, or should I say, kalikis na nakadikit mula dibdib hanggang buntot.
Pero in fairness, ang ganda ng kulay ng buntot, rainbow.
What's really bothering me are the fins as their ears. Bilog lang din 'yong mga mata nila na parang mga pulang perlas kung tignan. Their noses are flat as hell. Parang mukha lang tas may dalawang butas pang respeto para makahinga naman.
They don't have teeth but rather fangs and most of the times naka buka lang ang mga bibig nila. With matching smirk pa yan ampota.
"Hey! Where's Thannnn~?" Pa-hum na tanong ng isang sirena. Muntikan na tuloy akong matawa.
Ang ganda ng boses, ampanget naman.
Hindi sumagot si Kylie at patuloy lang sa pagmamaneho. Medyo namamawis na ako't parami sila ng parami habang pinapalibutan 'tong yacht.
"Oh~we have a new woman hereeee~."
Kagaya no'ng una, pa-hum ding nagsalita 'yong isa pang sumulpot saka ako tinuro.
"I wish she's a food but we can't eat womeeeen~" Dagdag pa no'ng isang sumulpot.
Nakasunod lang sila sa amin at paulit-ulit na tinatanong kung saan si Piatos at dahil pikunin akong tao, sa kasamaang palad, nakapagsalita ako!
"WILL YOU, PLEASE, SHUT THE FREAK UP?! Antitinis ng boses, kala mo naman kegaganda talaga! I don't care if you feed off me, just shut up-"
Napasinghap ako't napahawak sa dibdib nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo't parang sumikip dibdib ko.
Sa joke lang 'yon, eh!
Nanlaki mga mata ko nang may makita akong asul na usok na dahan-dahang lumalabas sa katawan ko't muntikan na akong matumba, buti nalang at agad akong nahawakan ni Kylie. Hinawakan niya lang din 'yong noo ko saka lang ako nakahinga ng maayos.
Nawala na rin 'yong asul na usok.
Sinamaan ako ng tingin ni Kylie saka ako inalalayang makaupo. Papalabas na kami ng naturang island nang marinig ko na naman ulit ang mga pa-hum na tawa ng mga sirena.
"Thanks for the energy food, suckerrr~!" Kantyaw nila at kahit pa gusto ko silang pagtatalunan at isa-isang sakalin, hindi ko magawa kasi sobra akong nanhihina.
"That's what you get for being so jumpy. I expected a lot from Sharmaine's descendant." Napatingala nalang ako at nakita ko si Piatos na nakatayo sa harapan ko.
"'Wag mo kamo akong ini-English!" Reklamo ko saka dahan-dahang tumyo. "Hindi naman naubos energy ko kaya 'wag kang OA."
Tinignan niya lang ako ng seryoso. "Hindi nga naubos enerhiya mo pero nabawasan naman araw mo." Pagtataray niya sabay abot sa akin ang isang pocket watch. "May 35 days ka nalang para mahanap ang karit ko."
"Five days nawala ko?!" Gulat kong tanong. "At teka! Tutulungan mo ako na hanapin karit mo, 'di ba?"
"Depende. 'Pag 'di ako tinamad." Kaswal niyang sagot. "Wala naman akong pakialam sayo, eh. You can go to hell for all I care!"
Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya kaya nasuntok ko siya sa bagang saka itinapon sa dagat sabay pakyu.
"INAMO KA! LUNUKIN KA SANA NG SHARKS!"
At dahil humiyaw 'yong si Kylie, pati siya, itinapon ko rin.
BαΊ‘n Δang Δα»c truyα»n trΓͺn: AzTruyen.Top