제 7화/ Episode 7
a/n: So, I added a YouTube link for you guys to listen to. Diyan ko lang naman nakuha ang title nito. Hehehe. Actually, nakagawa na ako ng playlist sa Spotify ng mga kantang ginawa kong inspirasyon sa nobelang ito. Hindi ko lang alam kung puwedeng mag-share ng link dito sa Wattpad.
CHAPTER SEVEN
WALANG traysikel na naligaw. Kalalabas ko lang ng simbahan. Maagang umuwi si Roxanne kanina dahil sumama ang pakiramdam niya kaninang tanghali. Mukhang wala akong choice kundi ang maglakad hanggang sa main road nito.
Mukhang maaga pa naman. Ano kaya ang kakainin ko mamaya sa hapunan? Dadaan na lang ba uli ako sa plasa para bumili ng makakain? Tinatamad akong magluto. Mukhang hindi ko na naman makakasabay maghapunan sina Roxanne at Nicole.
Mag-ramen na lang kaya ako?
Habang nagsisimula na akong maglakad ay kinuha ko ang cell phone sa bag ko at tinawagan ang kapatid ko.
"Yow, Ate, wazzup?" bungad ng kapatid kong si Seanne.
"Kailan mo ba ibabalik ang cab ko? Sa 'kin pa rin ba nakarehistro 'yan?"
"Uy, grabe siya. Malamang! Marami lang kaming pinupuntahan."
"Sabi mo, isang linggo lang sa 'yo 'yan. Anong petsa na? Katatapos ko lang magsimba, gusto mo bang pagbantaan ko na agad ang buhay mo?"
Tumawa si Seanne.
"Oo na. Ihahatid ko riyan bukas. Siya nga pala, ano na? Kailan tayo mag-a-out-of-town?"
"Sa susunod na buwan na lang. Hindi ko pa naaayos ang schedule ko."
"Hayan ka na naman, e," ingos niya.
"Totoo na nga. Alam mo namang bago pa 'tong mga kliyente ko—" Nang malapit na ako sa intersection ng subdivision ay may sumulpot na lalaking nagdya-jogging sa unahan.
Sumikdo ang puso ko nang makilala ko si Yuan. Tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo kaya hindi ko na rin naisip na tawagin siya. Nasaan na ba ako?
"Kailangan kong magpa-impress sa kanila," sabi ko na lang, nang may kaunting panghihinayang, nang makalampas na ako sa intersection at mawala na sa paningin ko si Yuan.
"Next month, ha? Sabi mo 'yan, ha? Ako ang magbu-book ng flight natin. Pahingi na lang pera." Tumawa pa si Seanne.
"Gusto mo ilibing kita nang buhay?" pakli ko naman.
"Pareho lang tayong may childhood trauma. Hindi mo na 'ko matatakot pa." Humalakhak pa siya.
Sigurado talaga akong sa aming magkakapatid, siya ang may pinakamaluwag na turnilyo sa lahat.
"Ibalik mo ang sasakyan ko bukas, may pupuntahan kami ni Roxanne."
"Sige na nga. Bye!"
Bumuntung-hininga ako nang ibaba ko na ang phone ko.
"어디 가? 집에 가?" Where are you going? Are you going home?
Napigil ko ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ni Yuan sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay nagtatanggal siya ng ear pods. Ang guwapo naman ng taong 'to.
"Hmm?" sabi ko.
"Where's your friend?"
"Kanina pa siya nakauwi kasi sumama ang pakiramdam niya. Ikaw lang mag-isa?"
Tumango siya.
"응." Yes.
"Ah." Tumango ako. "Pauwi na 'ko."
"Let's hang out."
Gulat na napatingin ako sa kanya.
"Ha? Saan naman?"
"My place."
Bahagyang kumunot ang noo ko.
"Sigurado ka?"
"Yeah."
"Bakit?"
Nagkibit-balikat siya.
"I don't have many friends here."
"Ayos lang 'yan. Marami ka namang pera," pakonsuwelo ko sa kanya.
Natawa siya nang wala sa oras.
"진짜." Seriously.
Natawa rin ako.
"Sige na nga," sabi ko pa. "Marami rin akong gustong itanong sa 'yo."
Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at dinala sa gilid ng kalsada nang may humarurot na motorsiklo mula sa likuran namin. Pasimple akong tumikhim nang magulo ang sistema ko.
"뭐야?" What is it?
"A-a... Ga'no na nga ulit katagal na isinusulat ni Danson ang One Thousand Souls?"
Saglit lang na nag-isip si Yuan.
"About four years, I guess. You should have asked him yourself."
"Parang 'yon lang, iistorbohin ko talaga siya?" Gusto ko lang namang may mapag-usapan tayong dalawa. "Ang astig niya kasi ikaw ang ginawa niyang character reference kay Claymore."
Si Claymore ang isa sa mga main character ng One Thousand Souls at medyo hadlang sa misyon ni Sky. Isa siyang high-ranking na grim reaper at hindi siya maawain sa mga kaluluwa. Lahat na lang gusto niyang ideretso sa impyerno. Pero habang umuusad ang webtoon ni Danson, unti-unting ipinapakita ro'n kung bakit nagkaganoon ang character ni Claymore. At malaki ang kinalaman doon ng nabigo niyang pag-ibig no'ng nabubuhay pa siya.
"I don't think so," sabi naman niya.
"Kamukhang-kamukha mo kaya siya!" Napahagikhik na ipinakita ko sa kanya ang lockscreen ng phone ko. Picture iyon ni Claymore na hawak ang espada kung saan kinuha ang pangalan niya. "Kamukha mo talaga."
Nangunot ang noo ni Yuan nang tingnan niya iyon. Natawa ako. Kamukha talaga niya kahit anong tanggi niya.
"I'm more good-looking than that," sabi niya.
Totoo rin naman.
"Picture mo na lang ba ang ilalagay ko sa lockscreen ko?" Natigilan din agad ako sa tanong ko. Hoy, Sídh! Hindi pa kayo gano'n ka-close! "B-biro lang 'yon," agad na bawi ko. "Pero kung gusto mong totohanin, ayos lang din sa 'kin," bawi ko ulit.
Ano ka ba naman, Sídh? Kapag 'yan natakot sa 'yo!
Tumawa siya.
E, ano kung matakot? Sino ba'ng nagsabing gusto ko ng panibagong gulo sa buhay ko? Ang hirap-hirap na ngang mag-heal ng inner child, ano.
"Have you started on your revision yet?"
"Hmm?" maang na sabi ko.
"Hmm?" panggagaya niya sa 'kin.
Natawa ako nang wala sa oras.
"MAGLALAKAD lang talaga tayo?" tanong ko mayamaya nang lumampas na kami sa isang kanto.
"I did not have my car with me. Do you have a suggestion?"
"Nasubukan mo nang sumakay ng traysikel?" napataas ang kilay na tanong ko.
Umiling siya.
"아직요." Not yet.
"Ah." Saglit na nanulis ang nguso ko. "Kaya ko pa namang maglakad. Hindi pa naman ako pagod."
"What do you mean? I can try."
Umiling ako.
"Sa susunod na lang. Nag-aalala ako sa 'yo. Ang tangkad mo pa naman. Mauuntog ka lang. Hmm?"
"Neng, sa'n ka?" tanong sa 'kin nang nakasunod na traysikel driver.
"Kalye Keopi po?" sagot ko.
Tumango siya.
"Tara."
Hinawakan ko sa braso si Yuan.
"Halika na!"
"뭐?" What?
Sandali lang naguluhan si Yuan, pero agad din siyang sumunod nang hilahin ko siya papunta sa likuran ng traysikel. Bukas ang parteng 'yon kaya madali lang sumakay.
"Ingat, baka mauntog ka," paalala ko.
Nauna akong sumakay, at nang sumunod siya ay napasiksik ako sa gilid. Ang laking tao nga pala niya. Gusto kong magreklamo, pero nang makita kong halos nakabaluktot na siya ay mas lumamang ang awa ko.
"I can't breathe," sabi niya sa 'kin.
"Ako rin."
"잠깐만." Hang on.
Itinaas niya ang isang braso niya na nakadikit sa akin. Napaigtad ako nang ilagay niya 'yon sa likuran ko. Napasunod ako ng tingin ko nang nasa kabilang gilid ko na 'yon. Ang lagay ay parang nakaakbay na siya sa akin.
Lalo akong nahirapang huminga. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang maling ideya yata ang niyaya ko siyang sumakay sa traysikel na 'to!
Napahawak na lang ako sa mga tuhod ko at nagdasal na sana may ililiit pa 'ko para hindi mapadikit sa kanya. Nagpasalamat ako na umaandar na ang traysikel dahil baka marinig ni Yuan ang tibok ng puso ko.
Pero walang ano-ano ay dumaan sa hump ang sinasakyan namin. Dinig na dinig ko ang mahinang pag-aray ni Yuan nang tumama ang ulo niya sa buong ng traysikel.
"Naku po."
Napakurap ako at maski ako ay nagulat sa sarili ko nang makita kong nasa ulo na niya ang kamay ko.
"A-ayos ka lang?"
"Yeah."
Binawi ko ang kamay ko.
"Hindi bale. Malapit na lang naman tayo."
"I'm fine, Sídh-a." Bahagya pa niya 'kong nginitian.
Napabungisngis naman ako.
HINDI pa rin ako makapaniwala kahit nakapasok na kami sa unit ni Yuan. Napakagara n'on. Pagpasok namin ng pinto, tumambad agad ang maluwag na sala. Sa kanan ko naman, may dalawang pinto pa. Sa kaliwa, naro'n ang kusina niya. Ang pogi ng tirahan niya. Mana sa nakatira. Hi-hi.
Halos black and white ang motif ng sala, maliban sa kulay-gray na fur rug at kulay-kapeng mga kurtina.
"Do you mind waiting? I'll just take a quick shower," sabi niya sa 'kin.
Tumango naman ako.
"Puwede ba 'kong makigamit ng banyo?" tanong ko naman.
"Sure, go ahead." Binuksan niya ang isang pinto sa kanan. Mukhang ito ang guest room.
Kulay-kape rin ang mga kurtina sa kuwartong 'yon. Navy blue naman ang kama, ang mga unan, at comforter. Iminuwestra niya ang isang pinto sa harap ko.
"That's the bathroom." Binuksan niya ang isang drawer at naglabas ng tuwalya. "I supposed you need this."
Ito naman, nag-abala pa.
"T-thank you!" sabi ko nang tanggapin ko ang tuwalya. "Kaya ko na 'to."
Tumango naman siya at tumalikod na. Malakas akong bumuntung-hininga nang isara na ni Yuan ang pinto paglabas niya. Iginala ko ang paningin ko sa silid at sa tuwalyang hawak ko. Nakakatakot namang gamitin 'to. Baka dumikit ang lahat ng maduduming iniisip ko.
Umiling-iling ako.
"Kailangan mo ng matinding hilamos, Sídh."
Naghilamos ako nang husto at muling naglagay ng cream at lip tint. Itinupi ko na lang ang tuwalyang ginamit ko at ipinatong iyon sa kama paglabas ko ng banyo. Wala sa sariling napaupo at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
Ga'no kaya kayaman si Yuan? Ilang milyon kaya ang jackpot sa lotto ngayon?
Napahiga ako at pumikit. Parang puwede na sa 'kin ang ganito kalaking bahay. Basta tahimik at madaling i-maintain. Kung may kasama pang kasingguwapo at 'kasingkuwan' ni Yuan... Sino ba naman ako para magreklamo?
"Sídh-a."
Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Yuan. Nagmulat at tumingala ako mula sa pagkakahiga sa halip na bumangon. Sumalubong sa akin ang kumikinang niyang abs mula sa shower. Nakasuot naman siya ng makapal na bathrobe pero hindi iyon nakasara. Pasko na ba?
"Should we eat outside?"
Nahuli niya akong sa ibang parte ng katawan niya nakatingin.
"A—" Napangiwi ako nang sumakit ang leeg ko. Napabangon tuloy ako.
"What is it? Do you have another thing in mind?" tanong niya habang makahulugan ang tingin at ngiti sa 'kin.
"Wala. Ikaw ang bahala," sabi ko habang minamasahe ang leeg ko.
Hindi pa rin naaalis ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. Hindi napigilang mag-init ang pisngi ko.
"Hoy." Itinuro ko siya.
Umangat ang isang kilay niya. "뭐?" What?
"A-alam kong maganda ang katawan mo, pero kailangan mo ba talagang ibilad sa harap ko 'yan?"
Napuno ng buong-buong halakhak niya ang kuwarto. Halatang hindi rin niya inaasahan ang sagot ko. Ang sarap pagmasdan ng hayup.
"이렇게?" Like this?
Namilog ang mga mata ko nang buksan niya nang husto ang bath robe niya. Mariing naglapat ang mga labi ko.
Tumikhim ako at tinakpan ang mga mata ko.
"Kasisimba ko lang, Yuan. Maawa ka sa 'kin."
"미안." I'm sorry. Tumatawa pa rin siya. "Sure, let's eat outside." Pagkatapos ay narinig ko na uli ang pagsasara ng pinto.
Kahit wala na siya ay nakatingin pa rin ako sa pinto. Malakas akong bumuntung-hininga habang sapo ang kumakabog kong dibdib.
Sira-ulo kang Yuan ka!
BUMALIK uli kami sa Korean restaurant. Sabi ni Yuan, masarap daw ang Korean chicken barbecue ro'n. Hindi ko 'yon nasubukan kahapon kaya ngayon na lang. Masarap naman 'yong flavored chicken nila na t-in-akeout ko kahapon. Kapag nagustuhan ko, yayayain ko rito si Roxanne at si Nicole. Sabi kasi ni Roxanne gusto niyang subukang mag-dine in dito.
"Are you sure that's all you're going to have?" tanong sa 'kin ni Yuan nang dumating na ang mga order namin.
"Oo naman. Nagmerienda ako kanina sa simbahan kaya 'di naman ako gano'n kagutom." Napatingin ako sa isang side dish na katabi ng pickled radish. "Ano 'to, cucumber kimchi?" Kumuha ako ng isa gamit ang tinidor at tinanggl ang nakadikit na sesame seeds gamit ang isang piraso ng chopstick. Napatingin ako kay Yuan. Nakamasid siya sa ginagawa ko. "A, hindi ako mahilig sa sesame seeds," kaswal kong sabi sa kanya. Nang matanggal ko na ang mga linga ay isinubo ko 'yon. Kimchi nga. "Ngayon lang ako nakakain nito. Masarap pala," napangiting sabi ko habang ngumunguya.
Tipid lang siyang tumango at dinampot ang chopsticks niya. Tumunog naman ang cell phone ko na nasa bag ko.
"Excuse me. Baka si Roxanne 'to," sabi ko kay Yuan.
"Go ahead."
Tumayo naman ako at lumayo nang kaunti sa kanya. Saka ko sinagot ang tawag na galing nga sa kaibigan ko. "O, Roxanne?"
"Sídh, nakauwi ka na?"
"Hindi pa. Nandito ako sa labas."
"A, kasi bumuti na ang pakiramdam ko kaya naisip ko na baka gusto mong sumabay maghapunan sa amin ni Raffy kung nalulungkot kang kumain mag-isa."
"Gano'n ba? Mabuti naman. Pero okay lang ako. Dito na lang ako sa labas kakain. Ka-meet ko 'yong editor ko kaya baka mamaya pa 'ko makauwi." Hindi naman ako nagsisinungaling talaga kasi editor ko naman si Yuan at... may meeting kaming dalawa. 'Di ba?
"Ha? Weekend pa naman, a? Ang sipag naman niyang editor mo."
Alanganin akong tumawa.
"Oo nga, e. Pero, malay mo payayamanin niya ako, kaya pumayag na rin ako."
Tumawa naman si Roxanne.
"Sige, ikaw ang bahala. Ingat ka na lang sa pag-uwi."
"Thank you, Roxanne. Sige."
Nang bumalik na ako sa mesa namin ni Yuan ay napatigil ako. Nakita kong nakapatong na sa kanin ko ang mga pipino na wala nang sesame seeds. At 'yong sesame seeds ay nasa mangkok na ni Yuan. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Bakit parang maiiyak ako?
"그냥 먹어." Just eat up.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top