제 3화/ Episode 3

CHAPTER THREE

HABANG hinihintay si Yuan ay ang pagkain naman ang nilantakan ko matapos kong pumirma. Tuloy-tuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan pero hindi iyon kalakasan. Mukhang dalawang beses akong maliligo sa hapong 'to.

Mabilis kong naubos ang lasagna. At habang inuubos ko ang tirang cappuccino ay pinasadahan ko uli ng basa ang kontrata.

Ibang klase. Siya na nga ang may-ari, siya rin ang editor-in-chief.

"Are you done?"

Sumikdo ang puso ko sa bungad ni Yuan nang makabalik na siya.

"Tapos na," sagot ko naman.

"Any questions?" tanong niya pagkabalik niya sa upuan niya. Pinasandal niya sa salaming dingding ang nakatiklop na maroon na payong.

"Tungkol pala rito sa personalized book covers ng webnovels..."

"Yeah. Nagsi-set kami ng specific na style para mag-standout ang platform. Did you notice it?"

"Oo. Ang totoo, sobrang impressed ako," nakangiting tugon ko. "Ibig sabihin, kahit non-exclusive ang contract ko, applicable 'yon?"

"Of course."

"Galing!"

"So, are you going to sign exclusively with us?" nakaangat ang isang kilay na tanong niya.

Pinagdikit ko ang mga labi ko at tumawa.

"Malapit mo na 'kong makumbinse." Iniisod ko palapit sa kanya ang folder. "Maraming salamat, Yuan. Okay lang ba sa 'yo ang first name basis? Ngayon ko lang din naman na ikaw rin pala ang may-ari ng MuseFic."

"It's fine, and let's be friends, Sídh," sabi naman niya. Muli niyang inilahad ang kamay niya.

Agad ko naman iyong tinanggap.

"Welcome to MuseFic."

Welcome to my life, iyon sana ang gusto kong sabihin.

"Thank you." Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko. "Pa'no, kailangan ko nang umalis."

"Umuulan pa."

"Ayos lang. Marami pa kasi akong naiwang trabaho sa bahay." Pero ang totoo, gusto ko lang matulog para samantalahin ang malamig na panahon. "Ah, hindi pa pala ako nagbabayad sa kinain ko."

Yuan chuckled. "You're funny."

Naramdaman ko ang paglukso ng puso ko dahil doon.

"Salamat ulit," sabi ko na lang at tumayo.

Tumayo rin siya.

"Take this." Kinuha niya ang payong at iniabot sa 'kin.

"Ha?" Para akong timang na nakatingin lang sa payong. "Ah," alanganin akong tumawa, "baka masira ko pa 'yan."

"I insist."

Umalis siya kanina para lang kunin itong payong para ibigay sa 'kin? Saang nobela ba galing ang taong ito?

"Siyempre, tatanggapin ko 'to. Madali akong kausap," sabi ko naman at kinuha ang payong. "Thank you, Yuan. Ibabalik ko 'to, promise."

Ngumiti naman siya at iminuwestra ang pinto. Tumango ako. Tumingin ako kay Lally na busy sa harap ng laptop niya.

"Lally," tawag ko at kumaway sa kanya.

Lumapit si Lally sa counter.

"Balik ka agad, ha? Feeling ko, marami tayong mapagkukuwentuhan. By the way, welcome sa MuseFic."

"Thank you. Babalik talaga ako." Nagtaas-baba ako ng kilay.

Si Yuan pa mismo ang nagbukas ng pinto paglabas namin. Sinamahan din niya ako hanggang sa labas.

"Let me know if you have decided. I'm really looking forward to signing more of your stories with us," sabi pa niya sa akin.

"Ako rin. Don't worry. I'll let you know." Binuksan ko na ang payong.

I nodded at him. He nodded back. Pagkatapos ay tumalikod na ako.

Napabuga ako ng hangin habang papalayo. Napatingala ako sa payong. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"KUMUSTA? Buti may nakuhanan ka ng payong. Nakalimutan mong dalhin 'yong sa 'yo kanina," salubong sa akin ni Nicole. Nagkakape naman siya sa sala ngayon.

Ngiti naman ang tugon ko sa kanya.

"Pinahiram ako ng payong ng... editor ko. Ang guwapo ng editor ko. Feeling ko, mai-inspire akong magsulat araw-araw."

"Hindi nga? Lalaki 'yong editor mo?"

Humagikhik ako.

"Ang ganda ng mga mata niya. Parang nakita ko..." Huminga ako nang malalim.

"Ano'ng nakita mo?"

"Ang future ko. Charot! Magbibihis muna 'ko." Pumasok na ako ng kwarto.

"Hoy, Sídh! Ano'ng hitsura?"

MATAPOS ang ilang araw na pag-ulan, gumanda rin ang panahon. Matapos naming magsimba, nagpasya kami ni Roxanne na maglakad-lakad sa plasa para bumili ng makakain at maglibang-libang na rin dahil pareho pa kaming tinatamad umuwi.

"Nakakainis. Ganyan din 'yong tiyan ko dati no'ng hindi pa 'ko nahihilig sa Jollibee, e," ani Roxanne habang nakatingin sa tiyan ko.

Nakasuot ako ng gray na bodycon dress na hindi ko sana susuotin kaso, hindi pa nga natutuyo ang mga nilabhan ko dahil maulan nitong mga nakaraang araw.

"Walang nakaka-inspire sa tiyan na resulta ng poverty, Roxanne," sabi ko naman. Nakahawak ako sa strap ng backpack ko habang palinga-linga sa paligid. Parang gusto kong kumain ng pares ngayon.

"Dalas-dalasan mo ang pag-aayos ng ganyan para naman makabingwit ka rin ng lalaki."

"Ano'ng klase ng asawa ang lalaking sa katawan ng babae tumitingin? Kapag nasira ang figure ng misis niya, maghahanap siya ng iba?" Napangiti ako nang makita kong wala nang masyadong pumipila sa paborito naming bilihan ng pares at mami ni Roxanne na nasa kabilang bahagi ng kalsada. Bibili muna ako ng paborito kong iced caramel macchiato. Tamang-tama.

"Ewan ko. Tanungin natin itong poging mamang titig na titig sa 'yo."

Gulat na napatingin ako kay Roxanne. Mayro'n siyang tinitingnan. At sinundan naman iyon ng mga mata ko. Sumikdo naman agad ang puso ko nang makita ko si Yuan sa harap ng cart ng Kalye Keopi na ilang dipa lang ang layo mula sa amin. Nagtagpo ang mga mata namin. Mukhang kanina pa siya nakatingin sa amin. Napakurap ako.

Nanibago ako sa hitsura niya kahit ito pa lang ang pangalawang beses na pagkikita namin. Bagsak ang buhok niya. Nakasuot siya ng itim na muscle shirt at itim ding jogger pants. May nakasaksak pang puting bluetooth earphone sa tainga niya.

"Kilala mo ba 'yan?" bulong sa akin ni Roxanne nang magbawi ng tingin si Yuan.

"Hindi. Pero makikipagkilala ako," pasakalye ko naman.

"Galingan mo. Bibili lang ako ng melon juice do'n sa kabila. Sa paresan na lang tayo magkita."

"Sige, sige."

Hinintay ko munang makaalis si Roxanne bago lumapit sa truck ng Kalye Keopi.

"Hi," kaswal na bati ko sa kanya. Hi rin sa 'yo, muscle ni Yuan, sabi ko sa isip ko nang mapasulyap sa braso niya.

"Iced caramel macchiato, right?" tanong niya.

"Ha?" maang na tanong ko.

Nang ibaba ng crew ang bagong gawang iced coffee ay ibinigay niya iyon sa akin.

"Sabi ko lang naman, 'hi.'"

"Narinig kita. Just think of it as my 'hello.'"

Hindi ko napigilang matawa. O kiligin.

"Gusto mo ba palagi akong mag-'hi' kapag nakikita kita?"

"I'd appreciate it."

He'd appreciate it daw.

"Thank you. Ang swerte ko naman yata ngayong araw."

"Yuan, pare, let's go to your place na."

Napalingon ako sa nagsalita. May dalawang lalaking nakapang-jogging attire ang papalapit sa amin. May hawak silang tig-iisang coke float. Ang isa ay matangkad na payat na may salamin habang ang isa naman ay malaman ang pisngi. Halatang rich kid ang mga ito.

"Oo nga, man. Gutom na 'ko," sabi ng pangalawang lalaki.

"Pupuntahan ko muna ang kaibigan ko. Salamat ulit, Yuan," sabi ko sa kanya at bahagya siyang tinanguan.

"Let's keep in touch," sabi naman niya at kinuha ang order niyang ibinigay ng crew.

Tumalikod ako pero agad din akong napabalik nang may maalala ako.

"'Yong payong mo nga pala, bukas na lang, ha? Bye!" Hindi ko na siya hinintay na makatugon at agad na siyang iniwan.

Napabuga ako ng hangin nang makalayo na ako sa kanya. Nakita ko si Roxanne na nakaupo na mga mesa sa paresan. Habang papatawid ako ay hindi ko napigilang lingunin si Yuan. Papalayo na rin sila ng dalawa niyang kasama.

"Um-order ka na?" tanong ko kay Roxanne nang maupo ako sa tabi niya.

"Oo. Magkakanin ka rin, 'di ba?"

Tumango naman ako.

"Ano? Nakuha mo 'yong pangalan ng pogi ro'n sa Kalye Keopi?"

"Hindi. Suplado, e," napahagikhik na sabi ko.

Itinusok ko ang straw sa kape at uminom. Napahagikhik na naman ako.

"Ayos ka lang ba?" nakangiwing tanong sa akin ni Roxanne.

"Oo. Ang sarap-sarap ng kape ko, e."

NAPANGITI ako nang makita ko si Lally na abala na naman sa counter nang mga oras na iyon. Hindi kagaya no'ng nakaraan, may mga tao nang nagkakape sa Kalye Keopi.

"Hi, Lally," bati ko sa kanya. May isa pa siyang baristang kasama sa counter.

"Hi, Sídh! Bumalik ka!" nakangiting bati rin niya sa akin.

"Oo, kasi kailangan kong isauli itong payong ni Yuan."

"Alam ba niyang darating ka ngayon?"

"Ah, hindi. Ang plano ko, iiwan ko lang itong payong para dito na lang niya kunin. Okay lang ba?"

"Oo naman. Walang problema. Pero huwag mong sabihing aalis ka agad? Tumambay ka muna rito. Maaga pa naman."

Natawa ako.

"Iniisip ko nga 'yan kanina habang papunta ako rito. Wala naman sigurong masama kung mag-iced caramel macchiato ako uli."

Itinuro niya ako sa bakanteng mesa sa sulok ng shop.

"Do'n ka na lang umupo. May outlet diyan. Puwede kang magtrabaho."

"Alam na alam mo talaga kung ano ang kailangan ko."

Humagikhik lang si Lally.

Agad akong naupo sa malambot na upuan at isinandal sa dingding ang payong. Inilabas ko ang laptop ko mula sa dala kong crossbody bag. Napangiti ako nang makita kong may saksakan nga malapit sa paanan ng mesa. Nag-charge na rin ako.

Masarap ang lugar na 'to para sa pagsusulat, pero kailangan ko munang unahin ang mga files na ise-send ko sa kliyente. Bakit ngayon ko lang naisipang magpunta sa mga lugar na ganito? Hindi ko sana kailangang magtiis sa mga boses ng mga kapitbahay na parang araw-araw na lang may birthday kung mag-videoke.

"Sídh, ano'ng gusto mong partner ng kape mo?" tanong ni Lally sa akin mula sa counter.

"Isang bucket ng fries na lang. Barbecue flavor. Thank you!"

"No problem!"

Huminga ako nang malalim bago binuksan ang laptop ko. Hindi ko kailangang magmadali. I-enjoy-in ko ang sarap ng kape at ng lugar na 'to. Hehehe!

"SO, bukod sa pagsusulat, ano pang pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Lally habang papalapit siya sa mesa ko.

Napangiti naman ako.

"May kinalaman din sa pagsusulat. Nagsasalin ako," sagot ko naman.

"Interesting." Inilapag niya ang order ko at naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko. "Nagta-translate ka ng?"

"Ng kung ano-ano. E, ikaw?"

"Screenwriter ako, pero sa totoo lang, mas gusto kong magtimpla ng kape araw-araw. Kaibigan ko si Zephyr San Victores."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko si Zephyr San Victores. Crush na crush siya ni Roxanne dati.

"Ga'no na karami ang nagawa n'yong pelikula?"

Natawa si Lally.

"Si Zephyr, marami na. Pero ako bilang screenwriter, isa pa lang. Isang limited web series ang pinagkakaabalahan namin ngayon. Isang weekly romance anthology."

"Iyong The Taste Of Orange Sky?" Napasinghap ako. Iyon lang naman ang palabas na alam kong iba-iba ang episode linggo-linggo at si Zephyr ang nagdidirek. "Ikaw si Eulalie Romulo?"

"Pinapanood mo rin 'yon?" manghang tanong ni Lally.

"Ang totoo, si Roxanne ang may paborito n'on. Pinanood niya sa 'kin at sobrang nagustuhan ko." Natawa ako. "Dapat pala nagpapa-autograph ako sa 'yo, e. Ang astig mo." Kinuha ko ang cell phone ko sa bag ko. "Puwede ba tayong magpa-picture?"

"Um..." Alanganing natawa si Lally at napahaplos sa buhok niya. "Burado na yata ang BB cream ko, pero sige."

Napahagikhik ako. Ilang beses kaming nag-selfie ni Lally. Hindi ako makapaniwala! Nakakasalubong ko lang pala ang isa sa mga magagaling na writer sa balat ng lupa. At siya pa ang gumagawa ng paborito kong kape!

"Gusto ko lang malaman mo na ang fresh ng atake mo sa bawat episode. At gustong-gusto ko 'yong humor, 'yong dialogues... lahat!" Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Hawaan mo 'ko ng talent mo, please?"

Napahalakhak si Lally.

"Tama nang pambobola 'to, Sídh. Baka mahiya na akong singilin ka niyan."

"Kailan 'yong season two?" tanong ko nang pakawalan ko na ang mga kamay niya.

"Hindi ko pa alam. Bawat episode mahirap, sa totoo lang. Pero kung inspirasyon lang ang pag-uusapan, marami-rami na rin akong naipon. Ang producers pa rin ang may huling say." Nagkibit-balikat pa si Lally.

"Dapat sa TV ipinapalabas ang mga gawa mo. Sawang-sawa na 'ko sa mga palabas na nag-isang taon muna iyong teleserye bago nagpasya ang mga writer na gawing palaban iyong mag-inang bida." Hindi ko napigilang mapangiwi.

Napatakip sa bibig niya si Lally habang pigil ang tawa. Napahagikhik naman ako. Pero napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto ng coffee shop at tuloy-tuloy na pumasok doon si Yuan.

Halos hindi ako kumurap habang sinusundan ang mga hakbang niya. Parang ang bagal-bagal ng ikot ng mundo. Tila nagmistulang catwalk ang maliit na silid na iyon. Sumikdo ang puso ko nang mapasuklay siya sa buhok niya gamit ang kamay niya.

Nakasuot siya ng oversized na black shirt, itim din ang pantalon niya at nakatsinelas lang siyang itim din. Napatingin siya sa 'kin pero agad din siyang nagbawi ng tingin dahil kinausap niya ang barista sa counter.

"Parang alam ko 'yang ganyang pakiramdam," narinig kong sabi ni Lally.

"Ha?" Maang akong napatingin sa kanya.

Nginisihan niya ako.

"Kumain ka na muna bago pa tumabang itong kape mo. Babalik na ako sa counter. Pakiramdam ko, mas marami kayong pag-uusapan ni Yuan. Bawi na lang ako sa susunod, ha?"

Tumango naman ako.

"Thank you, Lally."

"Thank you rin, Sídh." Nginitian niya ako bago siya tumayo at bumalik sa counter.

Kinuha ko ang kape ko at ininom saka ibinaling ang tingin ko sa labas ng dingding at sa mga dumadaang tao at sasakyan. Kung ganitong madalas magpapakita sa akin si Yuan, hindi malabong magkagusto ako sa kanya. At ayokong mangyari 'yon.

Nang gumalaw ang binakanteng upuan ni Lally sa harap ko ay hindi na ako nagulat, pero nakaramdam pa rin ako ng tuwa. Nakadekwatro na ngayon si Yuan habang iniinom ang iced Americano niya.

Walang ano-ano ay kinatok niya ang likod ng laptop ko.

"Heol."

"Bakit?" angal ko.

"Ano'ng brand 'yan?" tanong niya.

Sinilip ko naman ang likod n'on. Napansin pala niya ang bayabas na sticker na itinapal ko sa orihinal na logo ng laptop ko.

"Wala lang." Segunda mano ko lang kasi nabili itong laptop. Napagdiskitahan ko lang.

"Are you working?"

"Hindi. Nagpapanggap lang ako. Nagbo-boyhunting talaga ako. Wala akong makitang guwapo no'ng hindi ka pa dumadating." Umangat ang isang sulok ng mga labi ko habang nagpapanggap na sinisipat ang mga iilang customer sa loob ng coffee shop.

Nakita kong umangat ang isang sulok ng mga labi niya bago humigop sa kape niya.

"Salamat nga pala." Kinuha ko ang payong at iniabot sa kanya. "Hindi ko nasira 'yan, ha."

"You're welcome." Tinanggap niya iyon at pinasandal sa dingding sa tabi niya.

Humigop muna ako sa kape ko bago ko naisipang magtanong.

"Sa'n ka nakatira?"

"Sa top floor."

"Ng building din na 'to?" manghang sabi ko. Tumango naman siya. Ayos, a. Nasa iisang gusali lang ang kompanya at tirahan niya. "Siya nga pala, dahil nandito ka na rin lang, puwede ba tayong mag-usap tungkol sa sinabi mo no'ng isang linggo?"

"Tungkol sa exclusive stories mo?" Bahagya siyang umisod paharap. "I'm all ears."

"Napagpasyahan ko na i-sign na rin sila sa MuseFic. Pakiramdam ko, nasa tamang platform na 'ko. Matagal ko na rin silang gustong i-publish, pero hindi lang ako sinisipag. Siguro ito 'yong dahilan."

Yuan looked pleased as he put his coffee on the table and clasped his hands.

"Kung gano'n, puwede mo bang ipasa ang series proposal n'on within this week?"

"Mayro'n na 'kong ginawa. Puwede ko siyang i-email sa 'yo ngayon." Binuksan ko ang e-mail ko at in-attach ang link ng folder ng mga manuscript ko doon. "Um... dadaan pa naman sa evaluation ito, 'di ba?"

"Of course."

Napabuga ako ng hangin. Bigla akong kinabahan isipin ko pa lang na dadaan sa kanya ang mga manuscript ko. Oo, kinakabahan din ako tuwing nagpapasa ako ng manuscript dati. Pero iba pala ang pakiramdam na kilala mo 'yong editor mo at ganito pa kaguwapo.

"Sent," sabi ko ilang sandali pa at kiming ngumiti.

"Thank you. I can't wait to read it." Muli siyang uminom sa kape niya. "Kung gano'n, hindi ko na kailangang maghintay ng Lunes para sabihin sa 'yo na mayro'ng meet-up ang mga signed author ng MuseFic para sa contract signing. Ilan sa kanila ang pumirma ng exclusive contract sa loob ng isang taon at nagpasyang mag-renew. Gusto mo bang subukan kahit isang taon lang muna?"

Napakibit-balikat naman ako.

"H-hindi pa ako nakakapirma ng exclusive contract sa mga online platform. Puwede mo ba akong bigyan ng heads-up?"

"Bukod sa sa MuseFic ka lang magpapasa ng mga akda mo sa loob ng isang taon, wala kang masyadong kailangang gawin. You're not required to submit a new story every month. You don't need to reach a certain quota or something. It's up to you. The company will do most of the marketing. You just have to do your best."

'Yan ang gusto ko.

"Nakakatukso ngang pumirma." Napakamot ako sa likuran ng tainga ko.

"I guess it won't hurt. You're not tied to any publishing companies as of the moment, right?"

Tumango naman ako. "Ayoko na nga sana, e."

"By the way, we will make a special feature about it. Okay lang ba sa 'yo ang mag-photoshoot at kaunting interview?"

"Kailan naman 'to?"

"This Friday."

"Friday agad," sabi ko at alanganing tumawa.

"I'll send you a sample contract. Sana pag-isipan mong mabuti."

"Sige. Payag ako," sabi ko naman.

Mukhang hindi rin niya inaasahan ang sagot ko dahil napatitig siya saglit sa akin.

"Are you sure about that?"

"Oo naman. Isang taon lang naman. Iyong iba nga riyan, pinapirma ng sampung taon 'tapos pinabayaan."

"Great." He smiled. "You should wear a dress. It's a sort of a formal meet-up."

"Gano'n ba?" Buti na lang, nakapaglaba na ako. Napakamot ako sa ilong ko. "Sige."

"Hopefully, I can give you a result before Friday."

Marahan akong tumango.

Nakaramdam ako ng panghihinayang nang kinuha na niya ang payong. Gusto ko pa siyang magtagal. Pero baka marami pa siyang gagawin. Ako rin naman. Kaso, ewan. Bakit mas gusto kong pagmasdan ang pagmumukha niya. Hindi ko naman maipambabayad sa mga bayarin ang kilig.

"See you around," sabi pa niya bago tumayo.

"Okay. Salamat ulit."

Tumalikod na siya at naglakad papunta sa pinto. Hindi ko mapigilang mapabuntunghininga habang sinusundan ng tingin ang likod niya. Oo na, aaminin ko na. Hindi ang magandang terms ng MuseFic ang rason kung bakit napapayag agad akong pumirma. Dahil talaga 'yon kay Yuan.

Sana hindi ko 'to pagsisihan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top