제 2화/ Episode 2
CHAPTER TWO
HI, SÍDH. KUMUSTA KA NA? NAG-EMAIL NA SA 'YO SI YUAN? PUMIRMA KA NA. MAGANDA ANG PATAKARAN SA MUSEFIC. HINDI KA MAGSISISI.
Hindi ko mapigilang matawa nang mabasa ko ang chat sa akin ni Miss Trixie. Wala man lang paligoy-ligoy. Ito ang gusto ko kay Miss Trixie. Bihira lang kaming mag-usap sa chat, pero straight to the point agad.
"Sino 'yan?" tanong sa akin ni Nicole.
Kumakain kami ng doughnut habang nagkakape sa sala. Si Roxanne naman ang pumunta rito sa bahay nang dumating ang hapon. Paborito niya ang doughnut, lalo na ang bavarian. Pero buti na lang, inisip ni Nicole ang kapakanan ko.
"Hindi 'to lalaki, okay?" pakli ko naman.
"Parang nagtatanong lang, e." Pero hindi naman niya naitago ang ngisi niya habang humihigop ng kape.
"Editor ko dati sa Shining Pages. Kinukumbinse niya akong pumirma sa bago niyang pinagtatrabahuan ngayon."
"Pumirma ka na, kung gano'n. Nabanggit mo minsan na nami-miss mo nang mag-post ng bagong story, 'di ba?" sabi naman ni Roxanne.
"Sinabi ko 'yon?" maang na tanong ko.
"Oo. Ikaw pa ba? Sabi mo pa nga, ang pagsusulat para sa 'yo ay parang pagkakape lang din. Iyon ang rason kung bakit ka nabubuhay. Saka kung okay naman ang kontrata, go ahead," sabi niya habang ngumunguya ng doughnut.
Mariing naglapat ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang chat sa akin ni Miss Trixie.
"'Sabagay." Nag-type ako ng ire-reply.
HI, MISS TRIXIE. OPO. NABASA KO NA ANG SAMPLE CONTRACT. OKAY NAMAN SA AKIN ANG TERMS. AAYUSIN KO LANG PO ANG MGA IPAPASA KO AT IPAPAALAM KO KAY YUAN SA MGA SUSUNOD NA ARAW. BALITAAN KO PO KAYO. THANK YOU PO.
"Ilibre mo kami ng pizza kapag binayaran ka na, ha?" hirit naman ni Nicole.
"Oo ba," sabi ko naman at nagtaas-baba ng kilay. Agad kong tiningnan nang mag-reply si Miss Trixie.
MABUTI NAMAN. MAGUGUSTUHAN MO SI YUAN. : )
Si Yuan? Hindi ba dapat ang kompanya? Ah, baka typo lang si Miss Trixie.
Itinabi ko na ang cell phone ko.
"Sana maganda ang offer," sabi ko.
"Sigurado 'yan. Magaling ka, Sídh," ani Nicole.
"Totoo 'yon. Honored ang inaanak mo, may ninang siyang gaya mo," sabi naman ni Roxanne at hinimas ang tiyan niya.
Natawa lang ako. Minsan masarap ding may nagpapaalala sa 'yo na may patutunguhan ang ginagawa mo. Lalo na kung palagi kang nilalamon ng imposter syndrome.
NAPANGIWI ako nang mag-inat ako habang papunta ako ng kusina. Madaling-araw ko nang natapos ang huling project ko pero maaga pa rin akong nagising. Hindi bale na. Ngayong linggo man lang, makakahinga ako nang maluwag. Wala na akong gagawin hanggang sa weekend. Ibig sabihin, puwede ko nang asikasuhin ang ipapasa ko sa MuseFic.
Nagtimpla muna ako ng kape saka dinala ang laptop ko sa kusina. Matapos kong mag-email kay Yuan ay doon ko pa lang tiningnan ang website nila.
Namangha ako. Maganda ang site. Mayro'ng category para sa light novels at webtoon. Puwede ring magbasa sa dekstop. Ang astig. Ang isa sa pinakasikat na webtoon ng MuseFic ay may pamagat na One Hundred Souls. Written and illustrated by dan_sky. Tungkol sa isang grim reaper na may misyong magligtas ng isangdaang kaluluwa mula sa pagpapakamatay. Kapag nagawa niya iyon, saka lang siya tatanggapin sa langit.
"Ang galing naman." Nag-download ako ng app sa cell phone ko at inilagay iyon sa library ko.
Nang tingnan ko uli ang inbox ko, nakita kong mayro'n nang e-mail sa akin si Yuan.
Hi, Sidh.
Thank you very much for your response. I'm going to prepare your contract now and will be available within this week. Would you like to sign your contract in person, by the way? We are located at LDLV Building...
"Malapit lang pala rito ang opisina nila?" manghang usal ko nang mabasa ko ang address. "Ayos." Naalala ko na naman noong unang beses na pagtapak ko noon sa opisina ng Shining Pages. Ang saya-saya ko no'n kasi isa na nga akong ganap na author. Ang bilis ng panahon.
Pero iniisip ko kung pipirma ba ako nang personal. Gusto kong malaman kung ano ang hitsura ng opisina nila, at kung paano sila nagtatrabaho. Gusto ko ring makita nang personal si Miss Trixie.
That's great. I'm looking forward to receiving the contract. I'm not sure about my availability, though. But I'll consider it. Thank you.
Hindi naman ako gaanong magiging busy next week. Siguro puwede akong maglaan ng kahit lang oras lang. Nami-miss ko na ring lumabas-labas.
Great. Miss Trixie can meet you during the weekend just in case you're busy next week. She will assist you with the signing and also discuss other opportunities with you. Let me know what works for you.
And let me know if you have any questions. Have a great day.
Hindi naman masama ang Linggo. Balak ko ring lumabas sa araw na iyon para magkape at kumain sa plasa.
All right. I think I could meet her this Sunday. Thank you.
Ayos. May date ako sa Linggo.
"SÍDH, 'di ko maalala kung napag-usapan na 'to natin dati, pero ano nga uli 'yong tipo mo sa lalaki?" tanong sa 'kin ni Nicole.
Nagsusuklay na ako nang mga oras na iyon habang nakaharap sa salamin. Mga alas-tres kami magkikita ni Miss Trixie at mukhang uulan pa. Nakahilata si Nicole sa sala habang nanonood ng TV.
Nilingon ko siya habang napapaisip ako. Hindi mahilig magbasa si Nicole kaya hindi niya alam kung anong klase ng mga hero sa nobela ang isinusulat ko.
"Basta matino," sagot ko na lang.
Sa totoo lang, hindi ako gaya nina Roxanne at Nicole na may unforgettable na ex. Mayro'n akong unforgettable na crush pero hindi ko kayang ikuwento sa kanila kasi crush lang naman. Hindi tulad ng sa kanila na minahal nila at minahal din sila pabalik, iyong crush ko na 'yon, puno lang ng what ifs. Ang labo, 'di ba?
"Wala ba kaming niretong matino sa 'yo?"
"Ewan ko lang, ha. Pero kasi ang mga nirereto sa 'kin ni Roxanne, mga hindi lang nakapasa sa kanya. 'Yong isa, sex lang ang habol sa babae. 'Yong isa naman, lahat ng bisyo nasa kanya na. At 'yong isang mukhang matino naman sana, marupok pala sa tukso. Lumabas na manloloko. Todo-build up pa naman si Roxanne sa kanila."
Hindi naman mapigilan ni Nicole ang matawa.
"Kung hindi niya sa 'yo nirereto, sa 'kin naman," dagdag pa niya.
"'Di ba?" napailing na sabi ko habang nakangiwi. "Kung tatanda man akong dalaga dahil hindi ko binabaan ang standards ko, tatanggapin ko. Kaysa naman nag-asawa nga ako, pagsisisihan ko lang din naman pala habang-buhay. May mga anak pa 'kong idadamay."
Sumeryoso si Nicole.
"Sídh, ako... natatakot akong mag-isa habambuhay."
Bumuntunghininga ako.
"Walang masama ro'n," sabi ko. "Basta pumili ka lang ng matinong lalaki. Sa ganda mong 'yan, huwag kang matakot maubusan."
Nanghaba ang nguso ni Nicole na parang bata.
"Kaibigan talaga kita." Itinuro niya ako. "Mag-lipstick ka, ha? Hindi ka puwedeng umalis nang maputla ang mga labi mo."
Umasim naman ang mukha ko.
"Si Miss Trixie lang naman ang kikitain ko."
"Mag-lipstick ka sabi."
"Oo na," sabi ko at iniikot ang mga mata ko.
NAGTRAYSIKEL lang ako papunta sa LDLV Building. Nang malapit na ako ay tiningnan ko kung maayos ba ang pagkakalagay ng lipstick ko. Saka naman biglang nag-pop ang chat ni Miss Trixie sa notifications bar ko.
HI, SIDH. PASENSIYA NA SA LATE NOTICE. I CAN'T MEET YOU TODAY. I HAD A FAMILY EMERGENCY. BUT YUAN WILL TAKE CARE OF YOU, SO YOU HAVE NOTHING TO WORRY ABOUT. : ) IKAW NA ANG BAHALA SA KANYA. SIYA NA RIN ANG BAHALA SA 'YO. SEE YOU SOONEST.
"Nge," hindi napigilang sambit ako.
"Neng, dito ka na lang ba bababa?" tanong sa akin ng driver.
Agad akong nag-angat ng tingin. Nakita ko ang pangalang Kalye Keopi sa bungad mismo ng building na iyon. Doon kami dapat magkikita ni Miss Trixie.
"Opo." Dumukot ako ng bayad at iniabot iyon sa driver bago bumaba. "Thank you po." Habang inaayos ko ang suot kong olive green na cardigan ay saka ko lang na-realize na nakalimutan ko palang magdala ng payong. Mukha pa namang pabagsak ang ulan at mukhang hindi ito basta ambon lang.
Mamaya ko na lang re-reply-an si Miss Trixie. Iisipin ko muna kung paano ako patutunguhan ang taong sa e-mail ko lang nakakausap nitong mga nakaraang araw.
Habang papalapit ako sa Kalye Keopi ay nakita ko ang isang pigura ng lalaki sa loob na nakaupo sa tabi ng salaming dinding. Kalahati lang ng katawan niya ang kita ko dahil nakababa ang blinds sa kalahati ng shop.
Huminga muna ako nang malalim bago itinulak ang pinto.
Sinalubong naman ako nang maaliwalas na ambiance ng coffee shop. Warm white ang ilaw, malamig, at very minimalist ang kremang interior. Pamilyar na babae ang baristang nasa counter.
"Hi, magandang hapon," bati ko.
"Yes, ma'am? May reservation?" nakangiti niyang tanong sa akin.
"Dito ka na pala ngayon? Kaya pala iba na ang nagbabantay sa puwesto mo sa plasa," hindi napigilang sabi ko.
Naintindihan naman agad ng barista ang ibig kong sabihin.
"Kaya pala pamilyar ka. Suki nga pala kita," natawang sabi niya.
"Oo. Natatandaan mo rin pala ako," natawa ring sabi ko.
"Ikaw ba ang may appointment kay Yuan?" Napatingin siya sa lalaki sa likuran ko.
Agad ko namang nilingon ang lalaki. At napakurap ako. Mayro'n siyang tinitingnan sa iPad niya at nag-angat lang siya ng tingin nang marinig niya ang pangalan niya. Nagkatinginan kami at naramdaman ko ang paglukso ng puso ko.
Hindi siya mukhang ordinaryo. Mukha siyang... hinugot mula sa nobela ng paborito kong manunulat at binigyan ng buhay. His wet black hair was pushed back and it complimented his face. He was sitting cross-legged. He was giving me a prim and masculine vibe at the same time.
"Miss Sídh Bartolome?" sambit niya sa buong-buong boses.
Napakurap ako. Sobrang lalim ng boses niya!
Tumayo siya at lumapit sa akin. "I'm Yuan Song. We've finally met." Inilahad niya ang palad niya sa akin.
"Y-Yuan?" Ito si Yuan na kapalitan ko noong e-mail nitong mga nakaraang araw?
"I'm sorry Miss Trixie could not make it."
Tumikhim ako para pakalmahin ang dibdib ko.
"Oo. Sinabihan nga niya ako." Pero last minute na nga lang. Agad kong tinanggap ang kamay niya bago pa niya bawiin. Grabe, ang init ng palad niya! Parang ayokong bawiin ang nanlalamig kong kamay. "It's nice to meet you."
"So, ikaw si Sídh. Ako naman si Lally."
"Lally," manghang ulit ko nang lingunin ko siya. Napatingin ako sa mga kamay namin ni Yuan at ako na ang nagbawi ng palad ko.
"Writer din ako sa MuseFic."
"At fiancée siya ng isa sa mga board of director, who happened to own this building," dugtong ni Yuan.
"Oo. Iba talaga kapag may kapit ka sa nakatataas," pasakalye naman ni Lally. "So, what's your order, Sídh? Iced caramel macchiato ba ulit?"
"Hot cappuccino naman siguro. Maiba lang," sabi ko naman. Para sakto lang sa panahon.
"Coming right up."
"Thank you!"
"Let's take a seat," sabi naman ni Yuan sa akin.
Tumango naman ako.
Pagkaupo naming dalawa ay napatigil ako nang manoot sa ilong ko ang amoy ng sabon na gamit niya. Hindi siya gumamit ng ano mang pabango. Hindi matapang kundi parang tinutukso akong ilapit pa ang ilong ko para maamoy siya.
Ano ka ba naman, Sídh? Umayos ka!
"So, 'Sídh' is short for 'Sinéad.' I like your name," komento pa niya. "Nabigkas ko ba nang tama?"
Manghang tumango naman ako.
"Nag-research ka. Lola ko ang nagbigay ng pangalan na 'yan, just in case curious ka."
"Is she a fan of the eponymous singer?"
"Gano'n na nga."
"Here. Take your time reading this," sabi niya, saka iniisod palapit sa akin ang isang folder na nasa gilid lang ng mesa.
"Thank you," tugon ko naman at saglit siyang sinulyapan.
Binuksan ko ang folder at saka sumandal sa silya. Sana hindi dumugo ang ilong ko.
"Hindi ka na active sa mga online platform lately, tama ba 'ko?" tanong niya mayamaya pa.
Tumingin naman ako sa kanya at tumango.
"Did you stop writing? Or is it just another case of writer's block?"
"Hmm..." Pinagdikit ko ang mga labi ko. "Actually, parang hindi lang basta writer's block kundi imposter syndrome. May mga naisulat naman ako, pero nakatengga lang sa laptop ko. Iyong isang platform na pinagpapasahan ko naman, hindi pa tumatanggap ng Filipino."
"No one has read it yet, is that right?"
Bahagya akong tumango.
"Gano'n na nga."
"Can you tell me about it?"
"Um..." Alanganin akong tumawa. "Parang mini-series tungkol sa mga writer na hindi lang sa pagsusulat umiikot ang buhay. Hindi siya gano'n kahaba. Hindi rin mabigat ang conflict. Isinulat ko 'yon para may paglabasan ako ng stress ko sa isa ko pang trabaho. Kung ako ang tatanungin, hindi naman siya gano'n kabongga."
"Will you sign it with us, then?"
Manghang napatingin ako sa kanya.
"E-ewan ko," sabi ko ilang sandali pa. "Hindi mo pa naman nababasa. Pa'no 'pag hindi mo naman pala gusto?"
"I don't think that would be the question. Miss Trixie has so many positive things to say about you," sinserong sabi niya.
Hindi mapigilang mag-init ng pisngi ko.
"S-siyempre, si Miss Trixie 'yon. Editor ko siya at—"
"Halos nabasa ko na rin lahat ng naisulat mo. I think it's safe to say I already know what to expect."
"N-nabasa mo halos lahat?"
"Oo. Kahit iyong naka-publish na sa ibang publishing company. Mahirap nang mahanap ang mga kopya ng libro mo, pero mabuti na lang at mayro'ng ebook format," he answered matter-of-factly.
"Ah..." Kaya siguro niya ako tinanong kung naibalik na ba sa akin ang rights sa mga published book ko.
"Please think about it. Maingat kami sa publishing process namin. We always involve the author, and we always make sure that the outcome will benefit the company, the author, and the readers. Miss Trixie will say the same thing. I'm sure of that."
Tiyak 'yon.
"Here's your order," agaw ni Lally at inilapag ang mga tasa sa mesa namin. May kasama pang dalawang serving ng lasagna iyon.
"Thank you, Lally," nakangiting sabi ko. "Um..." Itinuro ko ang lasagna.
"That's pure beef." Kinindatan pa niya ako.
"'Yon. Salamat ulit. Mukhang masarap."
"Oo naman. Excuse me."
"Thanks, Lally," sabi ni Yuan.
"You're welcome, guys," masayang tugon naman ni Lally at tumalikod na.
"So, you have a job other than fiction writing," sabi pa niya.
"Tama." Kinuha ko ang tasa ng cappuccino at hinipan iyon bago inumin. Ang sarap!
"You didn't think fiction writing could be a full-time job?"
Umiling agad ako saka ibinaba ang tasa.
"Hindi, at least, para sa 'kin. Hindi lahat puwedeng iasa sa pagsusulat ang pangkabuhayan. Ang mas masaklap pa ro'n, iniisip ng ibang readers na madali lang ang pagsusulat dahil uupo lang naman kami sa harap ng laptop namin. Akala siguro nila, madali lang bumuo ng kuwento. Na kapag nagsimula ka nang tumipa, tuloy-tuloy lang na lalabas ang mga salita. Kaya nagagalit sila kapag mabagal ang update o kaya nag-update nga, bitin naman. 'Tapos ang lalakas pa ng loob nilang tawaging mukhang pera ang mga writer kapag nagpo-post sila sa mga platform na may bayad.
"Kailangan din namang kumain ng writer, magbayad ng kuryente at ng internet at kung ano-ano pa kasi parte 'yon ng buhay nila. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi maintindihan 'yon ng iba. 'Tapos may isang post akong nabasa na ikinukumpara niya ang paborito niyang writer sa ibang writers na nagpapabayad para sa mga gustong magbasa ng akda nila. Pero kung iisipin, iyong paborito niyang writer, may iba pang career. Laging mabenta ang mga libro. May sariling platform." Bumuntunghininga ako at napalatak. "Sa lahat ng nagbabasa, naiwan siyang..." Natigilang napatingin ako kay Yuan. "Pasensiya ka na. Hindi ko na itutuloy."
"You're not lying, though," komento naman niya bago humigop sa tasa niya. "You were not the first one to say that. Gaya mo, ang regular writers namin, mayro'n ding ibang career. May teacher, office staff, at full-time housewife na gustong gamitin ang libreng oras niya. Hindi rin sa pagsusulat umiikot ang buong buhay nila. "
Hindi ko mapigilang mapangiti nang palihim.
"Tama ba ako, iyong unang platform na sinalihan mo, naglalagay sila ng ads sa mga free story ng mga writer na kagaya mo pero wala kayong share sa revenue?"
"Wala. Oo, malaking tulong ang exposure sa platform na 'yon dahil sila ang may pinakamaraming users sa mundo at marami ang napansin ng publishers dahil do'n kabilang na ako, pero hayun nga, hindi lahat ng writer kumikita ro'n. Hindi rin lahat ng writer nabibigyan ng publishing offer. Gano'n lang," sabi ko pa at nagkibit-balikat.
"Gusto mo bang i-share sa 'kin ang natutuhan mo bilang manunulat?"
Natawa ako nang mahina.
"Mayro'n ba?" Napakamot ako sa likuran ng tainga ko. "Ang natutuhan ko sa naging karanasan ko bilang manunulat ay... madi-disappoint ka lang kapag nalaman mong mas na-exploit ka kaysa natulungan ng pinagkatiwalaan mong publishing company, hindi ka maa-appreciate ng lahat ng readers kahit anong buhos mo ng dedikasyon mo sa pagsusulat, hindi ikaw ang magiging paboritong writer ng lahat, lalong hindi ka mabubuhay sa royalty lang, at higit sa lahat, hindi ka magiging kasingsuwerte ng iba. May pagkakataon na hihingin mo na sana kasingsikat ka rin ng iba. May mga writer naman na masisilaw sa pera.
"Sa huli, magsusulat ka pa rin pera man o hindi ang rason mo. Magsusulat ka pa rin kasi kahit wala mang sampu 'yan, mayro'n at mayro'n pa ring magbabasa. At..." Itinaas ko ang hintuturo ko sa ere. "Hindi lahat puwedeng maging writer."
Kinapa ko ang ballpen sa loob ng maliit kong shoulder bag. Binalikan ko iyong parteng binabasa ko sa kontrata kanina.
"Can I ask you a personal question?"
"Ano 'yon?" tanong ko nang hindi nag-aangat ng tingin dahil nagsisimula na akong pumirma.
"Do you have a boyfriend?"
Umupo ako nang tuwid at deretso siyang tiningnan.
"Fun fact. Hindi kailangan ng boyfriend ng isang writer para magsulat ng romance at ng..." tumihim ako, "love scenes. Hindi ka puwedeng maging writer kung hindi malawak ang imahinasyon mo."
"You don't think I'm questioning your ability as a romance writer, do you?"
"H-hindi ba?" kunot-noong tanong ko.
"It was a personal question," pagbibigay-diin niya. "I'm just simply asking for your civil status."
"A-ah." Medyo napahiya ako ro'n. "Pasensiya na."
"I don't have a girlfriend, by the way," sabi pa niya at seryoso akong tiningnan.
Napakurap ako. Ano'ng ibig niyang sabihin do'n? Nabasa ba niya sa mukha ko na interesado rin akong malaman kung may nagpapatibok na ng puso niya? Nabasa ba niya ang isip ko? May lumalabas bang subtitle sa itaas ng ulo ko?
Kimi lang akong ngumiti at tumango. Yumuko ako at binilisan na lang ang pagpirma.
Mayamaya pa ay narinig ko ang pagpatak ng ulan sa labas. Napasilip ako sa labas ng salaming dingding. Hindi ko mapigilang mapangiwi. Sinasabi ko na nga ba. Sa dinami-dami ng makakalimutan, payong pa.
"Can you excuse me for a moment?" tanong naman sa akin ni Yuan.
Napatingin ako sa kanya.
"Sure," tugon ko naman.
"I'll be right back."
Tumango ako. Tumayo na siya at tuloy-tuloy na lumabas ng coffee shop.
Isang malakas na buntunghininga ang pinakawalan ko.
"Okay ka lang, Sídh?" tanong naman sa akin ni Lally.
Alanganin akong ngumiti.
"Okay lang. Para akong nakahinga nang maluwag."
"Nadi-distract ka kay Yuan?" natatawang tanong pa niya.
Tumango naman ako.
"Ang totoo niyan, maraming writer ang nagkukumahog na pumirma sa MuseFic nang malaman nilang isa si Yuan sa editors. Ginagamit talaga niya ang kaguwapuhan niya para pumirma ang mga writer sa kanya."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
"Talaga?"
Natawa naman si Lally.
"Biro lang. Pero mukhang gusto ka talaga ni Yuan."
"Gusto ko rin siya."
Tama nga si Miss Trixie doon sa sinabi niya sa akin sa chat. Nang nasa huling pahina na ako ng kontrata ay nanlaki ang mga mata ko.
"Lally, si Yuan din ang may-ari ng MuseFic?"
"Yup!" sagot naman ni Lally at nagtaas-baba ng kilay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top