+ 008° prologue entry {throwback}

prologue entry
↳ throwback kahit hindi thursday haha. btw, etong entry na ito ay ginawa ko last year, noon nagpacontest sa "papel at pluma" loko loko kasi si facebook, nakita ko yung entry ko haha. kaya naman i-sha-share ko yung entry ko noon na nanalo ng "best prologue". so ito na, sa mga babasa pa lang, kiligin at matawa sana kayo XD

✿ ❀ ✿ ❀ ✿

Title: The Ball and The Pen
Username: SiyoonieAnj17
Word count: 319 words

Prologue:

"Uy, panot!" tawag nito.

Lumingon ako sa likod ko at tinarayan ito, "Problema mo Ball-ball?"

"Ballpen ka ba?"

"Bakit mo natanong?"

"Ay! Nagsasalitang ballpe--aray!" singhal nito nang matapos kong batukan. "May kailangan ka pang sabihin, Ball-ball?" iritado kong tanong.

Sinamaan niya ko ng tingin, "Alam mo.."

"Hindi ko pa alam," deretsang sabi ko habang humahalukipkip sa kanyang harapan.

Wala na kong pakealam kung pinagtitinginan kami ng mga kaklase naming manyak.

Napasinghap siya, "Hindi Ball-ball ang pangalan ko at mas lalong hindi Bulbol ang palayaw ko, Pen-ish. Ballentrino Agustin Liame Lustre ang pangalan ko, intindi?"

Natawa ako ng mahina at tumingin sa kanya ng seryoso. "Hindi," singhal ko rito. Tumayo ako at nilapitan siya. Ilang inch na lang rin ang layo namin sa isa't isa. Ngumiti ito ng nakakakilabot.

"Dahil hindi rin naman Pen-ish ang pangalan ko at mas lalong hindi penis ang palayaw ko! Penisha Evans Knight ang aking magandang pangalan, okay?"

Imbis na samaan ako ng tingin bagkus ay nginisihan lang ako nito at bumulong. "Penisha Evans Knight Lustre.."

"Ano sabi mo?" takhang tanong ko rito.

"Wala!"

"Ano nga sabi mo, Ball-ball!" naiinis kong sabi pero ngisi lang ang nakuha kong sagot. "Ano nga sabi--!"

"Mahal kita, Pen-ish!"

Natahimik ako sa biglang pagsigaw niya.. Binigkas niya 'yon mula sa kanyang mapupulang labi, langya.

Kung may Jack and Jill, sa nursery rhyme. May Adan at Eba, na aayon sa bibliya. Na may Romeo at Juliet, sa mga pelikula. Mayroon din Florante at Laura na sinundan ng pag-iibigan ni Crisostomo at Maria Clara na pinakilig tayo ni Jeydon at Candice na kinumpleto ni Mama at Papa..

Sa daming love story na nabasa, nasaksihan at napanood ko. May pag-asa bang ang love story ko ay kasama ang lalaking ito na ang palayaw ay Ball-ball?

Siya si Ball at ako si Pen, in english.. He's The Ball and I'm The Pen.

✿ ❀ ✿ ❀ ✿

so ayon, dito nagsimula ang penisha na aking naisip hahaha (hello sa mga nagbabasa ng buy one, take me ni jk XD)

at.. baka gawin ko itong short story, siguro mga 5 chapters lang? pero kapag tinamad, one shot na lang hahahahaha. gusto niyo bang ituloy ko ito? 😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top