Chapter 20- Clueless to each other

Rome's POV

Nagpatuloy ang buhay ko sa Baguio. Girls come and go and sometimes, I don't even remember their name.

Weeks turned into months, then years... Nagcollege ako sa Ateneo to pursue my degree.

Zoey answered my emails politely. But I know she's far already. Until I didn't email her at all.

----------------

"Kuya..."
Merong kumakatok sa pintuan. Go away...
"Kuya..." Sigaw nito...
Palakas ng palakas ang katok at kasabay pa nito ang tunog ng doorbell.

Pinilit kong tumayo sa sahig at buksan ang pintuan.

"What the hell..." Bungad ni London ng pagbuksan ko siya.
"Huwag kang maingay." Sapo-sapo ko ang ulo ko na bumalik sa sala.
"Kailan ka huling naligo? Kuya, ang baho mo... At ang...kalat ng condo." Luminga linga si Londo sa mga nagkalat na basyo ng bote.
Kinuha nito ang huling alak na hawak ko.
"Inubos mo ang collection mo ng alak?" Hindi makapaniwalang tanong ni London.
"Ano kailangan mo?" Inaagaw ko ang alak sa kanya.

"Isang linggo kang hindi nagpapakita. Iniwan mo daw si Ate Zoey sa Country Club na mag-isa. Ano ba problema mo, Kuya?" Iniiwas nito ang alak. Inaabot kong pilit si London.
"Saka maligo ka nga... For God sake!!! Ang baho-baho mo."

Tinapon ni London ang alak sa lababo... Binuhos niya ang laman nito.
Napasandal ako sa couch. Wala akong lakas hamunin ng away ang kapatid ko.

Madumi ang condo. Amoy panis na pizza...Nagkalat ang mga basyo ng bote... Amoy pawis, amoy suka.

"Maligo ka at kailangan nating mag-usap." Galit ang boses ni London.
"Get out of my house." I told him.
"Nahospital si Ate Zoey. Alam mo ba?"
Napatingin ako kay London. Nawala ang espirito ng alak na inipon ko sa katawan.
"I guess hindi mo alam. Where is your fucking phone? Bakit hindi ka sumasagot?"

"Ano ang nangyari kay Zoey?"
"Ngayon nag-aalala ka?" Napatingala si London.
"She's fine. Your babies are fine as I heard. Pero Kuya, think straight. Puntahan mo si Ate Zoey sa Country Club."

Iniwan ko si London sa sala at nagpunta sa toilet. Binukas ko ang shower without turning on the heater. I let the cold water run through me.

Nahospital si Zoey... Kailan?!

Lumabas ako ng kwarto after kong makapaligo. Nilagay ni London s isang garbage bag ang mga basyong bote at mga pizza boxes. Binuksan niya ang bintana at nagspray ng air freshener.

"Ano ang problema mo Kuya?" Tumabi sa akin si London.
"Kamusta si Zoey?"
"I think she's fine." He replied.
"Hindi mo siya nakita sa bahay?"
"Iniwan mo siyang mag-isa... Na kay Ate Cailee siya. Tinatawagan ka daw nila, hindi ka macontact."

Sumasakit ang ulo ko.

"Kuya, talk to me. Ano ba ang problema?" Nag-aalalang tanong ni London.
Umiling ako.
"Kuya, dati close naman tayo. Sinasabi mo sa akin ang mga kalokohan mo... Ganundin ako sayo. What change?"
Silence... We both didn't speak.

"I think... I think I'm inlove with Zoey." Hindi ako tumitingin kay London.
"Wala naman masama doon, Kuya. And you have been inlove with her since your SeniorHigh."
"She doesn't feel that way to me." I told London.
"Then make her fall for you." He simply said.
"She's inlove with someone else." Giit ko.
"Then make her fall for you." Pagdidiin ni London.
"Magiging panakip butas lang ako." I pointed out.
"So? That stops you?" Tanong ni London. "Dapat naman talaga Kuya,pinaghihirapan di ba?!"

He's right... Kailan pa naging matalino sa buhay si London.

"She's worth it, Kuya. Siya lang nakikinig sayo di ba? Sa mga weird mong suggestions... Sa mga machines mong pinagtatawanan namin ni Brook." Naiiling si London.
"Akala namin hindi ka magbabago Kuya. But when you met Zoey, naging focus ka. Naging A student ka pa noong college."

Natahimik si London.
"Ano pakiramdam Kuya?" Tanong niya after a while.
"Pakiramdam ng ano?"
"Ano pakiramdam ng playboy na inlove ngayon?" Nakangising tanong ni London.
"Feels like hell..." I replied dryly.

Nagdrive ako pabalik sa Country Club. I open my phone and there are a lot of miscalls from my friends... Lahat minumurana ako... Pero kahit isa, walang message si Zoey.

I parked my car sa tapat ng mansion nila Cailee.

"Rome!... My God, where have you been?!" May halong pagsweto ang tanong ni Tita Marie.
"Hi Tita." I kissed her cheek. "Si Zoey po?"
"Meron ba kayong problema, Rome?"
Umiling ako. "Sunduin ko na po siya. Pasensya na po Tita."
Nakakunot ang noo ni Tita Marie na tumango. Naghintay ako sa sala para kay Zoey.

"Rome!" I heard Cailee's voice before I saw her.
"What the hell are you fucking doing in here?" Sigaw ni Cailee sa akin.
Huminga ako ng malalim to stay calm. "Cailee, si Zoey?"
"Nagpapahinga. Umalis ka na." Galit si Cailee sa akin. Sa patigasan ng ulo,mananalo si Cailee sa akin kung gugustuhin nya talaga.
"I need to talk to her." I told her as calmly as I can.
She smirked. "Sa loob ng isang linggo, ngayon mo pa talagang naisipang kausapin siya? Umalis ka na Rome."
"Cailee... Hindi ko responsibilidad na mag-explain sayo. Huwag kang epal. Tawagin mo si Zoey." Tumaas na ang boses ko.
"Nasa bahay ka namin Rome. Wala ka sa hacienda mo." Sigaw ni Cailee sa mukha ko.

"Rome... Cailee..." Tawag ni Zoey sa amin. Iniwan ko si Cailee na nakatayo sa sala.
Lumapit ako sa namumutlang si Zoey sa paanan ng hagdanan.
"How are you?" She looked fragile. "Ano ang nangyari?"
Hindi siya nagsasalita.
"Nahospital ka daw?"
"Okay lang ang mga bata, Rome."  She replied.

Niyakap ko si Zoey... What have I done to her?

"Uwi na tayo." Yaya ko sa kanya. Hindi siya kumibo.

Hindi niya ako tinanong kung saan ako galing. Hindi niya ako sinumbatan. Hindisiya nagalit man lang.

"Okay." She replied. "Kunin ko lang ang ibang gamit ko."
Bumitaw siya sa akin at mabagal na umakyat sa hagdanan.
------------

A/N
Rome is clueless on Zoey's condition.
Zoey is clueless about Rome's feelings.

Kita nyo na ang effect ng hindi nag-uusap?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top